Chapter 14

22.6K 243 7
                                    

Nang makababa ako ng jeep ay agad sumalubong sakin ang ingay ng paligid ng skwelahan namin. Napakarami ng tao kahit 7:00 am palang ng umaga , madaming nag sisigawan. Madaming excited para mamaya.

Nakasuot ako ng high waist na pants at isang crop top na fitted long sleeve na may kulay na pula , para sa aming section.

Nag lakad na ako papasok sa loob ng university. At ayan nanaman ang mga lalaki na kung makatingin sakin paea bang gusto na akong lapain.

"Virginia Hi." Kaway sakin ng dati kong kaklase. Nginitian ko lang siya at nag patuloy na sa pag lalakad.

Asan ba si Ponce? Kailangan ko pang kunin ang tarpaulin na pinagawa ko para sa game mamaya ni Zandrus. Isu-surprise ko siya.

Saktong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko. Kinuha ko ito at sinagot habang nag lalakad.

"Hello ? Ponce?" Salubong ko sa tumawag.

" Virginia asan kana?" Tanong nya.

"Kapapasok ko palang ng campus. Nasan ka?"

Pinakinggan ko ang kabilang linya. I'm sure nasa loob na siya ng campus dahil sa ingay sa background nito.

"Nasa room. Nandito kaming lahat , bilisan mo at may pa breakfast si madam." Tinutukoy ang Professor namin.

"Okay sige. Ipag tago mo ko ha? Pati tangina mo. Wag mo naman itago sa brief mo! Dahil kahit may plastic yan , nakakadiri parin." Ngiwi ko.

Narinig ko ang lakas ng tawa nito bago mag paalam.

Mabilis na akong nag lakas paakyat sa classroom namin. At halos nandon na nga ang aking mga kaklase na mga nakakulay pula rin.

Nang makapasok ako ay nag sipulan ang aking mga kaklase na lalaki. Binigyan pa nila ako ng upuan at agad ko naman iyon tinanggap.

"Virgin , oh." Biglang lumapit sakin si Ponce na may hawak na naka Styro na pagkain.

Kinuha ko iyon at umupo siya sa tabi ko.
Inayos ko ang maliit kong backpack bago nag simulang kumain.

"Patau gutom kana pala prend?" Natatawang sabi ni Ponce.

Ngunguya nguya akong nag salita.

"Hindi ako nag almusal. Busy si mama mag impake."

Kumunot naman ang noo ng prend kong bakla.

"Bakit? Lalayas si Tita? Mag aabroad?" 

Umiling ako. Kinuha ko ang tubig na hawak niya at uminom don.

"Lilipat kami ng bahay."

"Whay!?" Hysterical na sabi nya.

Inirapan ko siya , huminga muna ako ng malalim , pakiramdam ko kasi na stock sa dibdib ko yung pagkain.

"Oo , wag kang maingay. Sayo ko lang sasabihin to , baka pati hindi naman ako sumama kasi andito si- I mean , nag aaral pa ako."

"Bakit? Bakiy kayo lililipat at saan?" Tanong nya.

"Sa Canada. "

Napa O ang kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata.

" Bakit? Saan? Sino? Hala ka bakla! Nanalo ba kayo sa lotto ha? Bakit mangingibang bansa kayo agad agad?"

Umiling ako at pinunasan na ang bibig.

" Dumating na ang tatay kong kano na nakatira sa Canada , at gusto nya kaming kunin ni Mama dahil matagal na niya kaming hinahanap." Explain ko.

"Wow." Yun lang ang nasabi nya.

Nginiwian ko siya dahil nag iimagine nanaman ang bakla.

"Hindi naman ako sasama." Sabi ko. Alam kong bago palang kami ni Zandrus pero mahal ko na siya.

Oo patago ang relasyon namin , pero ngayon mukang hindi na iyon malilihim dahil ipapakita ko ang suporta ko sa kanya mamaya at wala akong pakiaalam sa sasabihin nila , baka ingungod ko lang sila sa joga ko.

"Alam mo prend , kung ako sayo. Sumama ka sa pamilya mo , wag mong pagkaitan ang tatay mo. Pati look, pag nag ibang bansa ka , gaganda ka lalo. Baka hiwalayan na ni Zandrus ang jowa nyang chararat." Ngisi nya.

Nag kanda ubo naman ako sa kanya. Buti nalang ay nag simula na ang hudyat ng campus na magsisimula na ang Intra.

Mamaya , kakausapin ko si Zandrus. Sasabihin ko sa kanya ang plano ng pamilya ko at ang Hindi ko pag sama sa kanila.

-

Vote vote. ❤

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon