Chapter 41

14.6K 158 12
                                    

May katotohanan na kailangan mong tanggapin. At may kasalanan na dapat mong patawarin , kahit gaano man ito nakasakit sa 'yo.

Alam mo yung sakit , yung sakit na kaya kang baguhin. Yung sakit na kaya kang patayin.

At ang nararamdaman ko ngayon ay ang sakit na kaya akong patayin. Kahit gaano man kasakit ang nararamdaman ko ay , lakas loob akong bumalik ng pinas.

2 days ago ng sabihin sakin ni Zander ang lahat , oo dapat hindi ako maniwala. Pero hindi ko maiwasan.

Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon , habang nakasakay sa Eroplano pabalik ng pinas. Nung una , ayaw pa akong payagan ni Mama pero nakiusao ako at sinabing babalik din ako. Naka graduate na ako , may degree na ako. Dapar masaya ako , pero pakiramdam ko nasayang lang ang lahat ng pag hihirap ko.

" Rest , Virginia. " Rinig kong sabi ni Zander.

Hindi ko alam kung bakit ko siya kasama , pero nakumbinsi nya akong umuwi ng pinas para kausapin si Zandrus na wala padin paramdam sakin.

At hindi ko din alam kung bakit siya nasa canada , at bakit nya alam kung saan ako nakatira. Sinabi ba sa kanya ni Zandrus? Para si Zander na ang mag sasabi ng lahat ng ginawa nyang kagaguhan sakin?

Tangina nya! Hindi paba ako sapat!? Hindi ba ako masarap? Kasi bakit nya ako sasaktan kung satisfied naman siya sa lahat ng pinapakita ko sa kanya?

Oo , hindi pa kami. Pero handa na ako! Handa akong tanggapin siyang muli. Ngunit anong ginawa nya. Umalis siya ng wala man lang paalam at ang masakit pa ay umalis siya matapos ng may mangyari samin.

Nangilid nanaman ang luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang tissue na nasa harapan ko at ipinunas sa basa kong pisngi. Alam kong nakatingin sa akin si Zander pero hindi ko siya pinansin. Nag patuloy lang ako sa pag punas ng luha ko.

"Stop crying. Kung iiyak ka ng iiyak , pinapamuka mo lang sa sarili mo na ikaw ang iniwan at nanghihinayang."

" What do you expect? Mag party pa ha? Hindi mo naman alam kaya tumahimik ka." Inis kong sabi.

"Ayoko lang na ikaw ang mag mukang kawawa." Seryoso nyang sabi.

"Salamat nalang sa concern. Don't worry dahil pag nakababa ako ng eroplanong ito. Hindi mo na ako makikitang umiiyak." Walang emosyong kong sabi.

Hindi na siya nag salita. Ako naman ay umayos ng pag kakasandal at ipinikit ang mga mata. After nito , ipapamuka ko kay Zandrus kung anong ginagawa nya. Kung sinong niloloko at ginagago nya.


Nagising ako dahil sa tapik ni Zander.

"We're here. " He said.

Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano. Madilim na sa pinas.

"What time is it?"

"8:37 pm. " Sagot nya.

Ganon ba ako kapagod para hindi maramdaman ang pag lapag ng eroplano.  Sabagay ilang araw nadin akong kulang sa tulog at pahinga.

"Let's go. Doon ka muna sa Condo ko."

Napatingin ako sa kanya.

"What? No need. Sa bahay na ako didiretso. "

" I insist. Masyado ng gabi para bumyahe kapa , dyan lang sa makati ang condominium ko. Bukas ka nalang umuwi sa inyo. "

Wala na akong nagawa kundi ang umirap at sumunod sa kanya. I don't have choice. Sa kanya ko din naman malalaman kung nasan si Zandrus bukas.

Isang itim na sasakyan ang nag aantay samin. May dalawang body guards don na agad lumapit ng makita kami. 

Binigay ni Zander ang hawak na mga gamit namin at sila na ang nag dala nito. Napatingin ako kay Zander ng lapitan ako at alalayan hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.

"Don't worry. Tomorrow , after mong umuwi sa inyo , nakausao mo na si Zandrus." Sabi nya ng nasa byahe kami.

Sinandal ko ang likod ko sa Backrest.

"Thankyou Zander. Pero , hindi mo na 'to kailangan pang gawin , sobra na ang tinulongmo sakin. "

" Just let me help you. Okay? Kapag natapos na itong lahat , tsaka ka mag pasalamat sakin."

Hindi na ako sumagot. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana , hindi ko manlang na appreciate ang ganda ng pinas. Dahil nadin siguro sa wala ako sa mood para mamangha.

Dapat pala ay hindi ako nag dadalawang isip kay Zander. Siguro may naging nakaraan kami , pero alam kong wala na iyon sa kanya , lasing lang kami non. Nag papasalamat ako sa kanya , dahil kahit anong tulak ko sa kanya ay tinutulungan nya padin ako. Mag kaiba talaga sila ni Zandrus , kahit mag kamuka silang dalawa.

Nang makarating kami sa Condominium ay , pinag titinginan pa kami ng mga tao. Nagulat pa ako dahil hinila ako ni Zander para mapalapit sa kanya lalo.

"It's okay. Wag kang masyadong kabahan." Bulong nya.

Hindi naman ako kinakabahan. Actually wala nga akong pakialam sa tingin nila , dahil wala naman akong ginagawang masama.

"Siya na ba iyon?"

"Oo , siguro. Hindi naman 'yan isasama dito kung hindi siya diba."

Rinig ko pang bulungang ng mga nasa gilid pero nag kibit balikat nalang ako.

Weirdo ng mga tao sa pinas. Bulungan pero naririnig ng pinag uusapan.

Nang makarating kami sa condo ni Zander ay agad siyang nag offer ng pagkain pero masyado na akong pagod para kumain , ang gusto ko lang ay ang matulog. Kailangan ko pati ng lakas para bukas.

"Saan ako pwedeng matulog ? Pagod na ako. Bukas nalang ako kakain." Sabi ko.

Tumitig ito saglit bago tumango at ituro ang pintuan na nasa gitna.

"Dyan ka sa kwarto ko. "

"Ha? E paano ka?"

Ngumiti siya at lumapit sa akin para hawiin ang buhok sa aking pisngi.

"Dito nalang ako sa sofa matutulog. Sige na , mag pahinga kana." Ngiti nya.

Napangiti nalang din ako.

"Thankyou Zander."

Tumango nalang siya , at iginiya ako sa kwarto nya.

Nang magpaalam siya ay agad akong naligo at nag palit ng damit para makatulog na. Agad din naman ako kinain ng antok ng mag lapat na ang likod ko sa kama.

-
A/N: What do you think guys?

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon