Chapter 13

24.5K 225 2
                                    

Kumalat nga ang issue na may girlfriend na si Zandrus , ngunit hindi alam kung sino. Halos hindi nadin kami mag kasabay ni Zandrus kung umuwi kasi naging busy na siya sa practice para sa basketball na tiyak na maraming manunuod kahit taga ibanh school.

"Girl?"

"Hmm?"

"Bakit muka kang blooming this past few weeks?" Curious na tanong ni Ponce.

Tumingin ako sa kanya at kinunutan siya ng kilay. Naku! Alam ko tong baklang to e , malakas ang radar nito sa mga kalandian ko.

"Matagal na naman akong blooming ah?" Iwas ko ng tingin.

Isinilip nya ang kanyang ulo sa aking harapan para matignan ang muka ko.

"Hindi e! Iba talaga , muka kang nadidiligan. Siguro may boyfriend kana no? Hindi mo lang sinasabi sakin."

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa paligid. Baka kasi nandyan si Zandrus.

"Ano ba! Tumahimik ka nga , alam mo naman ako. Hindi ako sanay ng hindi nag aayos Ponce! Tsaka ano bang dilig sinasabi mo? Ano ako halaman?" Irap ko sa kanya , at binalik ang tingin sa notebook ko.

"Tanga! Dilig , yun yung may rumoromansa sayo! " Ngiwi nya.

Gusto ko na sanang sabihin sa kanya pero , baka magalit si Zandrus sakin. Napag usapan na namin to. Sabi nya siya na ang bahala saming dalawa.

Siguro takot siyang saktan ako ng mga nag kakagusto sa kanya?

"Si Zandrus. " Seryosong sabi ni Ponce.

Nahinto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"O-Oh? A-ano ? Bakit si Zandrus?"

Nag iwas siya ng tingin at sumandal sa inuupuan naming bench.

"Kilala ko na kung sino ang girlfriend nya. "

What?

"Sino?" Patay malisya kong tanong.

Tigilan mo Virginia , wag na wag kang aamin. Hinuhuli kalang ng bakla mong friend.

" Si asgfdjka " Sabi nya. Pero hindi ko naintindihan dahil biglang tumungmog ang speaker ng School.

" Waaa. Excited na ako for tomorrow! Intramurals na!" Masayang sabi ni Ponce matapos marinig ang announcement.

Inayos ko na ang gamit ko at nag ready na sa pag uwi. Nag lakad na kami palabas ng gate , pero medyo bumagal ako sa pag lalakad ng makita ang mga player ng basketball ng school. Pasimple kong sinilip si Zandrus pero wala siya doon.

Baka inutusan ng couch?

"Bye , Virgin. See you tomorrow." Nakangiting paalam ni Ponce. "Don't worry , mas maganda ka don." Habol nya bago tumakbo.

Nagtataka nalang akong sinundan siya ng tingin at nag lakad na.

"Oo , pre. Panalo siya."

"Nice. Iba talaga si Zandrus , matinik."

"Hindi pre. Masyado lang talagang mabilis mauto yan."

Rinig kong usapan ng mga kaibigan ni Zandrus ng matapat ako sa kanila. Nag kinit balikat nalanga ko at naglakad na.

Sino kaya ang pinaguusapan nila? Ay nevermind.

Alas singko ng hapon ng makuwi ako, bumungad sakin si Mama na tulala sa sala. Napaayos lang siya ng pabagsak kong isarado ang pinto.

"Oh mama? May problema ba?" Bungad ko. Muka kasing kagagaling nya lang sa pagiyak.

Tumayo ito at lumapit sakin.

"A-anak. Kailangan na natin lumipat , pumunta dito ang tatay mo." Diretso nyang sabi.

Ako naman ay nanlaki ang mata.

"Ha? T-tatay ko?? Yung kano ma?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango siya.

"Akala ko ba patay na ang tatay ko?" Seryoso kong tanong.

Napayuko ito.

"Nasabi ko lang iyon dahil ,akala ko hindi na siya babalik. Akala ko hindi na niya tayo hahanapin. Kaya ngayon na nahanap na nya tayo , gusto nya na tayong makasama ng matagal anak." Naluluhang sabi ni Mama.

"Pano ang school ko?" Tulala kong sabi.

"Huwag kang mag alala , doon kana mag aaral sa ibang bansa."

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Tulala ako habang nakatingin sa aking cellphone na kanina ko pa hawak. Wala pa kasing paramdam si Zandrus simula nung isang araw. Siguro ay busy lang.

Napabuntong hininga ako at inayos na ang higa.

"Paano na kami ni Zandrus?" Tanong ko sa sarili bago , kaninin ng antok.

-

Sorry for late update.

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon