Chapter 48

15.7K 183 23
                                    

Palingon lingon ako sa kanya , ang katawan ko ay hindi mapirmi. Gusto ko pang mag salita pero muli kong nararamdaman ang antok dahil sa alak na ininom ko kanina.

"Stop." Mariin kong sabi.

Hindj siya huminto sa pag da-drive kaya nilingon ko siya.

" I said stop the car!" Sigaw ko.

"Hindi ka bababa."

"Pag sinabi kong itigil mo , itigil mo!"

" Stop being so stubborn Virginia! Nasa madilim tayong lugar kaya hindi kita pwedeng ibaba. Tsaka hindi kita ibababa kahit nasa city tayo -"

"Pag hindi mo itinigil , dito ako mismo iihi sa sasakyan mo!" Galit kong sabi.

Akala ko hindi siya susunod pero mabilis nyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng liblib na lugar. Mabilis akong bumaba at hindi na tinignan kung may tao , mabilis kong hinubad ang suot na pekpek short at umupo para makaihi sa gilid ng kalsada.

"What the fuck!" Rinig kong mura ni Zandrus.

Napairap nalang ako ng matapos ako. Nilingon ko siya habang inaayos ang suot.

"Ang arte mo. Hindi lang kayong mga lalaki ang pwedeng umihi sa public tandaan nyo yan!" Ngiwi ko sabay pasok sa sasakyan nya.

Nakita ko ang pag iling nya bago pumasok sa loob at sumunod sakin. Tumingin muna siya sakin bago nya paandarin ang sasakyan.

Gusto kong mag salita , gusto kong tanungin siya kung bakit nya ako dinala kasama nya , king ayaw nanaman nya ako makita. Imposible naman na nag bago na agad ang isip nya , o gusto nya lang umisa.

Napailing ako at napasandal sa bintana at ipinikit ang mga mata. Gusto ko man tong ayusin pero mukang ako nalang kasi yung nag papakatanga. Ako puro pag mamahal yung binibigay , tapos siya ayon sex ang gusto sakin.

Bakit ba ganon ang mga lalaki?

Ang mga babae nag s-stay dahil mahal nya ang lalaki. While ang mga lalaki ay nag s-stay dahil sa sex na ibinibigay ng mga babae. I mean para sa kanila sex ang pundasyon ng relasyon , tapos kami pag mamahal.

Mali pala girls. Dapat isipin din natin yung sarili natin , hindi yung lagi tayong nag bibigay tapos wala tayong natatanggap. Puro pasakit pa! Why so unfair life? Ang gusto lang ko lang naman ay ang lalaking mag mamahal sakin hanggang sa mamatay ako. Hindi ko sinabing kailangan ko ng lalaking papatay sakin.

"Are you okay?"

Napamulat ako ng marinig ang boses nya.

" I'm okay." Tipid kong sagot at muling ipinikit ang mga mata.

Ayan! Dyan din kami magaling na mga girls. We're always okay kahit deep inside , we're tearing apart. Doon kasi kami magaling... ang mag panggap.

"Paki hatid nalang ako kanila Ponce. I think his worried about me. " I said.

Umayos ako ng upo ng hindi siya mag salita.

" Doon sa Guadalupe yon. Tuturo ko nalang sayo kung saan ban-"

"Sa condo ko ikaw uuwi. " Putol nya sa sinasabi ko.

Agad akong napaayos ng upo.

" Ano nanaman to  , Zandrus? Parang nung isang araw lang halos pag tabuyan mo na ako. Tapos ngayon gusto mo akong iuwi sa condo mo? Para ano? Para sa sex!?"

Pabigla nyang tinapakan ang preno kaya napasigaw ako. Buti nalang at may seatbelt ako.

"Tingin mo yan ang habol ko sayo Virginia?!" Madiin nyang saad.

Ilan beses ko palang siyang nakikitang galit. At pangalawa nato. Ako lang ba ang nakakapag bigay ng emosyon na ganto sa kanya , o pati ang mga babae nya?

" Osige! Ano bang habol mo? Pera? Duh! Mas mayamab ka panga kay Manny. Pare-parehas lang naman kayong mga lalaki! Katawan lang ang habol nyo samin mga babae!" Sigaw ko sa kanya.

" If you think that we're all same. Then I'm not! Ibahin mo ako Virginia. Kahit wala kang magandang muka , if ever you don't have a sexy body. I still want to marry you! Dahil hindi kama ang gusto kong pag dalhan sayo , kundi simbahan! Kung tingin mo ay babaero ako , gago ako. OO! Noon yon at hindi na ngayon , ilan years akong nasa malayo hinintay kang bumalik dito pero ano? Nung nag kita tayo ayaw mo na sakin , tapos malalaman ko na ang kapatid ko pala ang gusto mo at may nangyari pa sa inyo!"

Malakas na sampal ang natanggap nya. Hindi lang isa , hindi lang dalawa. Kundi Apat na may kasamang suntok sa dibdib.

Galit na galit ako , gusto ko siyang sagasaan dahil sa giangawa nya sakin.

Hinayaan nya lang ako hanggang sa mapagod ako.

"Putangina ka. Bobo ka. Tanga ka. Bakit ka maniniwala kung ikaw mismo ang nakakuha sakin ha!? Bullshit Zandrus. Sayo lang ako nabaliw , sayo lang. Ikaw lang ang gusto ko tapos ikaw?... Umalis ka ng hindi manlang inaalam ang lahat sakin? Mas pinaniwalaan mo ang iba? Akala ko ba mahal mo ako!" Pigil ang luha sakin mga mata. "Pero ano? Ikaw mismo nag duda don. Zandrus , mahal na ulit kita. Mahal na mahal , pero bakit ganon? Bakit parating ganon? Kapag nahuhulog na ako sayo palagi kana lang lumalayo. Putangina! I don't deserve this! Hindi ako pokpok na kung kailan mo lang gustong tirahin ay tsaka mo pagtutuunan ng pansin! Babae ako Zandrus , pero sa pinaparamdam mo pakiramdam ko isa akong maduming babae." Madiin na may galit kong sabi.

Salamat sa alak dahil ito nailabas ko lahat ng gusto kong sabihin dahil ayoko na! Sawa na ako! Ayoko ng masaktan sa mag kaparehas na dahilan!

Inabot nya ako pero mabilis kong hinawi ang kamay nya.

"Don't touch me."

Napatungo siya pero ibinalik din ang tingin sakin.

" I'm so sorry. Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko sayo.. mahal na mahal kita pero bakit hindi ko nakuhang mag tiwala sayo. " Nakatitig lang siya sakin. "Nang tawagan ako ni Zander kanina , at sabihin nya sakin ang lahat. Sobrang nagalit ako , gusto ko siyang saktan! Gusto ko siyang patayin! Kunin nya na ang lahat sakin wag kalang Virginia."

"Pero duwag ka. Hindi mo ako pinaglalaban." Walang emosyon sabi ko.

" Mahal na mahal kita. Sorry , saktan mo ako. Sumbatan mo ako tatanggapi  ko dahil alam ko deserve ko lahat yon. Pero please , wag mo akong iwan. I want to marry you , I want you to be my wife.. please don't leave me...baby."

Umiling ako at tinitigan siya sa mata.

"It's too late Zandrus. I.Don't.Want.To.Marry.You." Seryosong saad ko. Bago bumaba ng sasakyan nya.

Pero bago ko pa maisara ang pinto ay , nakita ko ang sunod sunod na pag tulo ng luha sa mga mata nya.

Agad kong pinara ang taxi na dumaan at agad na sumakay don.

Napahagulgol ako at doon ibinuhos ang sakit ng nararamdaman.

Mahal kita Zandrus , pero yung pag mamahal ko ay hindi dapat para sayo.

-
A/N: Kung ano man ang kalalabasan ng Ending. Tanggapin okay? :)

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon