Chapter 35

17.4K 195 7
                                    

Nakasimangot ako habang naglalakad sa papasok sa isang hindi mataong restaurant dito sa canada. Paano ba naman , halos ikaden na ako ni Zandrus. Nakaakbay na nga sakin , nakahawak pa sa kamay ko. Pag binabawi ko , mas lalo lang nya dinidiinan.

" Itali mo nalang kaya ako sayo?" Ngiwi ko.

"Sure. That's what I want , kaso wala akong dalang singsing." Nakangisi nyang sabi.

Hinila nya ako sa isa sa gitnang lamesa at pinaupo ako. Inirapan ko pa ito ng ngumisi sakin bago umupo sa tapat ko.

"Bakit kailangan ng singsing , kung pwede naman yang suot mong sinturon ang gamitin mo."

"Oh. Akala ko ang sinasabi mo ay gusto mo ng matali sakin bilang asawa mo."

"Kapal naman ng muka mo. Kung makaasta ka akala mo totoo kitang boyfriend."

"Bakit hindi ba?"

"Obviously not. "

Irap ko at kinuha ang menu na ibinigay ng waiter.

Hindi sumagot si Zandrus , tahimik itong nakatingin sa menu ng tignan ko. Umubo ako ng mahina at sinabi ang order sa waiter. Ganon din si Zandrus , ng umalis ang waiter ay tinignan ko siya.

Malalim ang titig nya sakin , seryoso.

Oh please , stop staring like that. Baka hilahin kita sa cr. At mapagbigyan kita sa kanina mong ginagawa.

"About what happened years ago.." He said.

Napatigil ako sa kalibugan naiisip ko. Dahil alam ko kung anong ibig nyang sabihin.

"I'm really sorry for that. But believe me or not Virginia. I've fallen inlove with you that time. "

Umiwas ako ng tingin.

"Kung may sinabi man sayo si Mau , lahat yon ay sinabi ko lang para hiwalayan nya ako at pumayag siya sa gusto kong mangyari."

Napatingin ako sa kanya.

"Ano bang gusto mong mangyari ?" nakataas na kilay na sabi ko.

Umiwas siya ng tingin.

"Yung tanggapin ang bet ng mga kaibigan ko para mapalapit sayo." Seryoso nyang sabi , at tsaka tumingin sakin.

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakatingin sa kanya , gulat sa sinabi nya.

"I don't believe you. Alam mo kung gaano ako kalandi noon pag dating sayo , alam mo kaya kong ibigay ang sarili ko sayo , dahil alam mo kung gaano kita kagusto." Medyo namumuo na ang galit sa aking sistema. "Kaya madali nalang sayo ang lokohin ako Zandrus. Ang dali lang sayong gawin ang gusto mo dahil alam mong maibibigay ko iyon sayo."

Kinagat ko ang ibabang labi. Pinipigilan ang iyak dahil sa nag babalik na alaala.

"Yes , I admit. Bet lang yon pero hindi ko iyon tinanggap dahil gusto kong makuha ang pera nila , tinanggap ko iyon dahil gusto nadin kita non. Hindi mo naiintindihan dahil buong akala mo , hindi kita gusto!" Sabi nya.

Sasagot na sana , kaso dumating ang waiter at isinerve ang pagkain namin.

Tumahimik nalang ako at nag simula ng kumain , siya naman nanatiling nakatingin sakin , hindi ginagalaw ang pagkain.

" Hindi ko tinanggap ang pera kung iniisip mo. Alam ni George yon , alam ni George na gusto na kita. " hirit nya.

Matalim ko siyang tinignan.

" Sabihin mo man yan o hindi , nasaktan mo na ako. Pero don't worry , atleast hindi ako nadala sa iyo nung mga panahon na iyon. Kaso ngayon  , eto ako mas lalong naging bobo sayo. Hinahayaan kang gawin kung anong gusto mo." walang emosyon kong sabi.

Natigil ako sapag subo ng kunin nya ang kamay ko at dalhin sa labi nya para halikan. ang kanyang mga mata ay hindi naaalis sa akin , nakatitig siya habang hinahalikan nya ang kamay ko.

" I'll court you , whether you like it or not. " He said. " And I'm serious."

Hindi na ako nag salita. Binawi ko ang kamay ko at nag patuloy na sa pagkain kahit nakatitig siya sakin.

Epek! Ganda mo Virginia.

Hindi lahat bumabalik tanga! Pero wag ka naman easy to get. Pahirapan mo , gantihan mo kahit isang beses. Kapag nasaktan mo siya at nag stay padin siya ,tsaka ka maniwala na seryoso siya.

Tandaan mo , maganda ka. Masarap ka. Kaso hindi ka na nga lang virgin , pero alam kong magaling ka.

Tandaan mo , minsan kaya kalang gusto ng lalaki dahil naika-kama ka.

May motto sila na.

Mahal kita kasi naikakama kita. Once na nag sawa na ako sayo , itsupwera na kita.

Always remember that Virginia.

-
A/N : Hola! ❣

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon