Chapter 47

15K 178 11
                                    

Malakas na tugtog ang sumalubong sakin. Pag pasok ko palang ay agad ko ng naamoy ang sari saring usok , galing sa kanya-kanyang vape ng mga nag sasayaw.

Umupo ako sa bar stool , at agad umorder ng maiinom.

Hindi ko to napag sawaan noon dito sa pinas , kaya naman ngayon na kailangan ko ito nag papasalamat ako dahil natuto ako sa ibang bansa. 

" Thankyou." Sabi ko sa bartender

Napapatingin ako sa mga tao na pumapasok , maingay na ang dance floor at may mga sumasayaw na. Mga kasing idad ko lang nandito. Yung iba grupo , yung iba couple , at yung iba tulad ko na mukang broken hearted.

Nag kibit balikat nalang ako at ininom na ang shot ko. Napapikit ako dahil sa init ng alak na dumaloy sa lalamunan ko. Nakangiting inabot ng bartender ang lemon at salt sa harapan ko agad naman ako nag pasalamat.

" Isa pa kuya." Sabi ko dito , agad naman itong sumunod.

Lumakas pa lalo ang tugtog at nakakaindak na musika ang naririnig ng lahat , kaya naman ay mas madaming pumunta sa dance floor para makipag sayaw.

Nakapangalumbaba na ako ng maka anim na shot , hindi pa naman ako lasing pero nakakaradam na ako ng medyo pag ka hilo.

Muli kong nilagok ang alak na nasa harapan ko. Siguro kailangan kong mag pakalasing ngayon , siguro naman ay susunduin ako ni Ponce.

"Hi ms. " Isang lalaki ang lumapit sa akin.

Ganon naman sa bar , kahit ayaw mong kumausap ng tao talagang may lalapit sayo.

Napatingin ako sa kanya. Napapapikit ako dahil naramdaman ko na ang antok.

"H-hey." nag kanda sinok pa ako ng mag salita.

Umupo siya sa harapan ko , muka naman siyang friendly , Or muka lang. Ang mga boys transparent yan. Mukang mabait pero demonyo naman pala , tapos kung sino pa yung mukang adik sila pa yung may magagandang loob.

"What's your name?" He asked.

"Virginia. *hulk* " sinok ko.

Natawa siya ng mahina. Inextend nya ang kanyang kamay sa aking harapan para kamayan ako , dahil mabait ako nakipag kamay ako.

" I'm bobby. Do you want water? Are you drunk?"

Umiling ako at iwinagayway konpa ang aking kamay sa kanyang harapan.

"N-No I'm not. B-but can you give a w-water *hulk*" ngiti ko. Binaba ko ang kamay ko at inayos ang buhok kong humaharang sa muka.

"S-sure. Wait " May sinabi siya sa bartender at agad naman itong sumunod , mayamaya ay may inabot na sakin na baso ng tubig.

Halos matapon konpa ang laman dahil sa hindi ko pag focus. Kaya naman ay inalalayan nya ako habang umiinom , naririnig ko pa ang hagikgik nya.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Inis kong sabi.

"Hindi. " Pero rinig ko parin ang tawa nya.

Napairap ako at padarag na bumaba ng stool. Halos madapa ako dahil nanlambot ang aking paa. Buti nalang ay nasalo ako ni Bobby.

"Careful. Saan ka pupunta?" Tanong nya habang inaalalayan akong tumayo.

Pinagpag ko ang aking suot na dress. Bago siya tignan.

"Mag C-cr. Sama kaba?" Ngisi ko.

Isinampay ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Naramdaman ko ang pag hawak nya sa aking bewang , naramdamab ko ang pag lapit ng kanyang muka sa aking tenga.

"Naughty." Bulong nya.

Tss. Naughty ba talaga ako? ganyan din ang sinabi ni Zandrus sa akin.

Naramdaman ko ang pag hapit nya sa bewang ko. Hindi ko na talaga kaya , napipikit na ako at gusto ko ng umihi.

Malakas na pag kabasag ng kung ano ang aking narinig. Napaupo ako sa sahig , imbis na intindihin ang nangyayari ay isinandal ko nalang ang likod ko sa paanan ng upuan na nasa likod ko.

"Don't touch whats mine! " Malakas na sigaw ng isang lalaki.

Nahinto ang malakas na tugtog. Sigawan ng mga tao nalang ang aking naririnig. Huhu ihing-ihi na ako.

"You deserve that bastard! "

Naramdaman ko ang aking pag angat. Wews , lumilipad naba ako?

"Hihihi , a-ang galing naman l-lumilipad na ako.." Hagikgik ko.

" Stubborn girl. "

Wews. Ba't ang init?

Nawala ang musika , ang ingay. Napamulat ako at nakitang nasa parking lot na ako.

Napatingin ako sa paligid ko ng marealize na nakataas ako at may bumubuhat sakin. At agad tumingin sa bumubuhat sakin. Muntik na akong mahulog dahil sa biglaan kong pag baba.

"Ano ba Virginia! Mahuhulog ka!" Galit na sabi ni Zandrus.

"O-okay ng mahulog sa sahig kaysa naman sayong putangina ka!" Nasinok pa ako.

Parang nawala ang pagka antok ko ng makita ko siya , bakit ba siya nandito? Naong ginagawa nya.

" Kahit ilang beses kapang mahulog , paulit-ulit lang kitang sasaluhin." Seryosong sabi nya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinungaling! Nahulog ako kanina sa bangko , hindi mo ako sinalo. Si Bobby ang sumalo sakin hindi ikaw!"

Nakita ko ang pag dilim ng paningin nya.

"Do you like that guy?" Madiin nyang sabi.

"E ano naman sayo?" Sigaw ko.

Muka man kaming tanga dito at muka man kaming mag jowang nag aaway ay ayos lang. Lampake!

" Ako ang boyfriend mo , soon to be husband , fiancé mo. Kaya hindi ka pwedeng mag ka gusto sa iba!" Sigaw nya.

"At sino ka naman para mag desisyon nyan! Pinaalis mo nga ako sa office mo , gago! Tapos ngayon sasabihin mo sakin yan!? Tangina mo , don ka sa princess mong may 26 na bewang gag!" Galit kong sigaw.

Tatalikuran ko na sana siya ng bigla nya akong hilahin paharap sa kanya.

Sinalubong nya ako ng mapusok na halik. Hindi ako nakalaban dahil agad din nyang tinapos. Hiningal pa si gago.

" You're my wife. And I'm your husband. Period no erase." Madiin nyang sabi bago ako hilahin papunta sa kotse nya.

-
A/N: May problem si watty ☹

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon