Chapter 40

16K 172 19
                                    

Nagising ako ng nanlalamig ang katawan , kinapa ko ang makapal kong kumot para itakip sa aking katawan. Pero agad akong nag mulat ng maalala na hindi nga lang pala ako ang nasa higaan na ito.

Iminulat ko ang aking mata para tignan ang katabi. Pero isang unan nalang ang nakita ko don , wala na akong katabi. Wala na si Zandrus.

Inayos ko muna ang robe na suot bago lumabas ng kwarto. Siguro binihisan na ako ni Zandrus kagabi ng makatulog ako.

Pag baba ko ay tahimik ang bahay , napatingin ako sa orasan na nasa itaas ng pinto namin. Alas sais na ng umaga.

"Mama? " Tawag ko sa kusina. Pero walang tao , kaya naman lumabas ako ng bahay para sana tignan kung nandon pa ang sasakyan ni Zandrus. Kaso ng makalabas ay wala na din yun sa pinag lagyan nya kagabi.  

Muli akong bumalik sa kwarto ko at nag ayos para sa school. Final practice nanamin ngayon ng graduation kaya hindi ako pwedeng hindi papasok.

Alas otso ng makapasok ako sa school , ang mga classmates ko ay nag pa-plano para sa masayang party na pag tapos ng graduation. I'm so excited too , dahil sa araw na yon ay handa na ulit akong tanggapin si Zandrus.

I realized , that I still love him. Na I can't live without him , he's my happiness and sadness. He is my one and only. Siya na ang magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko , mahal ko siya at ang pakawalan siyang muli ay isa ng katangahan Virginia.

" So , after graduation babalik ka ng pinas?" Tanong ni Sofae habang nakaupo kami sa bench.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Siguro? Pero kasama ko si Zandrus if ever na umuwi ulit ako. Nandito naman siya sa Canada , at mukang wala pang balak umalis."

"Kayo ba ulit?" Ngisi nya.

"Malapit na. " Tanging sagot ko lang.

Ngumiti si Sofae at nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

" I'm happy for you Vi. Unexpected talaga tong friendship natin , I'm really thankful because you're always there when I have problem. Hindi ka nag sasawa sakin , kahit lagi kitang pinapagalitan. I admire you for being a strong and independent woman. After graduation sana mag kita pa tayo. " Malungkot nyang sabi.

Kinurot ko naman siya sa braso para magising siya sa mga sinasabi nya.

" Sinong may sabing kakalimutan kita? For keeps ka Sofae. Kayo ni Ponce ang naging sandalan ko kapag may problema ako. Kaya ano yang sinasabi mo? Siyempre mag kikita pa tayo. Uuwi ka padin naman ng pinas diba? At dito nadin ako nakatira. Bakasyon lang ako don. "

Niyakap ko siya at ganon din siya. Matibay ang pagkakaibigan namin , kahit alam kong may tampuhan kami minsan alam kong hindi namin matitiis ang isa't isa. 

Natapos ang practice at hindi na ako sumama sa kanila sa bar para mag party. Ayokong mag away kami ni Zandrus , napakaseloso pa naman nya.

Nang makauwi ako ay wala padin akong text or tawag na natatanggap kay Zandrus. Akala ko masyado lang siyang busy kaya hindi ko na muna kinulit , siguro pupunta naman siya dito mamaya.

Nagising ako dahil sa katok sa aking pintuan. Agad akong tumayo sa pag aakalang si Zandrus iyon pero ang muka ni Mama ang bumungad sakin.

"May bisita ka sa baba." Nakangiti nyang sabi.

Ngumiti din ako at tumango nalang. Nag ayos muna ako saglit bago bumaba.

Pag baba ko ay nakita ko na agad ang isang lalaki , napangiti ako dahil nandito ulit siya. Kahit nakatalikod ay alam kong nakangiti siya habang kausap ang Daddy ko. Nang makababa ako ay agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya patalikod.

"Akala ko hindi ka pupunta ngayon." Nakanguso kong sabi.

Humiwalay ako para sana makausap siya ng maayos. Pero nang makita ko siya lumingon saki  ay agad akong nanlamig.

"Z-Zander?"

Tuluyan na siya humarap. Nakangiti  , hindi ko maiiwasan na na hidi siya pag kamalan na si Zandrus dahil mag kamuka  sila lalo na ngayon. Ang laki ng pinag bago niya , ang gwapo. Nakakalaglag panty ganon!

"Hi. Nice to see you again. " Pormal nyang sabi.

" Bakit ka nandito? N-nasan si Zandrus? " Bigla akong kinabahan. Lalo na ng umiling siya.

" Umuwi na siya ng pilipinas kanina lang , hindi mo ba alam? Hindi ba siya nag paalam?"

Nanlaki ang mata ko. Noooooo! Hindi siya uuwi. Bakit nya ako iiwan?

"Sinungaling ka!" Sigaw ko dahilan kung bakit napasugod ang aking Ina.

" Anong nangyayari?" Madali nyang sabi. pero hindi ko siya sinagot.

"Bawiin mo! Nandito siya , mag katabi pa kaming natulog kaya bakit siya uuwi ng pilipinas ng hindi man lang nag papaalam sakin!" Galit kong sabi.

Sumeryoso ang muka ni Zander.

"Bakit kailangan mag paalam sa 'yo kung ang dahilan ng pag uwi nya ay ang iwanan ka dito at mag pakasal kay Princess? ''

nanghina ako sa narinig , hindi makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na sa pangalawang pag kakataon , naloko nanaman ako.

Tumulo ang luha ko at kasunod ng pag hagulgol ko ay ang pag kawala ko ng malay.

-
A/N: Sorry sa late upload.

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon