Chapter 50

17.6K 207 17
                                    


Nakaupo ako sa sofa habang nanunuod ng lapitan ako ni Mama. Umusog ako ng konti para bigyan siya ng space para umupo.

"Kailan ang flight mo?" Taning nya.

" Mamayang gabi Mama."

Hinaplos nya ang buhok ko.

"Masaya kami ng Daddy mo dahil lumaki kang matapang anak." Pinag mamasdan nya ang aking buhok. " Akala ko hindi kita mapapalaki ng maayos dahil wala ang daddy mo nung lumaki ka. Pero masaya ako dahil , hindi ako nabigo."

"Mama naman. Alam kong pasaway ako pero hindi mo ako pinabayaan. " Ngumiti ako at sumandal sa kanya "Thank you Mama. Kahit nag sinungaling ka ay alam kong ginawa mo lang yon para sa akin. Nagalit man ako sayo pero napatawad agad kita dahil una palang ikaw na yung taong laging nandyan para sa akin."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang naluluha nyang mga mata.

" Kahit pa mag ka pamilya ka anak , I'm always here. Kapag nag karoon ka ng sarili mong pamilya , mahalin mo sila ng sobra ha? Higitan mo yung mga ginagawa ko sayo. " Tumango ako. " Napaka swerte ng mapapangasawa mo anak. Pero alam kong napaka swerte mo din dahil siya ang mapapangasawa mo." tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Mama naman e.." Naiiyak kong sabi.

Tumawa siya pero patuloy padin ang pag iyak.

"Hindi kita masasamahan sa pilipinas , pero wag mong kalimutan tawagan ako pag may problema ka ha? Bumisita ka dito minsan."

Napakunot ang noo ko at natatawa at the same time.

"Ano ba ma? Kung mag salita ka ay para bang mag aasawa na ako. " Ngiwi ko. Tumawa siya.

"Basta." Hinawakan nya ang kamay ko. "Kung saan ka masaya doon kami ng daddy mo. " She said before she kissed my hair.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napaka swerte ko din na sila ang naging magulang ko.

Kinagabihan ay handa na ang gamit ko para sa pag uwi ng pinas. Hinatid ako ni Mama at Daddy sa Airport.

"Take a safe flight dear. I love you , we'll going to miss you my love." Lumapit si Daddy para yakapin ako at Halikan sa buhok. "I'm so proud of you , for being strong woman. "

Ngumiti ako at niyakap din siya. "Thankyou Dad. You're the best."

"Ingat anak ha? " Si Mama naman ang lumapit. "Napaka ganda mo ngayon.." Mahinang bulong nya.

"Ngayon lang ba Mama?" simangot ko.

"Lagi. Pero mas maganda ka ngayon. " Ngiti nya na maluha luha pa ang mga mata.

"Sige na mama. Tatawag naman ako sayo pag uwi ko doon , wag kang umiyak okay?" Yakap ko.

After ng madamdamin pamamaalam na akala mo sa langit na ang punta ko ay tinawag na ang flight ko. Kumaway pa ako sa kanila bago pumasok sa mismong loob para maka sakay ng eroplano.

Napangiti ako ng makaupo. 2years nadin ng umuwi ako ng pinas , 2 years nadin ng huli ko siyang makita.

Sa nag daan na panahon ang dami nangyari sakin , andyan yung mga hindi maiiwasan na panliligaw ng mga lalaki. Ngunit wala , hindi ko alam pero ayoko sa kanila. Dahil sa takot? Sa takot na masktan muli sa parehas na dahilan.

Napatunayan ko na , na isa akong matapang na babae. Dahil kahit anong sakit at hapdi ang napag daanan ko. Hindi ako sumuko.

Salamat dahil may mga kaibigan akong nasa tabi ko lang , hindi ako pinapabayaan.

At ngayon tingin ko ito na yung oras para naman sumaya ako lalo.

Babalik ako ng pilipinas dahil handa na ako. Handa na akong mag mahal ulit.

Ilang oras ang byahe , ang laking bagay din ng pag tulog ko ng dire-diretso para hindi ako pagod pag kababa ko ng eroplano.

Nag a-announce na ang piloto mula sa speaker. Inayos ko ang seat belt para sa pag baba ng eroplano sa Manila airport.

Nang matanaw ko ang ganda ng ilaw ng manila ay bumugso ang damdamin ko  Nandito na ako.

Nang maayos na mag landing ang eroplano ay agad inayos ang babaan. Nag pahuli ako para mag ayos ng muka.

Nag ring ang cellphone ko na kabubukas ko palang.

"Hello?" Mula sa kabilang linya.

Hawak ko ang shoulder bag ko at isang maleta ng bumaba ako ng eroplano.

"Yes? Where are you?" Tanong ko.

"Ikaw ang nasan na , nandito na ako." Maarteng sabi nya.

"Okay sige. See you." Sabi ko at agad pinatay ang tawag.

Napapangiti ako sa mga nakakasalubong ko na binabati ako. Napaka friendly talaga ng mga pinoy.

Nakatayo ako sa tapat ng scanning bag , nang matapos ay agad ko itong kinuha at nag lakad na palabas.

Inikot-ikot ko ang paningin sa loib ng waiting area para hanapin si Ponce.

"Asan na yon?" Patuloy kong pag hahanap.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Ang tagal nya pang mag reply.

"Andito na ako sa harapan mo."

Isang text ang pumasok sa cellphone ko. Sa pag aakala na si Ponce ay mabilis kong inangat ang mga mata ko. Kasabay ng pag tigil ng mundo ko ang pag kakita sa lalaking hindi ko inaasahan na nasa harapan ko.

Naugat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.. Ang makita siyang nasa harapan ko ay talagang nakakagulat. Dahil ako dapat ang mag su surprise sa kanya.

Sa 2years namin mag kalayo. Pinag patuloy nya ang panliligaw nya , siya ang lalaking araw-araw nag papadala ng bulaklak sakin kahit nasa malayong lugar siya.

"Hi." Nakangiti nyang sabi. Habang nakatitig sa kanya.

Napaka gwapo nya. Bakit may gantong lalaking nahulog sakin? Bakit pakiramdam  ko ang swerte ko.

"H-Hi." nauutal kong sabi.

"I miss you." He said.

Isang kanta ang umalingangaw sa buong airport. Nag labasan ang mga media na hindi ko alam kung saan galing..

Inikot ko ang paningin , at halos maiyak ako ng makita ko ang pamilya ko , si Sofae na umiiyak at pati si Ponce.

Napanganga ako at hindi ko na napigilan pa ang pag iyak..

Lord.. thankyou so much for giving him to me. I'll deserve him.

I deserve Zandrus Tygang in my life.

-

A/N: Thankyou for the support virgins. I love you guys. See you on my next story. ❤

Habang Tumatagal Lalong Sumasarap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon