she's heartless

7 0 0
                                    

Confident na confident akong naglalakad habang walang humpay na bulong bulungan sa paligid isama mo pa ang mga tingin na namamangha sa mala dyosa kong aura.

Medyo na pangisi pa ako sa mga tingin nila sakin.

Sige lang sulitin niyo na ang araw na nakakita kayo ng maganda...

Pagkalabas ko ng gate ng school ay agad naman akong sinalubong ng driver ko . pinagbuksan niya pa ko ng pinto.

"Ako na po"pag-aalok niya na kunin ang bag ko.

"Sure"sabi ko at nginitian pa siya kukunin niya na sana ng  bitawan ko iyon at nalaglag sa sahig. Napakamot siya sa batok at kinuha ang bag ko.

Sumakay na ako at agad naman siyang kumilos.
Tahimik lang ako habang nasa byahe, hanggang sa makarating na kami sa mala PALASYO  kong bahay.

******
*pak*

Isang malakas na sampal ang ibinigay sakin ni Lola. Iniayos ko ang sarili ko at tinignan siya ,ngumisi pa ako para mas lalo pa siyang maasar.

"Ito ba? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap ko?! Lahat naman ng luho mo nasusunod matataas na grado lang naman ang hinihingi ko! I'm so disappointed alessa!"Pagdadada niya, ano pa nga bang aasahan ko . Nakuha niya na kasi ang result ng last sem ko ,duh! Parang yun lang.

"Ano pa bang aasahan ko? Lagi ko naman kayo nadidisappoint so what's new granny? Numero lang naman yan , hindi naman yan ang batayan ng future ko OK?"sarkastiko kong sagot . Bakit? Tama naman ako ah aanhin ko ang mga numerong yan? Kung hindi ko naman kailangan pang magtrabaho duh! Anong silbi ng pera ko?!

"Kung yan ang paniniwala mo ,pwes nagkakamali ka yang mga numerong yan? Dyan na kasalalay ang lahat ng meron ka ngayon!"Galit na galit niyang sabi blah blah blah..

Umirap ako at tinalikuran  siya wala akong panahon para sa pag dadrama niya .

Padabog kong isinarado ang pinto ko at naupo sa malambot at malaking kama.

Sa tuwing uuwi na lang ba ko lagi ko na lang maririnig ang I'm so disappointed alessa yun na ata ang favorite line niya mula nung first year highschool ako.

At bakit ko naman pagbubutihin ang pag-aaral ko kung in the end ang magiging trabaho ko na lang ay ang humilata at magpakareyna sa PALASYONG  to , atsaka satingin niya talaga mag-eexist ako sa mga bagay na di ko naman gustong gawin.

Sino bang may gustong mag business management ako? Siya lang naman kaya bakit hindi na lang siya ang mag-aral?

Am I heartless? Well thanks for the compliment ,cu'z thats the real me. Lola ko na lang ang kasama ko sa buhay yung parents ko? They died on the plane crashed accident duh! Syempre dapat sosyal parin ang pagkamatay. Anong silbi ng pagiging mayaman ko kung hindi yun ang iiral.

Kaya bata palang ako ng si lola na ang nakasama ko sa buong buhay ko . syempre hindi siya ang nag-alaga sakin marami kasi kaming maid anong silbi nila sa istoryang to diba?

Nag-aaral ako sa Ivory University pagmamay-ari ba namin? Well so far, para sakin OO ,dahil kami ang may pinakamalaking share dun kaya si lola ang kasalukuyang chairman ng school,kaya for me Apo ako ng MAY-ARI .noted?

Well my name is Rexenne Alessa Mercado , The Queen of this damn! Story welcome to my kingdom ....

bitches and jerks

Queen without A crown Where stories live. Discover now