heartless and alone

2 0 0
                                    

Ipinark ko ang kotse ko sa labas ng bahay ko At inis na binuksan ang gate bakit kasi pati driver wala.

Papunta palang ako sa pinto ng mansyon ko ng  makita ko ang mga naka black suit na lalaki na may inilalabas na gamit.

"Te-teka lang ...magagalit po si miss aless---"pinutol ko na agad ang sasabihin ng katulong ko.

"What's happening here?!"
Pagtataka ko.napatingin naman ako sa mga gamit na inilalabas nila at yung iba ay patuloy paring inilalabas.

"Teka! Gamit ko to ah!, anong karapatan niyong galawin ang mga gamit ko?!"galit na galit kong tanong. Ang kakapal akala mo mga gwapo.

"Pasensya na utos to ni Mr. Smith sumusunod lang kami"sagot naman ng mga ito . teka! Anong akala nila sakin . Damn that smith!!!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mr. Smith pero Hindi man lang  sinagot.
Damn!!

"Paghindi niyo tinigil yan idedemanda ko kayo!! Hindi ako isang squatter na Basta basta niyo na lang paalisin !!! Ano ba! Bingi ba kayo?!?!" Pagpipigil ko sakanila , halos sumigaw na ko at pilit na ibinabalik ang mga gamit pero sinusubukan talaga nila ang pasensya ko.

Nasasayang yung outfit ko sa ginagawa nila bwisit!! May mga babato na nga ako sa sobrang galit , bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagsipasukan ang mga nakablack na suit .

Sinigawan ko naman ang katulong ko na tulungan akong ipasok lahat ng gamit sa trunk ko.

Naging basang sisiw ako pagpasok sa kotse napasandal ako sa driver seats ko .

"Arghhhh!!!!"pagsisisigaw ko at pinukpok ang manibela kaya gumawa ito malalakas na busina. Sinulyapan ko ang mansyon ko at isang luha ang agad kong pinunasan . Napaka loser ko dahil pinabayaan Kong kunin nila sakin ang palasyo ko . Isa na Kong reynang walang palasyo HELL!!

Napalingon naman ako sa anak ni secretary Mina na nakatingin lang din sa bahay.

"Ihahatid kita hanggang sa bus stop "sabi ko at pinaandar na ang kotse tahimik lang kami sa byahe habang tinatago ko ang sakit na nararamdaman ko.
Gusto ko mang umiyak anong magagawa ng pagiyak atsaka hindi bagay sakin.

Queen without A crown Where stories live. Discover now