change

1 0 0
                                    

Mina's POV

Pagbaba ko galing rooftop dala-dala ang mga sinampay naabutan ko ang apo ko na nakalapat ang tenga sa pintuan ng kwarto ni alessa.

"Chi!"tawag ko sakanya. Agad naman siyang lumayo sa pagkakadikit sa pinto at lumapit sakin.

"Bakit gising ka pa?"tanong ko at hinawi ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya.

"Lola....sino yung babae sa kwarto ni mama dati?"tanong niya.kahit kelan talaga tong batang to .

"Bakit?"tanong ko. Tapos binaba niya yung manikang hawak niya.

"Kasi umiiyak siya tapos nung sumilip ako sa kwarto  sabi niya huhuhuhu"sabi ni chichi habang umaarteng umiiyak at tinakpan pa ang mukha niya ng palad niya.

"Ikaw talaga napaka chismosa mong bata Ka. sige na matulog kana baka pagalitan kapa ni mama mo"sabi ko ngumiti naman ito at tumakbo papuntang kwarto.

Nang mapadaan ako sa kwarto ni alessa naririnig ko ang pag-iyak niya balak ko sana siyang katukin pero, mas maganda siguro kung mailalabas niya ang sama ng loob na nararamdaman niya.

Pagdating ko sa kwarto ko nandun si jane at nagtutupi ng ilang damit agad ko namang ibinaba ang mga sinampay na hawak ko.

"Hindi mo ba patutulugin si chichi?"tanong ko sakanya. Ngumiti lang naman siya.

"Ma...sigurado po ba kayong gusto niyong tumira dito si miss alessa?"tanong niya, kahit alam Kong di siya tutol nararamdaman ko namang naiilang siya sa ugali ba naman ng batang yun.

"Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila... At sa 10 years na pagtatrabaho  ko sakanila napamahal na din sakin ang batang iyon.."sagot ko at tinulungan siyang mag tupi.

Queen without A crown Where stories live. Discover now