one step

2 0 0
                                    

Nakaupo ako sa sofa habang naka crossarm habang nakacrossarm din ang batang nasa harap ko umirap naman ako , at umirap din siya aba napakulit naman nito.

"Anong pangalan mo?"makulit niyang tanong ,di ko na lang siya pinansin.

"Ilang taon ka na? Atsaka bakit ganyan ang suot mo?"tanong niya pa padabog Kong kinamot ang tenga ko .

"Bakit ano bang Mali sa suot ko?"mataray Kong tanong habang tinaasan pa siya ng kilay.

"Kasi nakapang-alis ka eh nasa bahay ka lang naman"sabi niya at ginagaya pa ang posisyon ko.

"Mayaman kasi ako"sabi ko at pinandilatan pa siya, para tuloy gusto kong mag paiyak ng bata.

"Kung mayaman ka bakit ka nandito"tanong niya.

"Gusto mong tamaan?!"sabi ko at umaktong babatukan siya.

Agad naman siyang pumikit .

"Maganda ka nga ang taray taray mo naman para kang nagbabantay sa library"nakapout nitong sabi.napakunot naman ang noo ko nagbabantay sa library?

"Ang taray taray kasi nung matanda na nagbabantay sa library ng school namin ...parang ikaw"pacute na sabi niya hindi ko alam kung given na sa mga bata na maging cute o sinasadya nila yun.

"At nagawa mo pa Kong ikumpara sa bantay ng library niyo? Ang daldal mo dapat sayo lagyan ng plastic tape!"pananakot ko napatakip naman siya ng bibig. Biglang dumating si jane

"Anak kain na tayo miss alessa kain na po"pagyayaya niya.

Queen without A crown Where stories live. Discover now