Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa office ni Lola nagising ako sa sakit ng kamay ko , nagdudugo ito.
I didn't attempt suicide masyado akong maganda para mamatay ,at may rason pa naman akong mabuhay.Pagkatapos kong linisin ang sugat ko napahawak naman ako sa Tiyan ko , hindi pa ako kumakain . Hindi pa naman ako naghihirap kaya may pagkain parin naman kami , duh! Maghihirap ako?
Pagdating ko sa Hapagkainan napataas ang kilay ko dahil wala pang nakahain , namatay lang si granny nakalimutan na nila ang responsibilidad nila? Great!!
May maid naman na nagmamadaling dumaan napahinto siya ng namalayan niyang nakatayo ako sa harap niya. Napatingin ako sa dala niyang mumirahing maleta .
"San ang punta mo?"mataray Kong tanong.
"Aalis na po ako"sagot niya at umiwas pa ng tingin. Nagcrossarms ako at lumapit sakanya.
"Bakit? Akala mo wala na akong ipangsasahod sainyo?"mahinahon Kong sabi. Tumingin siya sakin tapos ngumisi pa aba! Matindi!
"Hindi sa ganun..lahat ng mga kasamahan ko umalis na kaya bakit pa ako nagtitiis , dati nandito kami dahil sa pinakikiusapan kami in madam pero ngayon...wala nang dahilan para magtiis kami"sabi nito at dirediretsyong umalis.
Napalingon ako sa pinto habang nakakuyom ang mga kamao ko.
"Hoy Boobita bumalik ka dito!!"sigaw ko pero Hindi man lang ako nilingon ang hampaslupang yun ang lakas ng loob na lumayas .Pag siya nagmakaawang bumalik sasampalin ko talaga ang boobitang yun.
Medyo naalala ko naman ang sinabi niya na umalis na ang mga kasamahan niya dali-dali akong nagpunta sa building ng mga maid yes dahil mayaman kami pati maid may building pero Hindi naman malaki parang apartment lang hanggang second floor lang pag bukas ko ng mga kwarto nila uminit ang ulo ko sa nakita ko. Lahat sila umalis ang naabutan ko na lang ay ang anak ni secretary Mina na nagwawalis sa kwarto niya.
"Ikaw bat hindi ka pa umaalis?"inis kong tanong sakanya.
"Hindi niyo pa naman po ako pinapaalis hindi hu ba?"sabi niya at ipinagpatuloy niya ang paglilinis niya ibinagsak ko ang pinto ng kwarto at galit na nagpunta sa sarili Kong kwarto .
YOU ARE READING
Queen without A crown
Casualeminsan kung sino ang nasa baba sya pang itinataas, pero paano kung ang nasa itaas NOON, ay nasa baba na NGAYON? ano ang mangyayari kung ang isang reyna ay mawalan ng korona ? paano siya mag sisimula kung sa isang iglap lang nawala ang lahat ng naka...