Secretary Mina

1 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa tabi ng pool I'm having my beauty rest,under the sun .
Medyo na pukaw ang atensyon ko sa hampaslupang naglilinis ng pool.

Ang ingay ng pagtatrabaho niya paano ako makakatulog sa ginagawa niya?

Tinanggal ko ang shade ko at ibinato sakanya ang sunblock na may laman pa . tinamaan naman siya sa likod.

"Hey you stupid maid ...hindi kaba marunong gumalang ? Kita mong nagpapahinga ang amo ikaw naman diyan nagbibida bidahan.."sabi ko at nilakihan pa ang mata ko para mas lalo siyang matakot.

Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag sorry ng mag sorry ,na dahilan ng mas lalong pagkainis ko.
Agad akong tumayo at pagkalapit ko sakanya ay malakas ko siyang itinulak sa pool.

"Ma-ma'am tulong!! Ma-ma'ammmm!!!"sigaw niya habang nalulunod nakita ko namang nagmadaling lumapit si Secretary Mina . kinuha ko ang shade ko at sinuot . tinignan ko pa sila bago tuluyang umalis.

After taking a shower humarap ako sa salamin at umupo ,napapangiti ako habang nagsusuklay , ang ganda ko kasi pati ako namamangha.

Malakas na pagbagsak ng pinto ang dahilan ng paglingon ko si Secretary Mina hingal na hingal , basang basa while wearing a her uniform. Pathetic.

"Napaka sama talaga ng ugali mo!! "Sigaw niya ,napairap ako at kasabay ng pagtakip sa tenga ko my beautiful ears.

"Bastos kang bata ka!!" sigaw niya at tinanggal ang pagtakip ko .

"How dare you! Baka nakakalimutan mo kung ano ka sa bahay na to! You're just a pathetic  secretary,malakas sumipsip, magpapapel sa Lola ko"sigaw ko at tumayo.

"Hindi ako ganun..bakit ba napaka sama ng ugali mo? Pati mga anak ko dinadamay mo sa kagaspangan ng ugali mo ..paano ka ba talaga naging apo ni madam rose "pagsha-share niya ng feelings niya ,pakielam ko sa nararamdaman niya?

"Simple lang anak ako ng anak niya kaya malamang apo ako.. At kasalanan ko bang tatanga tanga ang mga anak mo?isama mo pa ang walang kwenta mong asawa! May pahilo hilo pang nalalaman pero sa totoot lang tinatamad lang siya"sabi ko at tinalikuran siya.

"Sana lang di mo pag sisihan ang lahat ng mga sinabi mo ang pangmamata mo sa ibang tao sana hindi mangyari sayo..may karma alessa Hindi man ngayon pero darating yun.."sabi niya at narinig ko ang pagbagsak ng pinto.

Anong pinagsasabi nun?

Well siya si Secretary Mina matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya namin or to be more specific sa Lola ko ang pamilya nila naninilbihan din samin ,kung tutuusin malaki ang utang na koob nila sa pamilya namin. Yung kaninang nahulog sa pool ? Anak niya yun asawa niya ang driver ko yung binata kanina anak niya din. Ginawa na nilang charity yung bahay namin .

Si Secretary Mina lang ang may lakas ng loob na sagut sagutin ako dito sa palasyong to palibhasa malakas ang kapit.

Pathetic secretary...

Queen without A crown Where stories live. Discover now