Hindi ako makapaniwala paglabas ko ng kotse ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Halos maningkit ang mga mata ko.
"Dun ang samin sumunod ka"pag guguide niya, agad naman akong sumunod pagpasok namin ay agad akong napatakip sa ilong ko ,what's that smell?!
"Oh! Ma... Nandito kana pala kakatapos ko lang magluto ng tuyo..."sabi ng pamilyar na Boses ng makapasok na ako ng tuluyan napatingin ito sakin ah! So siya pala.
"Miss alessa?"gulat niyang sabi ng makita ako alam ko namang maganda ako pero bakit parang OA Siya magreact.
"Sige na Jane maghain kana "utos niya sa anak.
Tinignan Kong mabuti ang bahay nakatira sila sa isang subdivision may tatlong palapag lang yung kitchen nila parang limang tao lang ang kasya ,while yung kainan nila meron lang anim na upuan meron silang flat screen TV na I think 43 inch ang laki. May mga stereo habang black and white ang theme ng bahay.
Hindi ko alam kung matatawag bang bahay to.
"Sana OK na sayo ang bahay na to, wala ka narin namang choice,malaki ang pasasalamat ko sa Lola mo dahil sakanya napatayo ko ang bahay nato , wag kang mag alala may bakanteng kwarto naman "sabi niya at inayos yung cover ng sofa.
"Wag mong isipin na gusto ko ang bahay mo kaya pumayag ako dahil alam mo namang napipilitan lang ako at gaya nga ng sabi mo halos pera nadin ng Lola ko ang ipinuhunan mo dito kaya I'll consider this as one of my......trash? Di kasi siya mukhang property"sabi ko at tumayo at tumingin sa bintana medyo tahimik lang yung subdivision na to. Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
YOU ARE READING
Queen without A crown
Randomminsan kung sino ang nasa baba sya pang itinataas, pero paano kung ang nasa itaas NOON, ay nasa baba na NGAYON? ano ang mangyayari kung ang isang reyna ay mawalan ng korona ? paano siya mag sisimula kung sa isang iglap lang nawala ang lahat ng naka...