Chapter Three

100K 2.3K 67
                                    

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago humiga. Narito ulit ako sa malaking puno na natagpuan ko habang nagpapalipas ng oras. Itinakip ko ang aking braso sa mata ko at pilit kinalma ang sarili. It has been three days since the week started and it has been pure chaos. Hell week is literally a Hell week. No one stops it even ang mga professors.

Last monday, pagkapasok ko pa lang ng university ay nagsimula na ito. I was about to go to the locker room when a group of students blocked my way. Tinaasan ko ito ng kilay pero nanatili lang ito sa aking harapan habang nakangiti. Maglalakad na sana ako para lagpasan ang mga ito nang bigla na lang may kung anong bagay na lamang na malagkit bumuhos sa akin. It was a fucking oil. I tried to keep calm, counting up to ten, restraining myself to not to lash out but that went out of the picture when suddenly everything went white. Using my hands, I wiped off the white powder on my face and smiled.

However, before I can even take a step towards them, may lumipad na libro mula sa likod at tumama ito sa babae na nasa aking harapan. It hit her directly at the middle of her forehead. I watched in slowmo how she fell backwards. Napalingon ako sa aking likod upang tignan kung sino ito at napatango na lamang ako sa aking sarili nang mapagtanto ko kung sino ito. It was Riley and she was also covered with the white stuff that I think is flour. Nilapitan ko ito agad nang mapansin ko ang galit sa mukha nito. i don't need her lashing out. Madali ko ito hinila palayo doon at dinala sa shower room. Fortunately, walang ibang tao dito and that I have spare clothes on my locker, Tinawagan ko si Eve para sana ipakuha ito ngunit bago ko pa man ito masabi sa kanya ay napansin ko na naglakad palabas si Riley.

Mabilis ko itong hinarangan at pinigil sa paglabas. "Ry, come on, let's get you clean first."

"Tabi, Andrea." She said coldly while looking at me directly in the eyes. This is fucking bad. She's really mad.

"Let them be for now, Riley. Balikan mo na lang sila when you're thinking straight at hindi iyang galit mo ang pinapairal mo." bihira ko lang makita na magalit ang isang Riley Kim kaya para siyang bulkang sumabog pag nagalit siya.

Hinila ko ito pabalik ngnuti winaksi nito ang kamay ko. Mas hinigpitan ko ang hawak dito kahit alam ko na masasaktan ito dahil pilit ito na nagpupumiglas.

"Let go off me!" hinawakan niya ang palapulsuhan ko pero bago pa man niya madiinan ito ay mabilis ko siyang tinulak sa locker at inilagay ang braso ko sa leeg nito, preventing her to move.

Wala akong pakialam kung masaktan siya sa ginagawa ko kung iyon lang ang tanging paraan para huminahon siya at pakinggan niya ako. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagngiwi niya sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya.

"Will you fucking calm down?" I told her coldly while looking at her straight in the eyes. "Fucking calm down." She slowly nodded at me, so I let her go. Paglingon ko sa gilid namin ay nakita ko sila Austin at Kenshi na nakatingin sa amin

"What are you doing here?" I asked him coldly. Nagtama ang tingin namin ni Austin, and looking at him, I could see something else in his eyes that I do not want to give meaning to, Nakaigting ang mga panga nito at nakakuyom ang kamay. Hindi ko maiwasan na hindi ito irapan.

"We saw what happened." Kensin was the one who answered. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at kinuha muli ang cellphone para tawagan sana si Eve.

The call was in the middle of ringing when Austin walked towards me, Sinundan ko ito ng tingin. Kunot-noo ko ito pinanuod nang hawakan ako nito sa ulo at pagpagin ang harina doon. Tinitigan ko ito at nakitang nakakunot din ang noo nito at umiigting ang panga. Iniwas ko ang ulo ko dito at inirapan. Sakto naman na sinagot ni Eve ang tawag.

"Where are you?" Bungad ko dito. Iniwas ko uli ang ulo ko sa kamay ni Austin nang maramdaman ko na naman ang pagpagpag nito sa ulo ko.

"At the locker room." Sagot naman nito. I frowned when I could hear frustration in her voice.

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon