"What the hell, Blade?" Bungad ko dito nang sagutin niya ang tawag ko.
Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko nang tinawagan ko siya. Kakatapos ko lang kasi maligo dahil nga 45 minutes na lang ay mag alas otso na ng gabi.
"Kailan ka pa natutong maglihim sa akin, Andrea? Bakit ngayon ko lang nalaman na may date kayo ni Austin? Kung hindi ko pa narinig na pinaguusapan niyo ito nila Eve ay hindi ko pa malalaman." Napakagat ako ng labi sa narinig ko. Kalmado ang boses nito na siyang nagpakaba sa akin.
"Well, I, uh." Ang tanging nasabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya. "I'm sorry, kuya"
"Will you freaking stop calling me Kuya?"
"But-"
"No buts. Sige na, may gagawin pa ako. Siguraduhin lang ng Austin na iyan na walang mangyayari sa iyong masama dahil baka hindi ko siya matantiya at mapatay ko iyon."
"Blade!" Pero hindi niya na ito narinig dahil binabaan niya na ako ng tawag.
Sa inis ko ay kinuha ko na lang ang damit na susuotin ko ngayon. Kinuha ko ang malaking suitcase na nasa tabi ng kama at inilabas ang aking leather jacket and a white V-neck shirt, mula naman sa isa pang suitcase ay ang combat boots ko. Casual naman ang sabi ng kumag na iyon, kaya ayos na ang mga kinuha kong damit. Hindi na rin ako nagmake up pa kasi hindi ako sanay at hindi na kailangan. Mabilis ko itong sinuot at lumabas ng kwarto ni kuya, well, kwarto ko na ngayon.
Dumiretso ako sa sala kung nasaan nanunuod ng resident evil si Kuya Xander. Tumabi ako sa kanya at humilig sa balikat niya habang naramdaman ko naman ang pagakbay sa akin nito at ang paghalik sa ulo ko.
"Si kuya Alex?" Tanong ko kay kuya habang pinapanuod ko kung paano magpatihulog sa building si Alice para makatakas sa mga zombies. Kanina kasi bago ako magayos ng sarili ay nandito pa siya at nanunuod din.
"May pinuntahan, kasama niya ata si Riley. Bibili daw ng libro." Riley?
Hindi ko na ito naitanong pa dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Austin.
"Where are you? Nandito ako sa tapat ng bahay mo but you're not here. There's no chance of backing out, kitten." Halata sa boses niya ang inis. Oo nga pala, hindi niya alam na dito muna ako nakatira sa unit ni kuya Xander.
"Magkita na lang tayo sa labas ng subdivision." Sagot ko dito at tumayo na. Napatingala sa akin si kuya Xander ng tumayo ako at tinaasan ng kilay.
"Si Austin 'yan?" Tanong sa akin ni kuya Xander. Tumango naman ako dito.
"Why are you with Xander?" Kalmadong tanong ni Austin na bahagyang nagpakaba sa akin.
"Manahimik ka nga. Basta, magkita na lang tayo sa labas ng subdivision." Sabi ko sabay patay ng tawag.
"Nagalit ang mahal na hari?" Nakangising tanong sa akin ni kuya, kaya inirapan ko na lang ito.
"Ihatid mo na lang ako d'on sa labasan, kuya at baka may mapala pa ako sa iyo." Nakangising sinabi ko dito dahilan para sumimangot ito.
Nauna na akong naglakad palabas ng unit niya at rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa ni kuya Xander. Napailing ako, pero napahalakhak ako ng bigla na lang masamid si kuya sa gitna ng pagtawa. Buti nga sa kanya. Ang bilis talaga ng karma, digital na. Napangisi naman ako.
***
Third Person's P.O.V
"Kitten," Austin called Andrea, probably for the twentieth time but just like earlier, hindi pa rin siya pinansin nito. Nanatiling nakatingin lamang sa labas ng bintana si Andrea and it's frustrating the hell out of Austin.
BINABASA MO ANG
The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)
AksiRevenge is a dish best served cold. "Sleep with one eye open, honey. Your time has come..." - Andrea Montenegro Book cover made by @Lena0209 Note: This is a rough draft. Copyright © 2021 by Author Tricia De Guzman, aka prinsesa_icia. All rights re...