Chapter Twenty

59.5K 1.5K 29
                                    

"Huy! Hindi ka ba kayo magre-review, Kenshin? Narinig kong tanong ni Evangeline kay Kenshin. Nakatungo kasi ako kaya naririnig ko lang sila.

Kasalukuyan na nandito kami sa may lunch room at nakaupo sa harap ng dalawang lamesang pinagdikit nila kuya. Hindi kasi kakasyang lahat sa isang lamesa lamang sa sobrang dami namin. Halos lahat kumpleto kami dito, well, maliban kay Austin at Angelo. Nandito sina Riley, Mirai, Eve, Evangeline na kapwa mga nagre-review dahil mga huwarang estudyante daw sila at nandito din naman sina Blade at Nik na kapwa nakangiti sa mga cellphone nila habang nay ka-text at siyempre my kuya's and Kenshin na mga naglalaro sa mga cellphone nila.

"Ano pang silbi ng pagre-review kung wala naman sa test natin ang mga tinuro at nireview natin? Nakakagago lang 'yun!" Muli kong narinig but it was Blade.

Napangisi naman ako sa sinabi nito dahil, he does have a point. This whole week, pala ay Preliminary Examination Week, at wala kaming kaide-ideya dito dahil sa mga nangyari this past few days, kaya nang malaman namin ang first test sa schedule ng block namin ay nagkumahog kaming magreview, pero nakakaloko lang kasi nung makita namin ang mga tanong sa test ay hindi naman iyon ang itinuro sa amin. Buti na lang ay may stock knowledge ako ng kaonti, kaya nasagutan ko iyong iba.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko, muli ang pagikirot ng puson ko. Well, nagdecide ang aking puson na parusahan ako ngayong araw and fuck, nakalimutan ko pang ngayon pala ang first day ko dahil kung hindi sana'y hindi na lang ako pumasok. Kaya pala ang emotional ko these past few days, ang dali ko kasing umiyak. Bakit ba kasi halos buwan-buwan ay pinaparusahan kaming mga babae? Ang unfair lang kasi ang mga lalaki isang sakit lang ang mararamdaman nila tapos wala na.

"Pero kahit na noh, ano iyon aasa ka na lang sa stock knowledge?" Narinig kong tanong muli ni Mirai. I bet nakakunot na ang noo nito habang nanliliit ang mga matang maliliit kay Blade, pero hindi ko na narinig pa ang sagot nito ng may biglang sumigaw.

"Putang ina naman, pare eh! Sabi na kasing magdonate ka ng level 5 na dragon, tuloy natalo ako! Sayang ang loots at sayang din yung trophies!" Narinig kong sigaw ni Kenshin kay kuya. Kanina pa iyang dalawa na iyan eh. Kanina pa nagaaway sa nilalaro nila sa cellphone.

"Aba! Kasalanan ko pa ngayon?! Ano pang ido-donate ko sa iyo, eh naubos nga? Nagrequest ka kung kailan kakatapos ko lang umatake sa clan war, siyempre, ubos ang troops ko n'on! Bakit kasi hindi mo na lang hinintay yung ido-donate sa iyo ng mga ka-clan natin?" Sigaw rin pabalik ni kuya Xander.

Napatiim-bagang naman ako ng maramdaman ko ang isang matinding kirot para hindi makawala ang pinipigilan kong ungol. Bakit ba kasi napabilang ako sa mga babaeng pinapahirapan? Bakit hindi na lang ako nasama sa mga babaeng walang nararamdaman tuwing first day nila. Badtrip talaga.

"Princess..." Nagangat ako ng ulo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni kuya Alex. Napangiti ako ng mapakla ng makita ko ang pagaalala sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa harapan ko.

"Are you alright?" Maikling tanong nito sa akin. Umiling naman ako dito na nagpakunot ng noo nito.

"Anong problema? May masakit ba sa iyo? Masama ba pakiramdam mo? Dapat sinabi mo sa akin para hindi ka na pumasok at nagpahinga na lang sa condo ng kuya Xander mo." Magkakasunod na tanong nito sa akin dahilan para mapangiti ako.

Kaninang umaga ay sobrang sakit ng ulo at medyo namumugto pa ang mga mata ko ng magising ako. Sobra din ang kaba na naramdaman ko ng mapansin kong hindi pamilyar sa akin ang kwarto na kinaroroonan ko, pero nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at nakitang si kuya Xander ang nagbukas n'on ay nakahinga ako ng maluwag. Ipinaliwanag nila sa akin na they decided na sa unit raw muna ni kuya Xander ako iuwi dahil mas safe daw duon kaysa sa tinutuluyan ko na bahay. Baka daw, kasi balikan ako ng mga taong gusto akong patayin and they were not taking that risk.

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon