Chapter Fifteen

68.3K 1.8K 55
                                    

"Who?" Kunot-noong tanong ko dito. Ang labo naman kasi ng sagot nito.

"Fuck. Akala ko ba next week pa sila uuwi?" Hindi nila pinansin ang tanong ko at kung sino man ang tinutukoy ni kuya Xander ay sigurado akong kilala rin ito ni kuya Alex.

"Iyon din ang pagkaka-alam ko but we really need to be home right now. Your highness was looking for us." Sarkastikong sagot ni kuya Xander.

"Fuck." Narinig kong mahinang mura ni kuya Alex.  Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi nila at kung sino ba ang mga tinutukoy nitong 'The witches' and 'Your highness'.

"Teka, ano bang nangyayari?" Pareho silang napatingin sa akin, pero imbis na sagutin ako ay nagkatinginan ang dalawa kong kumag na kuya bago tumango sa isa't-isa.

"Hoy! May kausap ba ako?" Hindi pa rin nila ako sinagot imbis ay tumayo sila pareho bago tumingin sa akin. "Ano?"

"Come on. Get up." Utos sa akin ni kuya Alex.

I cocked an eyebrow at him while he was getting up. "Oh, bakit?"

"You'll be coming with us." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis akong hinila palakad ni kuya Xander.

"Huh? Teka, saan?" Muli na naman na may tumunog na cellphone; it was Ivan's phone. "Teka nga." Hinila ko pabalik ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni kuya Xander, dahil dito ay natigil din siya sa paglalakad.

Hindi ko pinansin sila kuya ng taasan nila ako ng kilay at sinagot ang tawag, not looking for the caller ID. "Hello."

"Ate!" Napakunot ang noo ko ng marinig ko ito.

"Who in the devil is this?"

"Tsk. Hindi mo na ako kilala? Ilang buwan lang naman tayo hindi nagkita." Mas lalong kumunot ang noo ko sa pagbibiro nito, kaya tinignan ko na ang caller ID. Napangiti ako ng makita ko kung sino ito.

"Bunso!" Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang pagtawa nito. Hindi na rin ako umangal pa ng muli akong hilahin palakad nila kuya. "Napatawag ka?"

"Napatawag ako? Really, tinatanong mo yan?" Kung kanina ay tumatawa ito, ngayon ay bakas na sa boses nito ang pagkairita.

"Huh?"

"Pinauwi niyo ako dito sa Pilipinas ng agaran, tapos wala pa lang susundo sa akin sa airport. For fuck's sake, isang oras na akong nakatambay dito sa arrival area."

"Bakit hindi ka na lang nag-taxi o di kaya, bakit hindi mo tinawagan ang ate mo?"

"Hindi ko alam address ng bahay ni ate and hindi niya sinasagot ang tawag ko." Napangiwi ako ng muntikan na akong matalisod, buti na lang ay nahawakan ako kaagad ni kuya Alex.

"Xander, will you fucking slow down?" Angil ni kuya Alex kay kuya Xander. Napakamot naman sa ulo si kuya Xander while I mouthed 'thank you' to Alex.

"Who’s that?" he asked.

"Wala. Hintayin mo ako dyan, susunduin kita. Bye." Pinatay ko na ang tawag. Napatangin ko kina kuya ng bigla na lamang sila tumigil. Nakalabas na pala kami ng gubat at nasa harapan na kami ngayon ng mga kotse namin. Naramdaman ko din ang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ni kuya Xander.

"Wait, aalis ka?"

"Yeah, I —"

"No! Hindi pwede. Hindi ako papayag!" Mas lalong humigpit ang pagkahawak sa akin nito. "Princess, hindi ka aalis. Dito ka lang sa tabi ko, okay? Naiintindihan mo? Dito ka lang."

"Kuya, nasasaktan ako." Angal ko habang pinipilit kong maalis ang kamay ko, pero parang hindi nito naririnig ang sinasabi ko kasi mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Hangga't maaari ayaw ko siyang saktan. "Kuya Xander, ano ba—Kuya!"

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon