Chapter Eight

69.6K 2K 57
                                    

I am not a morning person.

I hate mornings especially early in the morning. Mas pipiliin ko pang magdamag na gising kaysa gumising ng sobrang aga.

Sino ba gustong gumising ng maaga?

My mood this morning was really undeniably bad. Masama na ang gising ko sinabayan pa na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ayusin ang aking kotse. They said na baka abutin ito ng two months sa casa dahil they need to order some parts first. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa designated room ko ngayong umaga at halos lahat ng madadaanan ko ay nakatingin sa akin. Naiirita na ako sa pagtingin nila sa akin. And I think, this is because of what happened last Saturday.

"Hi beautiful," Isang lalaki ang humarang sa akin na nagpatigil sa paglalakad ko. Nababagot na tiningnan ko ito at nilagpasan.

"Hey! Wait, I'm still talking to you!" Hinatak ako nito sa braso pero gawa nang reflexes ko ay mabilis kong naiigkas ang kamao ko sa mukha nito.

Narinig ko ang pamilyar na pagcrack ng buto mula sa mukha nito at ang pamilyar na hapdi sa kamao ko. Anong karapatan ng hombreng ito na hawakan ako? Narinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita pati na rin ang 'Ooh' ng ilang lalaki.

"You bitch!" Anas ng lalaki sa akin habang pinipigilan nito ang pag-agos ng dugo mula sa ilong niya.

Papalampasin ko ang pagtawag nito sa akin ng 'Bitch' dahil I felt satisfied when I saw the guy's nose. Oh Job well done, Andrea! Tinalikuran ko na ito at muling naglakad. Narinig ko ang paglapit ng ilan upang kamustahin ito, na kung ayos lang ito. Seriously? Nakita na nga nila na nagdudugo 'yong ilong ng lalaki tapos tatanungin na kung ayos lang ito, nakaka-

"Nang ga-gago ka ba?! Nakita mo ng nagdudugo ilong ko tapos tatanungin mo pa kung ayos lang ako?!" Napatawa ako ng mahina nang marinig ko ito.

Nice.

Agad din naman na nawala ang good vibes na nagsisimulang bumalot sa akin nang makita ko ang linta. Si Alliyah kasama ang mga minions nito ay mga nakatingin sa akin ng masama at napansin kong kasama nito ang babae na bumangga sa akin noong first day ko. Sinuklian ko rin naman sila ng masama na tingin. Napangisi ako nang sila ang unang nag-iwas ng tingin. Naupo ako sa pinakahuling row at katabi ng bintana. Naiirita na talaga ako sa mga tingin nila.

"Problema niyo?" Mabilis naman na nag-iwas ito ng mga tingin.

Sinuot ko na lang ang earphones ko at tumingin sa labas ng bintana. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang tennis court kaya pinanood ko na lamang ang mga athletes na nagpra-practice dito. Nawala ang good vibes na nagsisimulang maramdaman ko nang makita ko mula sa salamin ang pagpasok ni Alliyah kasama ang ilang minions nito.

Great. Naiinis na bulong ko sa aking sarili.

Inilibot nito ang tingin at nang makita ako ay sinamaan ako ng tingin. Hindi niya ako matatakot ng ganyan dahil kitang kita ko ang takot sa mga mata nito bago ako sinamaan ng tingin. Inirapan ko na lang ito bago muling pinanood ang mga naglalaro. Nakaramdam ako ng pag tapik sa balikat ko kaya hinarap ko naman ito. Isang babae ang kumalabit sa akin.

"What?" tanong ko dito matapos tanggalin ang earphones ko.

"A-ano, n-nandyan na si M-ma'am" Tinuro pa nito ang harapan ng classroom.

"Thanks," ani ko bago kinuha ang aking libro.

Muli kong tiningnan yung babae at napataas ako ng kilay nang mapansin kong nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Uy, anong nangyari sa iyo?" tanong ko dito pero nakatulala lang ito sa akin.

"Huy!" kinaway ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha nito at mukhang epektib naman ito.

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon