Chapter Twenty-five

65.5K 1.7K 131
                                    

Looking at the numbers and letters in front of me, hindi ko maiwasan na sumakit ang ulo. Math is not really for me. Fuck it. I'm done. Suko na ako. Nilamukos ko lahat ng scratch paper na hawak ko at kinuha na ang exam paper ko. Ang sakit na ng ulo ko. Grabe.

Tumayo na ako sa inuupuan ko sa library at pinuntahan si Sir Renz sa information desk. Napaismid ako nang makita na nakikipag-usap ito sa librarian. Imbes na bantayan ako sa pag-exam ay nakikipaglandian ito sa librarian, pero kung sabagay, maganda nga naman ito.

"Ihatid na kita mamaya pauwi, a." Narinig ko na sinabi ni sir at namula naman ang mukha ni Miss.

Naramdaman siguro ni sir na nakatayo ako sa likod niya dahil humarap ito sa akin at nag-ayos ng tayo. Inabot ko ang test paper ko sa kanya.

"I'll give your score before mag-final exam, Miss Montenegro. Just make sure na makakapag-exam ka na on-time sa finals. Hindi na ako magbibigay pa ng special exam sa susunod." Bilin nito sa akin. Tumango lang ako dito at lumabas na ng library.

Sumakit talaga ang ulo ko sa exam na 'yon. Buti na lang last exam ko na iyon ngayong araw.

Well, kasalanan ko din naman kung bakit ako nahihirapan ngayon. Halos one week akong hindi pumasok at sa loob ng mga araw na iyon ay ginawa ko ang lahat para makakuha ng ideya kung nasaan si Riley. Minalas nga lang ako sa timing ng pag-absent ko, nataon na midterm exam namin iyon. Buti na lamang ay napakiusapan ko ang mga professor ko na bigyan ako ng special exam.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng uniform ko at hinanap ang number ni Blade. Simula nang makausap ko siya ay sa kanya pa lamang ako nakakahingi ng pasensya dahil sa pagtataboy ko sa kanila.

Hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon na maka-usap sila Eve, Evangeline, Aaron and Mirai dahil na din sa tinutok ko ang atensyon ko sa pagrereview, pero fuck, wala pa din akong halos mai-sagot sa mga tanong. Pang-alien ang mga tanong.

Ilang araw ko na din hindi nakikita si Austin. I know na may hindi kami pagkakaintindihan ay syempre, hindi mawawala sa akin ang mag-alala. Miski si Angelo ay wala din. Tanging sila kuya Alex at Xander lang ang nandito. Si Kenshin naman, hindi din makita. Sabi nga nila kuya Alex ay lagi akong hinahanap ni Kenshin sa kanila, pero laging natataon na hindi nila ako mahagilap.

Ipinagtataka ko lang ay ano ang kailangan sa akin ni Kenshin para hanapin ako araw-araw. Pumapasok lang daw ang lalaki na iyon para hanapin ako. I was about to dial his number as I turned a corner nang bigla na lamang may bumangga sa akin. I was so focused on my phone and it was so unexpected na hindi ko na-control ang balanse ng katawan ko. Malakas ang pagkakabangga sa akin.

But, just in time, na tuluyan akong mawalan ng balanse ay may humablot sa kamay ko. Napasinghap ako ng tumama ang katawan ko sa matigas na katawan ng sinuman na nakabungguan ko. Sa lakas ng pagkakahila sa akin ng lalaki, ay nabitawan ko ang phone ko.

Nakarinig ako ng mura sa lalaki bago ko naramdaman na itinayo ako nito ng ayos. Nang makatayo ako ay hinarap ko ito. Namumula ang mukha nito at halos hindi makatingin sa akin. Buti na lamang ay walang nadaan na mga estudyante.

"Shit. Are you alright, miss? Are you hurt?" Magkakasunod na tanong ng lalaki habang tila tinitignan ang buong katawan ko.

He's overreacting. I mean, nahawakan niya naman ako bago pa ako matumba ng tuluyan and I'm thankful for that.

"I'm okay. It's not your fault." Nakangiting sinabi ko dito.

Nag-angat ako ng tingin at isang pares ng brown eyes ang sumalubong sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito.

"Handkerchief boy!" Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang matapos ko iyon na sinabi. Shit. Wala na bang filter ang bibig ko?

Nanlaki din ang mga mata nito bago ngumiti sa akin ng pagkalaki-laki. "Ikaw yung babae sa elevator!"

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon