Chapter Seven

77.3K 2.2K 162
                                    

Third Person's POV

Rinig sa kabuuan ng gym ang ingay na nagmumula sa impact ng suntok ni Austin sa sandbag. Ibinuhos lahat ng binata ang galit at frustration na nararamdaman sa mga suntok at sipa. Galit para sa sarili dahil hindi niya man lang natulungan si Andrea sa mga nangyari buong linggo at frustration dahil sa pag-ignora sa kanya ng dalaga.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya ng maalala kung paano siya balewalain nito maghapon. After the fight that happened, he tried to talk to her, but he failed. Andrea wouldn't even give him the time, and it frustrates him.

"Fuck!" He cursed when the sandbag fell to the floor with a loud thud.

Someone wolf whistled at his back, and he stiffened. With the sound of its footsteps, he doesn't need to look around to see who it is. Kinuha na lamang niya ang nahulog na sandbag at itinabi ito nang makita na nabutas ito.

"My, my, brother, have pity on the sandbags." He heard his brother's voice. Austin's brows furrowed, but he didn't look at him.

Hindi na kailangan. Maiinis lang siya sa mukha nito lalo na at alam niya nandiyan ang kapatid para mang-asar.

"Why are you here, Caden?" Tanong ni Austin sa lalaki habang inaayos ang mga hand wraps sa kamay niya. Hindi pa rin hinaharap ang nakakatandang kapatid.

"Hindi mo man lang ako na-miss?" Pang-aasar nito. Hindi na lang ito pinansin ni Austin at kumuha ng panibagong sandbag.

Pinanood ni Caden ang kapatid na ilabas ang lahat ng init nito sa katawan. He knows that something, or rather, someone, was bothering his little brother. Kilalang kilala niya ang kapatid dahil siya ang nag-alaga dito at sa panahon na ganito ay talagang snobbish ito.

"It's about a girl, right?" tanong niya sa kapatid.

Isang suntok ang pinakawalan ni Austin matapos marinig ang tanong na iyon bago nagpatuloy. Napangiti ng bahagya si Caden dahil dito. Umupo siya sa hagdan ng boxing ring sa loob ng gym bago tumingin muli sa kapatid. He knows about Andrea. He's the university's resident doctor ay naririnig niya ang nangyayari.

"Balita ko lagi ka daw wala dito ng magdamag? Saan ka ba nagpupunta?" Isang mapaglarong ngiti ang nabuo sa mga labi ni Caden nang mapansin kung paano nanigas ng bahagya ang katawan ni Austin.

"None of your business." Isang tawa ang naging sagot ni Caden.

Marahas na napabuntong hininga si Austin dahil sa inis na nararamdaman para sa nakakatandang kapatid. Nirerespeto niya ito, pero minsan ay hindi niya maiwasang hindi mainis dito. Pinatigil nito sa paggalaw ang sandbag at hinarap ang kapatid.

"Anong oras na?" Tanong niya dito.

Napangisi si Caden ng marinig niya ito.

"It's already past nine in the evening, brother." Mas lalong lumaki ang ngisi ni Caden nang marinig niya ang mahinang mura ng kapatid.

Napamura ng mahina si Austin nang malaman kung anong oras na. Mabilis niyang tinanggal ang hand wraps sa kamay at daliang lumabas ng gym, iniwan na mag-isa ang kapatid. Hindi niya napansin ang oras.

Napailing na lang habang natatawa si Caden dahil sa inaasta ng kapatid. Kilala niya ang babaeng kinahuhumalingan ng kapatid at masasabi nga niyang kakaiba ito kaysa ibang mga babae.

"Man, he's whipped." Bulong nito sa sarili.

Mabilis na nag-ayos ng sarili si Austin at sumakay sa kotse niya. Wala pang sampung minuto ay narating niya na destinasyon niya, ang bahay ni Andrea. Nagpark siya ilang bahay bago kay Andrea. Nasa routine niya na pumunta dito tuwing gabi lalo na noong mga araw na wala silang balita kung nasaan si Andrea. Now, he's here to guard his girl. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan na bantayan ang dalaga dahil kapag may mangyari dito na wala siya ay baka makapatay siya ng tao.

The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon