Continuation of Riley's POV
"Yes, kami ang sinasabi ni Riley." Napuntang muli kay Mirai ang tingin ko ng magsalita siya. Nakatingala na din siya, pero wala ka naman mababasang emosyon sa mukha niya miski sa mga mata niya. Blanko.
"We were also kidnapped that the same day Andrea, or rather Princess and Riley met us. Magkaba-bata kami ni Eve, our parents are business partners. Our families are one of the most powerful families in Japan at dahil nga doon ay malaki talaga ang risk na ma-kidnap kami. Binigyan kami ng mga bodyguards ng mga magulang namin pero wala din naman naging saysay ang pagkakaroon namin ng bodyguard kung isa mismo sa kanila ang naging dahilan para ma-kidnap kami. Inside job ang nangyari katulad ng nangyari kay Princess."
"Papasok na sana kami ni Mirai noon ng mangyari ang lahat." Napalingon kaming lahat kay Eve ng magsalita siya. Hindi na rin siya nakayakap kay Nikolo, pero nakahawak naman siya ng mahigpit kay Mirai. "Naging madali lang ang naging trabaho nila para kidnapin kami dahil nakaugalian na namin na sabay kaming pumasok ni Mirai gamit ang iisang sasakyan. Dinala din kami sa isang runway at sapilitan na pinasakay sa isang eroplano. Pinatulog kami at nang magising ng kaming dalawa ay nasa isang madilim na kwaro na kaming dalawa."
"Then who's Arklight and Sakura? Sila ang magkapatid, diba kung magkababata sina Mirai at Eve?" Narinig kong tanong ni Xander, pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi na kay Blade. Nakapikit pa din siya, pero ng marinig niya ang mga pangalan na sinabi ni Xander ay napadilat siya.
Katahimikan ang sumagot sa tanong ni Xander, ni isa sa aming walo ay walang gustong sumagot.
"Sakura was my younger sister." Napasinghap ako at mabilis na napatingala kay Blade ng magsalita siya. Kung kanina ay nakahiga siya, ngayon ay nakaupo na siya at nakatingin sa amin. Nakagat ko ang aking ibabang labi ng makita ko ang sari-saring emosyon sa mga mata niya.
"I am Arklight. Blade Arklight Denver." Pagpapakilala niya.
"Blade, you don't have to do this." Tinignan ko si Princess ng marinig ko ang sinabi niya, diretso siyang nakatingin kay Blade. This is a sensitive topic for him and for us.
Muli akong lumingon kay Blade at nakitang huminga muna siya ng malalim bago tumalon pababa sa puno. Nagsimula siyang maglakad palapit sa amin at tumigil sa harap ni Princess. Bahagya akong napangiti ng magpalipat-lipat ang tingin ni Blade kay Princess at Xander. Hindi pa rin siya nagbabago. Kahit gaano man siya ka-playboy pero pagdating kay Princess ay tumitiklop at nahihiya siya dito.
Bumaling naman ng tingin si Princess kay Xander. "Tumayo ka muna diyan, kuya. Maghanap ka muna ng ibang mauupuan."
Aangal pa sana ito, pero ng makita niya ang seryosong mukha ni Princess ay tumayo na din siya at nilibot ang tingin habang naupo naman si Blade sa pwesto ni Xander. Napasimangot naman si Xander ng makita ito.
"Sandali, huwag muna kayo mag-umpisa. Kukuha lang ako ng mauupuan." Paalam nito bago umalis. Ilang sandali lang din naman ay bumalik na siya dala ang isang troso na pwedeng maupuan ng isang tao lamang. Pumwesto siya sa pagitan ng kinauupuan na troso nila Mirai at nila Princess, pero nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
"Xander! Ano ba?!" Sigaw ni Eve dito, habang pilit tumatayo mula sa pagkakaupo sa hita ni Xander. "Bitawan mo ako, Xander!"
"Shut up." Naiiritang sinabi ni Xander dito. "Mahuhulog ka na't lahat diyan sa pwesto mo ayaw mo pa rin umalis. Gusto mo talagang nasasaktan, ano, sadista ka ba? Hindi mo naman kailangan ipagsiksikan ang sarili mo sa diyan, Eve. Kung alam mo naman na masasaktan ka lang, umalis ka na at maghanap ng iba na alam mong hindi ka masasaktan."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Xander, ganoon din naman si Eve, at sa tingin ko ay ganoon din naman ang iba. Wala na naman ng ibang nagsalita hanggang sa basagin ni Blade ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Killing Dance (Snow White and the Seven Reapers)
ActionRevenge is a dish best served cold. "Sleep with one eye open, honey. Your time has come..." - Andrea Montenegro Book cover made by @Lena0209 Note: This is a rough draft. Copyright © 2021 by Author Tricia De Guzman, aka prinsesa_icia. All rights re...