Nakauwi rin kami ng bahay pagkatapos ng isang araw. The house felt so quiet dahil sa nangyari. Kaloka! Feeling ko na ngayon ay nakakaapekto parin pala ako, pero di ko parin mapigilang malungkot. I went straight to my bedroom. Nang papaakyat na sana ako sa hagdan ay bigla akong tinawag ni tita.
"Angel." She said softly at lumingon ako sa kanya. "We're always here okay?" Ngumiti lang ako sa kanya at umakyat na sa kwarto ko.
"Ay!!! Ang gaga!" Bigla kong bulyaw sa sarili ko nang humiga ako sa higaan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay yun ang pinakaunang ginawa ko. Nagpagulong-gulong lang ako sa higaan habang ginugulo ang buhok ko at patuloy na nagsisisi sa ginawa ko. "What am I doing with my life." Sabi ko habang nakatitig sa kisame. "Why can't I be contented with what I have. Why can't I accept the fact that my parents are no longer here. Bakit 'di ko makita na ang dami pang taong natirang minamahal ako. Why can't I go on....." Mangiyak-iyak kong sabi sa sarili ko.
"Why can't I be happy. Bakit di ko binibigyan ng pag-asa ang sarili kong maging masaya?" Pagkatapos kong punasan ang luha ko sa mga pisngi ko, umupo ako sa kinahihigaan ko at lumingon sa bookshelf ng aking kwarto. I decided to reread a book since nabasa ko na lahat ng nasa bookshelf ko. I took The Catastrophic History of You and Me. "This will kill my time."
I woke up with puffy eyes and runny nose. Ang bigat bigat ng katawan ko. Di ko namalayan kahapon na pagkatapos kong basahin ulit ang librong iyon ay maiiyak parin ako ng sobra. Grabe. Nandun parin yung kirot na iniwan nung characters. Yung miserable nilang buhay na napunta naman sa napakasayang katapusan. Hindi ko napigilang maiyak ng sobra when I tried to imagine the scenes. Yung galit, yung lungkot, yung longing, ramdam na ramdam ko to the point na parang ako yung bida. Na parang ako yung nasa sitwasyon nila. At ayun, nakatulog pala ako kakaiyak at hindi na nakapaghapunan.
I looked up to my clock na talagang nasa ibabaw ng pintuan ko which is right infront of me. Right infront of my bed. It's still 5:53 am. 7 minutes to go ay kailangan ko nang maligo at kumain for school. I checked my phone kung may reminders ba, at wala naman.
Bumangon ako sa higaan ko at sinuot ang panda slippers ko. These are not only comfy but also damn cute. Dumiretso ako sa cr upang maghilamos at pagtingin ko sa salamin ay talaga ngang magang-maga ang mga mata ko, dagdagan mo pa ang lumobo kong mukha at pulang-pula kong ilong dulot sa kakaiyak ko kahapon. Para akong Japanese na clown na 16 layers ang kapal ng make up. I thoroughly washed my face then went downstairs for some breakfast.
"Goodmorning angel!" Tito Nick greeted me with a smile.
"Goodmorning big angel!" Coby greeted me with a hug at parang nababahala. Binuhat ko siya. "Big angel, mommy said you were sick the other day. What did you eat kasi?" Coby asked me with a pout.
Hindi ko naman pwede sabihing nagcommit ako ng suicide dahil baka anong gawin ng bata at gayahin niya pa yung ginawa ko paglaki dahil akala niya yun ang solusyon ng mga problema. "Aww, little angel ate just ate a panis meal. Kaya sumakit yung tiyan ko at dinala ako sa hospital." I lied, brushing her hair. "But don't worry, okay na si big angel. We can play na." I said cheerfully.
"Big angel you have to be careful soon. Wala kami ni mommy at daddy dito palagi sa big house mo kaya you should always check your meal if it's panis or not. Baka hindi na tayo makapag play soon. Baka e o-open nila ang tummy mo just to check if it's okay." Heto talagang batang 'to feeling ko matanda na minsan. Mga nasa 30 na ang pag iisip nito eh. Kahit bata yung tono pero yung laman nung mga sinasabi niya may sense!
"Yes po little Coby Angela!" I hugged her tight at binaba na siya sa pagkakabuhat ko.
"Breakfast time my angels!" Tita Mica announced. Did I mention na breakfast is my favorite time of the day? I am a morning person kaya palagi akong ready na maligo at kumain sa umaga. Kaya morning classes don't bother me at all kasi feeling ko napakarefreshed ko sa mga morning classes. Napangiti naman ako ng makita kong favorite ko ang prinepare nila for breakfast.
"Yey! Pancakes, hotdogs, hot chocolate, fried rice, and apples! Big angel these are your favorites!" Coby exclaimed habang tinuturo isa isa yung mga pagkain sa mesa. I just smiled widely and reached out to Coby upang guluhin ang buhok niya at bumaling naman ang tingin ko kay tita.
"Thank you tita." I said with a smile. "And you too tito. Salamat sa inyo at hindi niyo parin ako sinusukuan."
My tita and tito were about to say something when Coby interrupted. "Ofcourse big angel! We're always here because you are our gift."
Pumunta akong school na parang pagod parin pero keri lang. Ngayon ang release ng mga grades namin for the first sem at ngayon rin ipopost ang list ng mga nakatop.
Right when I entered the school gates ay dumiretso ako sa aming bulletin board. Wala pang masyadong nakapaligid dun dahil maaga pa naman. It's still quarter to 7 at 7:30 pa ang start ng classes, I came early kase gusto ko pang maghanap ng mga books sa library.
There were a couple of students na nakapalibot sa bulletin board pagdating ko pero okay lang, malaki pa ang space na makakasingit ako dahil iilan lang naman sila. Hindi ko na kinailangan ang magpagod kakahanap sa pangalan ko. Kinailangan ko lang icheck kung nasa tamang posisyon pa ba ako at nasa tamang posisyon pa nga ang pangalan ko. 98.9%, top 1 sa section Emerald year 10. Hindi naman ako umalis agad at tiningnan ko pa ang ibang mga pangalang nakasulat dahil interesado din naman ako at napapangiti ako kapag may nababasa akong mga bagong pangalan.
I was in the middle of reading names when suddenly a tall guy came at sumingit nang sumingit hanggang sa mabangga ako sa gitna. Napaatras ako dahil grabe ang weight nitong lalakeng 'to ha, lakas makalimang sako ng bigas. At ako pa talagang mukhang stick figure ang binunggo niya.
"Ah!" Dahil sa may social anxiety ako at maingat ako sa bawat kilos ko dahil baka maagaw ko ang atensyon ng ibang tao, hindi na ako sumigaw ng Aray! o Ouch! kundi mahinang Ah! lang ang naging reaksyon ko.
"Uy!" Bumaling ang tingin ng lalakeng nakabunggo sakin patungo sa direksyon ko. "Sorry miss sorry." Ang sinabi lang niya dahil inaayos niya ang uniform niya at madaling tumingin sa listahan ng mga honors. "Uy! Yun oh! Naka with honors ang kapatid ko! Galing ah!" Malakas niyang sabi at tumingin tingin sa mga nakapaligid na mga estudyante. Binalik niya ang tingin niya sa list of honors at tinignan ng mabuti ang pangalan ko. "Grabe. Tibay din ng batang 'to, bumagsak nalang ang negosyo namin ay andito parin ang pangalan niya at pumapaibabaw sa iba! Sino bang may kilala sa batang 'to at ipapaadopt ko ang kapatid ko sa kanila para naman mapasama sa team ibabaw ang kapatid ko." Biro ng lalaki na yun ring ikinatahimik ng mga estidyanteng nasa likod.
Parang nagulat naman ang lalake sa biglaang pagtahimik at tumalikod siya upang tignan ang mga estudyante at sinundan niya naman ang tingin ng mga ito, at bumagsak ang tingin niya sa akin.
Binalik niya ang tingin niya sa listahan at muling tinignan ako ng masinsinan. "Myrrh Hyacinth Green Manuel? Ikaw yan?" Sabi niya habang lumaki ang mata niyang nakatitig saakin at nakaturo ang dailiri sa listahan, pronouncing my first name wrong.
Kumunot naman ang noo ko. "It's pronounced as Meer. Not Maiyr." Kalma kong pangongorrect sa kaniya.
"Sorry naman miss, pero.... ikaw yung bumili ng lason para sa daga sa pwesto namin nung biyernes diba?" He said, at lahat ng estudyanteng nakapalibot saamin ay tumitig lahat saakin na gulat.
Yup. They all knew. Hindi yung nilaklak ko ang lason sa daga, but they all knew that I was suicidal. That is why they're quiet everytime I pass by or everytime I answer at oral recitations. Takot silang may masabing mali na baka maging rason ng pagpapakamatay ko. Pagkatapos niya akong tanungin, ramdam ko na kailangan ko nang umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Them and Us
Lãng mạnI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...