The following days, naging okay lang naman ang atmosphere sa amin ni Rapha. Walang ka tense tense. Magaan parin. Parang walang nangyaring awkwardness. Our routine was still the same. School, lunch together, school, tas sa uwian pupunta sa paborito naming convenience store at e tatry ang bagong snacks.
Naging routine na rin namin ang bumili ng chocolates para sa kay auntie Melyn. Nabahala naman si Rapha dahil baka raw tumaas ang sugar ng lola niya, kaya bibili lang kami every other week. Nasanay na rin akong bumisita sa kanila every weekend. May nauuwi akong luto ni auntie Melyn, at nasasarapan rin naman si ate Maya kaya ay naging inspirasyon niya ang luto ni auntie Melyn upang mas pasarapin rin ang pagluluto niya.
Madalang kaming magkita ni tita Mica. Naabutan ko siya nung maagang natapos ang klase namin at pinauna ako ng uwi ni Rapha dahil may exams pa raw siya. Sabi niya magpapakuha raw ako sa driver at ginawa ko. Naabutan ko nga si tita pero pauwi na rin siya, nagkasalubong lang yung sasakyan namin sa gate at nagpaalam nalang kami sa isa't isa dahil nagmamadali siya.
There was one time na nagkasalubong kami ni Adisson kasama ang kaniyang kampon ng kadiliman. She was about to say something when Rapha suddenly stood infront of me at hinarangan kami ni Adisson sa isa't isa. Napahinga naman ako ng malalim. Rinig ko ang reklamo nina Adisson at wala silang ibang nagawa kundi umalis nalang. Buti dumating si Rapha.
Tinanong naman ako ni Rapha kung ano pa ang ibang sinabi ni Adisson saakin bago siya humarang at sabi ko naman ay wala. Buti at dumatig siya at napigilan niyang magsalita si Adisson gamit ang bibig niyang may dila ng ahas.
We're in the library. Nag-aaral ako para sa exams namin sa susunod na araw. Nabore ako bigla kaya ay kinulit ko si Rapha na nasa tapat ko nakaupo.
"Psst." Tawag ko.
"Ikaw tong nag aaral pero ikaw tong nangungulit. Parang may mali?" Tinignan ako ng diretso ni Rapha habang hawak ang librong binabasa niya. "Ano? Nagmalfunction na naman ba ang utak mo piks?" Aniya at tinapat ang hintuturo niya sa noo ko.
"Ano ka ba." I said softly at inis na inalis ang hintuturo niya sa noo ko. "Kabisado ko na lahat eh. Nabobore ako. Baka sa kakamemorize ko ng mga formulang ito eh makalimutan ko pa." I pouted.
"Ikaw? Makakalimot? Eh hanep yang IQ mo eh! wanmilyon plus!" Pabiro niyang sabi.
"If you can't minimize your voices inside the library to maintain silence, you can find your way out." Ani ng librarian. Yumuko naman si Rapha at ngumiwi.
"Wag lang sana magalit ano." Pabulong na sabi ni Rapha sa akin. I chuckled.
"Kuya?" Someone from Rapha's back spoke. Mahaba ang buhok niya. Para siyang girl version ng kuya niya. Tumingin naman siya sa akin. "Oh? Close na pala kayo ni Myrrh?" Kumunot ang aking noo.
"Ah—ah?" Biglang nautal si Rapha. "Jannel, ba't ka andito?" Then Rapha's sister, Jannel, sat beside him.
"Malamang, library to ng eskwelahang pinapasukan ko. Bakit naman hindi?" She said softly. Nakatunganga lang ako sa kanila. "Magkakilala na pala kayo ni Myrrh? Hindi na pala apek—"
"Ah oo, yung sinasabi mong top 1 sa klase nyo." Biglang pinutol ni Rapha si Jannel, her turn to furrow her eyebrows. "Oo, magkakilala na kami. Ano kasi, wala lang, bigla lang kaming nagkakilala." I can feel it in Rapha's words. If he's not nervous, then he's hiding something.
"Ah ganun ba." Binaling ni Jannel ang tingin niya sakin. "Naku, buti ka pa friends na kayo ng kuya ko. Magkapareha tayo ng klase pero we barely talk. Kapag may report ka lang nakikipagcommunicate sakin eh." Ngumiti siya ng matipid.
BINABASA MO ANG
Them and Us
RomanceI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...