Dali-dali akong nagmartsa patungo sa library. Nakakahiya! Oo alam nilang suicidal ako, pero sana di nila nalaman na nagsuicide ako pero epic fail! My steps were heavy, bawat tapak may tunog, bawat hakbang may galit. At ngayon galit na galit ako sa lalaking iyon! Ba't di ko siya namukhaan? Edi sana nakaalis ako agad! Edi sana di ako nabuking!
Kung dragon lang talaga ako ngayon, siguradong nasunog ko na ang buong eskwelahan sa galit. I pushed the door of the library open at dumiretso sa aisle ng mga novel books. I was stressed na nangyari kanina. Di ko mapakali ang sarili ko. Kukuha na sana ako ng isang libro when someone took my hand.
"Maam." I immediately took my hand back at lumingon sa nagsalita. Napaurong ako nang makita kung sino yun.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked coldly and turned my gaze back at the books.
"Maam bakit ka tumakbo?" Pagtataka niya. Naglakad naman ako paabante nang may sinabi na naman siya. "Maam bakit ho ganon nalang makatigin ang ibang mga estudyante? Maam bakit ho parang... takot na takot ho kayo?" Sunod-sunod niyang tanong habang sinusundan ako at hindi lang naman siya matatahimik kapag hindi ko rin siya sasagutin.
I stopped walking and turned around to face him. "Look Mr. Whoever-you-are. How the way people look at me is none of your business. Why I feel this or that or what my reaction earlier should never affect your curiosity since we do not know each other. Please leave before I'll make you look like you're an absurd stalker." Mariin kong sabi. At aba! Ngumiti lang ang gago!
Inayos niya muna ang pagkakatayo niya bago niya ako sagutin. "Maam, akala niyo ho ata na hindi ako marunong mag ingles ano?" At may paubo-ubo pa siyang nalalaman! I crossed my arms. "I was curious because the time you bought rat poison at our store was the universe at work. And I believe that we were bound to meet again at the bulletin board today and I highly doubt that everything is coincidental." He smirked. "I am not part of the world's gravity to pull us together the second time around, but I am part of the world's plan and I don't have the power to change what has been done. You my friend, are bound to meet me. For a reason."
Nainis ako! Para siyang gagong baliw na nabaliw dahil sa kaadikan niya sa old english war movies at heto siya ngayon nang aapproach ng kung sino-sino! I turned my back from him and walked away. Tumungo ako sa kabilang side ng higanteng bookshelf at sumunod naman siya!
"Uy, uy! Maam! Joke lang po yun! Mag-aayos na ho ng pagsasalita heto na ho, pasensya na." He said while trying to keep up with my pace. And since I'm not in a bad mood, pinagbigyan ko na ang siraulo.
I turned to him again and crossed my arms. "Speak."
Bumontong hininga siya bago nagsalita. "Maam. Pasensya na ho at napagkakamalan nyo kong pakielamero—"
"Yun ang inaasta mo."
"Maam, teka lang ho. Ganito ho kasi, hindi naman sa nagdedemanda ako ng paliwanag nyo dahil sa nangyari kanina—"
"Yun ang ginawa mo."
"Maam..." Irita niyang sabi.
"Ah, so ikaw pa ang maiirita ngayon?" Sabi ko aakmang aalis nang pinigilan niya naman ako.
"Maam, hindi ho. Pakinggan nyo ho muna ako. Please lang po. Kahit ngayon lang." Nag pout pa ang gunggong habang hawak ang braso ko! Agad naman niyang tinanggal ang pagkakahawak sakin nang makita akong nakatitig sa mga kamay niya. "Maam, pasensya na ho kanina ah..." Huminga siya ng malalim. "Maam, hindi ko po sinasadya na ang simple kong pagpapaalala sayo sa naging tagpuan natin sa aming pwesto ay nagdulot ng mga malalagkit na tingin ng mga estudyante sayo. Maam.... napahiya ko ba kayo?" My eyes widened. "Maam, nagtatanong lang ho." Mabilis niyang sabi habang itinataas ang kaniyang mga kamay at nakapikit. I looked away.
"Why do you even care."
Binalik niya ang kamay niya sa binti niya at muling binuksan ang kaniyang mga mata. "Maam, para ho sa susunod nating pagkikita ay hindi na ho matulad kanina." Ngumiti siya ng matipid.
"And how sure are you na magkikita pa tayong ulit?" I almost choked.
"Maam, kapag ho may impact na ang tao sa buhay ng isang tao, hahanap ang tadhana ng paraan upang hatakin kayo ulit papalapit." He smiled sheepishly. Nakita naman niyang mas lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hehe maam, biro lang. Pero maam, hindi talaga natin malalaman kung magkikita paba tayo ulit." May halong lungkot niyang sabi.
Aba at para namang sinapian ang isang 'to. Ang lakas ng loob magsabi ng kung ano-ano. I can't stand him! "Alam mo bang malapit nang mag 7:30?" He looked at his watched and nodded at me rapidly. "Para siyang shunga." I thought to myself. "At alam mo bang ang pakay ko dito ay magbasa ng libro pero hindi yun natuloy dahil sayo?" Umiling naman siya at hindi sigurado sa isasagot.
Dumiretso ako palabas sa library. 7:24 na so kailangan nasa classroom na ako by now. Hindi na ako nagpaalam sa gunggong na nanggulo sa akin kanina at iniwan ko nalang siya sa loob ng lib. Nasa harap na ako ng nakasaradong pintuan ng classroom ng huminga muna ako ng malalim. I was about to enter when someone called out my name.
"Myrrh!" Alam kong siya ang tumawag sa akin dahil siya lang naman ang maling bumibigkas ng pangalan ko. Binaling ko ang tingin sa kaniya na papaakyat sa hagdan. "Ingatan mo parati ang sarili mo." He said cheerfully with a smile at tuluyan nang umakyat.
The class was already settled when I entered the room. Wala pa yung adviser namin since siya yung first subject namin sa morning. I sat on my chair kung saan nasa pinakaharap ngunit sa pinakagilid rin. Titingin lang ako sa left ko ay may bintana na, kitang kita ang school grounds at kitang kita ko ang pinanggagawa ng mga estudyante sa baba.
Dumating na rin ang adviser namin at tumayo kaming lahat. "Goodmorning! You may sit." Sabi niya.
Hindi nagtagal ay nag discuss na rin siya ngunit nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pakiramdam ko ay sunog na ang likod ko sa mga tingin ng mga kaklase ko sa likod. Halos silang lahat ay andun sa bulletin board kanina, halos silang lahat ay nakarinig sa sinabi nung lalake, halos silang lahat ay may ideya na kung anong nangyari sa akin.
I did not listen the whole time until nag lunch na. Dun lang ako nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay hindi na ako makakaramdam sa init ng kanilang mga titig. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at bumaba sa hagdanan ng floor namin at dumiretso sa cafeteria.
"Chicken ho tas lumpia. Yung drinks ho pineapple juice lang." Sabi ko kay manang sa canteen.
"Isang cup lang ng rice hija?" Tanong niya sa akin.
"Opo." At inabot ko ang aking bayad.
I searched for some available tables sa cafeteria ngunit nahirapan ako. Mas nilayuan ko pa ang tingin ko nang may tumawag sa pangalan ko.
Not to mention, mali na naman ang pronunciation. I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Them and Us
RomantikI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...