VII

3 0 0
                                    

"Angel, uwi na ako ha?" Pamamaalam ni tita pagkatapos naming kumain. "Nagtext kasi tito mo, may emergency meeting na naman daw sa opisina. Pero don't worry, if ever you need anything tawagan mo lang ako."

"Yes po." Sabi ko. Mamimiss ko sina tita at tito. Pati na rin si Coby. Mamimiss ko yung may mangangamusta at mag-aalaga sakin sa bahay na para na ring mga sarili kong magulang. Pero tumatanda na ko, at isa lang ang ibig sabihin dun. Marami ang kailangang mag bago.

Nang umalis si tita ay si yaya naman ang kinulit ko. "Te Maya, laro tayo?" Suhestyon ko.

"Eh Myrrh, hindi kasi makakarating yung labandera. Kaya ako nalang muna maglalaba nito." At ipinakita niya ang isang basket ng mga damit.

"Ah, ganun ho ba. Sige, okay lang po. Akyat na muna ako." Sabi ko at umakyat.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa araw na to. Nakakaumay maglaro mag isa. Hindi rin naman ata makakapunta si Coby dito sa bahay. Tsaka, kakagising ko lang para matulog ulit. Ano ba naman to oh.

Umupo ako sa hanging chair ko at inopen ang facebook.

Jeremiah Raphael Montano added you as a friend.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Woah! Akalain mo, may buhay rin pala to sa facebook." I grumbled at inaccept siya sa facebook at bumalik sa pagkakaupo.

Rapha:
Hi maam pikon!

Bigla niyang chat sakin. Napangiti ako.

Me:
Hello.

Hindi ko alam kung anong irereply ko.

Rapha:
Maam, boring ho ba buhay niyo ngayon?

Me:
Lagi naman.

Rapha:
Maam kung sasabihin ko pong isasama ko kayong gumala ngayon, sasama kayo?

Napatayo na naman ako saking pagkakaupo. Okay lang naman sakin since nakasama ko na rin si Rapha na gumala once. Pero hindi ko parin maiwasan ang magdalawang isip. Tinignan ko muna ang wall clock ko. 10:15 am. I replied.

Me:
Why not.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, napagpasyahan ni Rapha na antayin ako sa labas ng gate namin at sabay na pumunta ng mall. Pagkalabas ko ng bahay ay may nakaabang na na taxi. Nang pumasok ako ay nandoon na si Rapha.

"Hi." I said smiling at him, ginantihan lang din niya ako ng ngiti.

"Tara na po manong." Sabi niya sa driver.

Normal lang ang naging biyahe namin. Tahimik lang kami pero para saakin, hindi awkward. Nang makarating kami sa tapat ng mall ay sinagot na ni Rapha ang pamasahe ko. Nang makapasok kami sa mall, nilagay ni Rapha ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga baywang.

"Timezone?" Ani Rapha at tinignan ako na parang ako ay hinahamon.

"Game." Sagot ko at inunahan si Rapha sa paglalakad. Nang makarating kami sa second floor ng mall ay bumungad sa amin ang napakaraming maaaring laruan. Bumili muna kami ng token at napagpasyahan naming laruin una ang basketball.

I had so much fun. Tinry namin halos lahat ng games at bawat laro ay palagi kaming tumatawa. Sa tuwing natatalo si Rapha ay binebelatan ko siya at inaasar na parang bata. Kapag ako naman ang natatalo ay ginugulo ni Rapha ang aking buhok at pinagtatawanan ako ng sobra.

"Dalawa nalang yung tokens ko." Ani Rapha.

"Ako rin." Sabi ko naman. Naglibot-libot pa kami ni Rapha ng may nakita akong alam kong hinding hindi ko matatanggihan. Ang cute ng penguin. Bigla kong sabi sa sarili ko ng may nakita akong penguin sa loob ng isang machine. Yung machine na may claw sa loob na siyang kukuha ng stuffed toy.

Them and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon