VI

3 1 0
                                    

I woke up feeling groggy. Sunday ngayon so hindi ako bumangon agad sa kama ko. I was staring at the ceiling, di alam ang susunod kong gawin. I looked to my right and turned my lamp off. I looked to my left and saw my reflection galing sa full body mirror kong nakaattach sa aking closet. Kitang kita ko galing sa kinahihigaan ko kung gaano ka maga yung mata ko. Woah, napasarap ba yung tulog ko?

I was having a debate with my inner self kung eche-check ko ba yung phone ko o hindi, dahil ang sakit sakit pa ng mga mata ko. I was about to go back to sleep ng naalala ko sila tita. Wala sila sa bahay for a couple of days at ngayon ko lang napansin.

I got up from my bed and immediately went downstairs, nakita ko naman agad si yaya.

"Ate Maya...." I called out. Yup, Maya. Maya ang pangalan ng yaya ko that's why I decided to call my friend Maya, Rapha.

"Angel!" I heard tita Mica. Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan ay nakita ko si Tita sa may kusina. "Angel, come here upo ka muna. I have something to tell you." At umupo ako sa long chair. Tita faced me. "Sorry nak, wala kami dito sa bahay nung mga nakaraang araw. It's just that, something came up kaya hindi kita nacheck dito for the past few days." Nakatuon lang ako sa kaniya.

"Okay lang yun ta, tsaka don't worry about me. I'm fine." Sabi ko, pero hindi ko parin makumbinsi si tita na okay lang ako. "And guess what... I found a friend." I smiled at her.

"Really?" Tita's eyes widened. "Oh my... good news! Finally my angel decided to have a friend! Teka, pano ka naman nakumbinsi ng friend mo na yan na maging friends kayo? Just like your mom, mahirap kayo i-approach ha, tapos napakapihikan niyo. Lalong lalo na sa mga friends." Ani tita habang sinisiko ako. I thought about mom.

"And just like nanay, I did exactly what she told me when I asked kung pano siya nakumbinsi ni tatay
na maging kaibigan niya." Hinawakan ko ang kamay ni tita sa mesa. "Ang magtiwala."

May kung anong namuo sa mga mata ni tita. Habang tumatagal ang titig ko sa mga mata niya, mas nagiging klaro sakin na luha ang namumuo sa mga mata niya. Niyakap ko si tita at hinaplos ang kaniyang likod.

"I will be okay. I promise." I promised her. Tinanggal ni tita ang pagkakayakap ko at hinarap ako ulit.

"I'm so happy for you. Masayang masaya ako na finally, binibigyan mo na ng chance ang sarili mong makalabas sa totoong mundo. Chance na maging masaya ulit." After a long pause, nagsalita ulit si tita. "Nga pala, yung sasabihin ko. So, something came up. Nick's parents arrived here sa Philippines the other day. So we were busy preparing.

Dun na muna kami sa bahay namin angel. Hindi namin masisiguro na makakapunta kami dito at maabutan mo kami kasi sa bahay namin mag s-stay sina mama at papa. Siguro makakadrop ako dito para mangamusta, pero hindi ko alam kung maabutan mo kami dahil ang mga oras ng klase mo ay free time ko." Parang may kung anong emosyon sa mga mata ni tita. Is she guilty? Dahil ba hindi niya ako mababantayan?

"Tita, I'm roughly 18! No need to worry, I can handle things na." Paniniguro ko kay tita. "Don't be sad. I'll take good care of my self."

I just want tita to have a life outside this house. May sarili na siyang pamilya, and I've seen this coming. Na someday, hinay hinay na akong made-detach kay tita. Na balang araw, hindi na kailangang umikot ang mundo niya sakin. There's Coby, tito Nick, and her business. Marami siyang kailangan mas pagtuonan ng pansin. At okay lang sakin yun.

I ate my breakfast with tita. We laughed at a lot of things. Kinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Rapha at kung paanong magkapareha ang pangalan nila ni yaya Maya. Yaya heard that part of the conversation at nakichika na rin. Tita and yaya seemed to like Rapha, and I was relieved. Hindi madaling e-impress ang mga tao sa bahay ko. Kahit sa mga bisita ay pihikan sila, lalong lalo na si tita Mica.

Them and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon