Naging madali lang ang exams. Medyo nabobother nga lang ako dahil panay ang isip ko sa pag-alis nina tita at tito pero salamat kay Rapha at naiibsan rin niya ang lungkot ko.
May isang araw na sumakit ang ulo ko ng sobra dahil hindi ako nakatulog. Umiyak lang ako ng magdamag, nagka anxiety attack ako. Hinang hina ako non. Kinapa ko ang side table ko nang ang unang nahawakan ko ay ang cellphone ko. Kukunin ko sana yun nang biglang tumawag si Rapha. Gulat na gulat ako dahil disi oras na ng madaling araw at tinawagan niya ako.
Sinagot ko yung at bigla naman siyang kinabahan. "Piks? Teka? Nahihirapan ka bang huminga?" Tahimik lang ako sa kabilang linya. "Piks? Huy! Wag kang magbiro oh!" Aniya at agad naman akong sumagot dahil baka bigla siyang magpanic.
"Mamimiss ko sina tita." At tumahimik bigla ang linya ni Rapha. Naiimagine ko na yumuyuko non si Rapha at napapailing. Ayaw na ayaw niya kaseng malungkot ako.
"Piks, alam mo namang mahal kita diba?" Natigilan ako. Tumigil ang mga luha kong tumulo. Ang mabilis kong paghinga ngayon ay parang wala na akong kakayahang huminga. Mabilis ang pintig ng puso ko. "Eh siyempre, espesyal ka na kaibigan sa akin. Ayokong nalulungkot ka piks." Ngunit binasag naman ni Rapha ang moment na yun.
Umasa naman ako. Teka, bakit naman ako umaasa?
Parang nagkaroon ako ng kagustuhang punatahan si Rapha sa kung nasan siya ngayon at sapakin. Paasa rin tong lalakeng to eh. Akala ko ano na. Pero hindi naman sa gusto ko rin siya, eh tumigil bigla yung mundo ko tapos iba pala ibig sabihin niya? Tss.
"Piks, hindi mo lang alam pero nalulungkot din yung pamilya mo. Gusto nilang manatili, para sayo. Pero piks may desisyon kasi silang kailangang pagpilian, at ikaw rin. Pinili ng tita mong manatili kapag ayaw mong umalis sila pero desisyon mo rin ang nasunod. Inudyok mo silang tumira sa U.S. dahil yun ang alam mong mas makakabuti sa kanila. At alam mo kung ano yun piks? Yan ang tunay na pag-ibig. Isasakripisyo ang sariling kagustuhan para sa ikabubuti ng iba. Dahil kapag masaya na sila, ay ikaw rin ay masaya na." Rapha's words are mere bliss. Siguro kung wala si Rapha ngayon ay nasa hospital na naman ako at tinutusukan ng kung ano ano dahil di ko alam kung ano ang gagawin ko.
I heard mom's voice in my head. "Ginusto ko ang mga naging desisyon ko anak, sana gustuhin mo rin ang mga magiging desisyon mo."
Tumango ako kahit hindi yung makikita ni Rapha. I thanked Rapha for calling me. Sabi niya napatawag raw siya dahil hindi rin daw siya makatulog. Chineck lang daw niya kung nakatulog rin ba ako kaya nang sinagot ko ang tawag niya ay nakumpirma niya nga'ng hindi parin ako nakakatulog.
Kinabukasan ay pumunta ako ng skwelahan na mugtong mugto ang mata at para akong fullmoon na nakababa galing sa langit. Bumilog yung mga pisngi ko at lalong nagkalaman. Yung mata ko parang kinagat ng mga queen bee. Malabo yung paningin ko at mahapdi yung mata ko.
Nang sinalubong ako ni Rapha ay nag aalala siya ng todo sa akin pero hindi niya parin mapigilan ang tumawa ng bahagya dahil sa bilog kong mukha. Tinaliman ko naman siya ng tingin at tinakpan niya ang kaniyang bibig at umayos.
"W-wag kang mag alala maam piks, cute mo parin naman." At nanggigigil ang abnoy. Nilagpasan ko lang siya at inunahan sa paglalakad nang biglang natapilok ako. "PIKS!" Biglang napasigaw si Rapha.
Dali-dali niya naman akong pinatayo at hinawakan ang magkabila kong braso. "Dahan dahan lang piks. May naapakan ka kasing bato kaya ay natapilok ka. Teka, mainit ka piks ah." Aniya at hinawakan ang noo ko. "Mainit ka nga."
Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib nang binuhat ako ni Rapha. Yung buhat pangkasal. Hindi na ako nakatalon dahil tumakbo na si Rapha papuntang clinic at malabo na rin ang paningin ko at ramdam ko parin na naaantok ako.
BINABASA MO ANG
Them and Us
RomansaI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...