VIII

3 0 0
                                    

For these past few days, nakabuntot lang si Rapha sa akin kapag tapos na ang klase niya. Palagi niya akong inaantay sa labas ng classroom ko, tapos sabay kaming pupunta ng cafeteria. Siya lang yung pumipila para sakin kaya yung orders ko ay nagiging order na rin niya. Ayaw niya raw'ng pumipila ako dahil ang liit ko daw'ng tao at ang dali ko lang matumba kapag mabubunggo. He chuckled when he told me that, nakakaasar din tong abnoy na to.

Eh kasi isang araw, nung pumunta kami sa bookstore sa loob ng campus ay nasubsob ako sa sahig. Pumipila ako non habang si Rapha ay busy parin sa paghahanap ng librong gusto niyang bilhin. Dumating ang iilang mga lalake na suot ang aming highschool uniform at may hinahanap. Parang mas nakakatanda ako sa kanila pero mas matatangkad sila.

Nang nakita nilang ang hinahanap nila ay nasa counter lang, ay pumila naman sila sa likod ko. Malakas ang tawanan ng mga lalaking iyon at nagbibiruan pa sila at nagtutulakan, ng naitulak nila ang isa nilang kasama sa direksyon ko agad naman akong napasubsob sa sahig at natapon ang librong bibilhin ko.

Dumating agad si Rapha at gulat na gulat. Tinulungan niya muna akong makatayo at pinandilatan ang mga lalake. Nagsorry naman sila kanina nung nasubsob ako sa sahig pero ni isa walang tumulong.

"Lalake ba talaga kayo?! Nakita niyo bang nasubsob sa sahig ang babae eh pinagtitinginan niyo lang na parang natapon na gatas!" Malakas ang boses ni Rapha at halatang natakot ang mga lalaking iyon sa kaniya.

Agad naman na humingi ng paumanhin ang mga lakakeng iyon na nauutal. Yumuko lang silang lahat at wala nang ibang nasabi. Pinagsabihan naman sila ni Rapha na sa sunod ay mag iingat sila sa mga galaw nila at wag lang tumunganga kapag nagkakasala. Umalis naman kami agad ni Rapha dun at wala na tuloy kami nabiling mga libro.

Mula non ay hindi na ako pinagpila ni Rapha. Nag iinsist naman ako na nagkataon lang yon at hindi nila yon sinasadya pero ayaw parin niya. Narealize daw niyang ang fragile kong tignan na kapag may dadaang bus sa tapat ko ay matatangay raw ako nito.

Tuwing hapon naman ay pinupuntahan namin ang convenience store na malapit lang sa bahay namin. Yung convenience store kung saan kami unang lumabas dalawa at una niya rin akong nilibre. Palagi naming trip ni Rapha ang chocolates dahil yun ang palaging pinamimili ko.

Nakuwento din ni Rapha sa akin ang tungkol sa lola niya nung ipinapabigay ko yung chocolate na binili ko. Sobrang saya daw ng lola niya at sinabing pumunta raw ako minsan sa bahay nila dahil ipagluluto daw ako. Napagpasyahan naman ni Rapha na isasama niya ko sa bahay ng lola nila ngayong weekend.

Pagkatapos naman naming kumain sa convenience store ay lagi naman akong inilalakad ni Rapha pauwi sa amin. Hanggang tapat ng gate lang siya tapos ipapapasok niya muna ako bago siya papara ng taxi pauwi. Naging ganun ang routine namin ni Rapha sa mga nakaraang araw. Parang napapalapit na ako sa kaniya.

"Sure ka ba na pinapapunta ako ng lola mo?" Panglimang tanong ko na yan kay Rapha sa loob ng taxi. Kinakabahan ako dahil baka ayaw sa akin ng lola niya. Ewan ko ba kung bakit napaparanoid ako eh hindi naman ako magpe-presenta bilang girlfriend ni Rapha. At bakit naisip ko naman yun aber?

"Ano ka ba maam pikon, chill nga lang tayo! Magkukuwentuhan lang tayo at kakain dun, hindi ka namin iimbestigahan." Ani Rapha tsaka tumawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Siguro naman ay naninibago lang ako dahil ni minsan hindi pa ako naipapakilala sa kahit na sinong magulang dahil hindi naman ako nagkaroon ng matinong kaibigan. Tanging parents ko lang ang naging bestfriends ko simula nung bata pa ako, tapos ay kinuha pa sa akin.

Malayo layo ang bahay nina Rapha sa amin. Aakyat pa kami ng tatlong bundok at tatawirin ang limang sapa. De joke lang. Mga almost thirty minutes pa ang biy-biyahiin namin galing sa bahay bago makarating sa kanila.

Them and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon