IX

7 0 0
                                    

Kumain kami sa mesa nina Rapha na puno ng tawanan. Ngunit sa gitna ng mga tawa ko ay may bumabagabag parin sa isip ko. How can that girl have the features of my dad? How come?

Pero siguro ay nag ooverreact lang ako. Sabi nga nila, sa buong mundo may makikita kang mga taong kamukha mo. I wonder if yung ate ni Rapha ay isa sa mga kamukha ni papa sa mundong ito. Pero hindi parin ako mapakali sa sinabi ni Rapha na half-sister niya lang yun. Kapatid sa ama. Parang mahihilo na talaga ako. Nilagok ko ang isang basong tubig at mukhang nagulat si Rapha.

"Okay ka lang ba talaga piks?" Aniya at alalang-alala.

"Hija, masama ba ang pakiramdam mo? Teka at kukuha lang ako ng gamot." Aakmang tatayo ang lola ni Rapha nang pinigilan ko siya.

"Okay lang ho la." Mahinahon kong sabi. "Nauhaw lang po ako. Okay lang po ako talaga." Parang nakumbinsi ko naman sila kaya ay tumango lang silang dalawa. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya ay nagtanong ako.

"So Rapha, your ate... is she around?" I asked calmly. I think. Kalma ka lang girl. Wag magpahalatang interesado at lalong lalo na wag magpahalatang nang iimbestiga ka! Nag ooverthink ka lang!

"Ah, oo nga pala hindi ko nakuwento sayo." Ani Rapha at umayos ng pagkakaupo. "Yung ate ko, nasa abroad. May sarili na yung pamilya at paminsan minsan lang umuwi."

"Ah, yung ate ba kamo ni Maya, hija?" Biglang tanong rin ng lola ni Rapha. Tumango ako. "Ay oo may sariling pamilya na iyon at masayang namumuhay sa Amerika. Ilang taon na rin at di namin siya nakikita dito. Namimiss ko na ang munti kong butching." Kuwento ng lola niya.

"Why won't she come home?" I really can't help but ask. There came a long pause. Bago sumagot si Rapha ay napabuntong hininga muna ito.

"Kasi—"

"Mahabang istorya hija." Biglang pinutol si Rapha ng kaniyang lola. "Siya nga pala hija, anong grade ka na ba?" Biglaang tanong ni lola sa akin. Wala na akong magagawa. She already changed the topic. Nakakawala naman ng respeto kapag inuulit ko pa ang tanong na ayaw naman nilang sagutin. Maybe I'll ask Rapha some other time.

While eating, his lola mentioned the chocolates I gave her a few weeks ago. Napayuko naman ako sa hiya. His lola said na she was so grateful kasi yun rin daw yung time na nagwala ang lolo ni Rapha at walang nurse na mag aalalay sa kaniya. The nurse arrived 15 minutes after tsaka lang daw napakalma ang asawa niya. The chocolate helped her to calm down rin at mahupa ang kaniyang stress. Hindi ko alam na naging isang malaking bagay pala ito sa lola ni Rapha.

Matapos naming kumain ay nagkuwentuhan pa kaming tatlo sa kabataan ni Rapha. Kung gaano siya kahilig magsulat at gumawa ng sarili niyang story sa kaniyang notebook, kunwari published book niya iyon. Dahil sa kahiligan niyang magsulat, yun ang nag udyok sa kaniya sa na kunin ang course niya ngayon. I'm so happy for him. No wonder parang wala siyang regrets sa life.

"You're doing this for your dream?" I turned to him, surprised. Nakangiti ako. "That's so good! Hindi ka magsisisi dahil para naman pala sa pangarap mo." I was really happy for him.

"Kaya ko naman pinili to ay hindi lang para hindi ako magkaroon ng mga pagsisisi. Para na rin mai-share ko sa mga tao ang mga bagay na pinagsisisihan ko pero ay nagdala sa akin kung asan ako ngayon." He said. I can't help but smile sweetly at him. Iba talaga si Rapha.

After a long chitchat, naalala ni Rapha na ipapakilala niya pa ako sa kaniyang lolo. We stood up and headed to his lolo's room. Pagbukas ng pinto ay makikita mo agad ang higaan ng kaniyang lolo. Nakaupo lang siya at nakasandal sa kaniyang headrest. I first explored his room. Ang kuwarto ng lolo niya ay napakalinis. White ang walls, tsaka sa isang dingding ay may nakahang na mga pictures, mostly polaroid shots. Yung iba nakadikit, yung iba naman nakahang sa kulay brown na makapal na string. Binalik ko ang tingin sa kaniyang lolo na ngayon ay nasa gilid na niya ang lola ni Rapha.

Them and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon