"Hi maam!" Maligayang bati sa akin ni Maya pagpasok ko sa gate. Tiyaga ah.
"Oh? Aga mo?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka tuloy ako kung anong year siya. Imposibleng pareho kaming nasa year 12 kasi narinig ko siya noon sa may bulletin board na isa sa mga classmates ko ang kapatid niya so I'm guessing ay college na siya.
"Yung sched ko, parang sched lang din nang highschool eh, kaya lang mas maaga sakin matapos." Oh? So college boy nga to.
"Anong year?" Tanong ko na naman sa kaniya.
"Uy uy uy? Anong tono yan? Hoy pikon." Nilagay niya ang mga kamay niya sa kaniyang tuhod at yumuko para lumebel ang tingin namin. "Nakalimutan mo na ba na nakakatanda ako sayo? Aba, kung makasalita akala mo auntie ko lang." Umayos siya ng tayo at ginulo ang buhok ko. Auntie talaga? Nagkibit balikat lang ako at hinintay ang sagot niya.
Nangangawit na ang leeg ko kakatingin sa kaniya. Did I mention na hanggang braso niya lang ako? At habang tinitignan niya ako ay parang dinadown niya ata height ko ah? Aba, aba.
"2nd year college, pikon!" Sabi niya at binaling ang tingin sa school grounds. "Nga pala, paano yung Adisson na yun? Baka ano na naman gawin niya sayo." At tinignan ako na parang nag-aalala.
I shrugged. "Malayo lang yung classroom nila sa classroom ko kaya okay lang. Nagkataon lang na nakita niya ko sa soccer field kaya sinamantala na niya." At binaling ang tingin ko sa sahig. Biglang nagbell kaya ay hinatak nako ni Maya papunta sa classroom namin.
"Bell na pikon! Mag aaral kang mabuti ha?" Sabi niya nang makarating na kami sa classroom ko at pinatong ang kaniyang kamay sa ulo ko. "Una na ko pikon, bye!" At umalis siya ng nakangiti sakin.
Parang naging mabilis ang takbo ng klase. May pop quiz sa first three subjects tsaka 15-minute break. Hindi nako pumunta sa canteen dahil hindi naman ako gaanong gutom kaya sa bumili nalang ako ng isang libro sa isang maliit na bookstore sa loob ng aming campus. Pagkatapos non ay binasa ko nalang ang libro ko sa last two subjects ko dahil walang guro na pumasok.
Dismissal na namin at hindi nga ako nagkamali, inantay ako ni Maya sa labas ng classroom. Pinagtitinginan kami ng mga classmates ko siguro dahil hindi sila sanay na may kasama akong student o hindi sila sanay na may college student sa building namin. Kaasar din minsan tong mga classmates ko. Hello, tao din po ako. Hindi naman po ata labag sa kalooban ninyo ang may mang-antay sakin noh?
"Huy, kanina ka pa matalim ang tingin sa mga nagsilabasan mong classmates ah?" Pangungulat niya sakin.
"Di ko ba deserve magkaroon ng kaibigan?" Binigla ko ata siya sa tanong ko ng muntik siyang napatalon ng tinanaw ko siya.
"Deserve mo noh! Sinong nagsasabing hindi? Dalhin mo sila sa harapan ko at uupakan ko silang lahat." Biro niya na siyang nagpatawa saakin ng bahagya. "Woah. Tu-tumawa.. ka?" Aniya na parang gulat na gulat.
Bigla naman akong bumungisngis. "Bakit ah? Di ko naman ba deserve tumawa? May angal ka ba, ha?" Sabi ko at kinurot siya sa gilid.
"Aray! Oo na! Tama na nasasaktan mo na yung makisig kong katawan!" Pagmamakaawa niya habang tumatagilid na sa sakit. Naalala ko tuloy nung napagkamalan ko siyang isang 'ate' sa tindahan nila. Pinakita niya pa sakin ang mga muscles niya para patunayan na isa siyang lalake habang malakas na sinasabi na makisig at matikas siya. Napangiti naman ako sa naalala ko. "Yan, deserve mo ang maging masaya at ang ngumiti bigla bigla. Pero wag mong palalagihin ha? Baka mapagkamalan kang may turiring sa mga hindi mo kakilala." Pang-aasar niya at hinampas ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Them and Us
RomanceI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...