"Myrrh! Dun oh! May bakante!" He approached me at tumuro sa kung saan. Inirapan ko lang siya at tinalikuran nang bigla niya akong hilain. "Hay naku, ngayon ka pa mahihiya sakin." Sabi niya. Hindi obvious ha na makapal ang mukha niya.
Pinagtitinginan ako ng mga classmates kong nasa cafeteria at sa iilang mga taong nakawitness sa pagwalk out ko sa may bulletin board. Hindi nako nakaangal sa mokong to kaya nagpahila nalang ako. Yumuko lang ako hanggang sa nakarating kami sa table.
"Kamusta maam?" Ngiting ngiti ang kapal muks. Dinedma ko lang siya. "Ay heto, nahihiya pa." At mas lumaki ang ngiti niya.
I leaned forward to him. "Why did you bring me here?" Madiin kong bulong.
"Bakit naman hindi." Bungisngis niyang sabi. Kung kami wala sa eskwelahan, kanina ko pa to sinapak! Ang kulit!
Nahiya talaga ako. My lunch was a series of "yuko" at "irap". Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa taong to. Nilaruan ko ng bahagya ang pagkain ko nang bigla siyang nagsalita.
"Maya." Aniya. I raised my left eyebrow. "Maya ang tawag nila sa'kin."
"Ah." Ang naging tanging sagot ko. Wala talaga ako sa mood dahil sa kahihiyang binigay ng Maya'ng to saakin.
"Kanina pala—"
"Look, Maya. I don't want to talk about it. Gusto ko lang makapaglunch na tahimik and then you appeared out of nowhere at hinila ako in the middle of the crowd. Hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naman nararamdaman ang nararamdaman ko so you better shut your mouth nalang." I said coldly. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya at para bang nasaktan siya sa sinabi ko.
"Gusto ko lang mag sorry." Ngumiti siya ng matipid. "Sorry talaga." Tinignan ko siya at tumango ako ng bahagya, accepting his apology. Lumabas naman ang napakalapad niyang ngiti and I looked away. Pagkatapos, muntik akong napatalon ng bigla niyang lagyan ng isang chicken wing ang plato ko. Nanlaki ang mga mata ko at binalik ang tingin sa kanya. "Peace offering ko yan." Mas lumapad pa ang ngiti niya. "Kain ka ng marami, payat mo." He said and crinkled his nose at nagpatuloy sa pag kain.
Hindi ako umimik pero nagulat talaga ako. Tumango nalang ako ulit at nagpatuloy rin sa pag kain. Walang chicken wing sa menu ng cafeteria ngayon, at sa sariling lunchbox ni Maya nanggaling ang chicken wing. It was good.
Hiyang-hiya parin ako sa ginagawa niya. Parang may humahatak sa sarili ko papalayo sa kanya ngunit ayaw umalis ng paa ko.
"Di ka masyadong nagsasalita no?" Ngisi niya. Ngumiti lang ako ng matipid.
"Ba't mo 'to ginagawa sakin?" Tiningala niya ako. "I mean, all this. Hindi naman tayo masyadong kakilala tapos kung asan ako nandoon ka. You're creeping me out. Really."
"Yun nga. Hindi tayo gaanong magkakilala. Pero alam mo yun? Parang may atraso kasi ako sayo. Pakiramdam ko may kasalanan akong nagawa sayo kaya kailangan kong bumawi. Yung ganun? May naramdaman ka rin bang ganon?" Pagtataka niya habang kumakain. Gumapang ang kaba sa katawan ko. Tandang tanda ko kung paano siya nagdalawang isip sa pagbigay ng lason. Alam ko, alam kong ayaw niyang ibigay yon dahil alam niyang may masamang balak ako ngunit kinuha ko parin. Inalis ko sa utak ko ang nangyari pagkatapos non.
"Ewan ko talaga sayo." At inirapan siya. Hindi ko na siya nilingong muli. Kinakabahan ako na baka maparami at lumalim ang mga tanong niya.
Hindi rin nagtagal ay natapos rin kami sa pag kain. "Una na ko." Sabi ko at nagpaalam sa kanya. Tumango siya at tumungo muna ako sa soccer field upang tumambay nang may narinig akong may papatakbo sa direksyon ko. Akala ko ay si Maya, kaya lilingon na sana ako ng halos mapatalon ako sa gulat.
BINABASA MO ANG
Them and Us
RomansaI have long been a bitter brat since the day I lost my parents. They left me with their memories, both as lovers, and partners and it pained me everytime I am reminded of their absence. The day came I decided to give my life up and with some twist o...