Prologue

17 1 0
                                    

"Nathan, look  at me."  she said while smiling 

I looked at her  and realized how lucky I am for having her. Being with her is the best choice I have ever made in my life. No mistakes. No regrets. 

Life and my future with her, that's all i could ever ask for. Luckily , She choose me and love me like its the last day of her life. She gave her all.

"Pa english english ka na ngayon ah! dati hello lang ang alam mo."  asar ko sa kanya habang hindi mawala ang ngiti ko sa labi

"Ano ka ba ! Ang Epal mo." naiinis na sagot nito sakin.

Lumapit ako sa kaniya at agad itong niyakap. Yung yakap na parang wala ng bukas.

"Nathan ano b----" reklamo nito sakin. Nagpupumiglas sya  sa yakap ko pero habang tumatagal ay huminahon din sya at yumakap pabalik.

"Sana ganito na lang tayo habang buhay. Masaya kahit may problema basta walang iwanan."

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala lang to, nagdadrama lang naman. Minsan lang naman ako maging clingy sayo, pagbigyan mo na." malambing na sabi ko sa kaniya habang hinahagod ang kanyang malalambot na buhok

Matagal ko siyang yakap. Hindi sya nagsasalita. 

" Uy ang tahimik mo naman baby. Sorry na. Hindi na kita aasarin promise. Magaling ka naman talagang mag English eh." nag aalalang sabi ko sa kanya.

" Baliw ! hanggang ngayon English pa rin yung iniisip mo." sabay hampas ng malakas nito sakin.

"Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nagmamahal sakin. Hindi naman ako perpekto pero ang buti ni God sakin kase binigay ka nya sa akin. May umiintindi sakin kahit na ganito yung ugali ko. Salamat Nathan." dugtong nito

" May pasabi sabi ka pang madrama ako ! eh mas madrama ka naman sakin haha!" natatawang sabi ko pero deep inside masaya ako.

"Ikaw naman kase eh! ang landi landi mo parang ito na tuloy ang last day ko sa mundo" pabirong sabi niya sa akin.

"Hey, hindi magandang biro yan ok ? marami pa tayong gagawin. Oo matagal na tayong magkasama pero hindi pa rin sapat yun ok ? Kulang ako pag wala ako. Hindi masaya. Kaya dapat Hanggang sa pagtanda kailangan magkasama pa rin tayo . Kailangan kita " malambing na sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kita iiwan. Ikaw pa ba ? Ang lakas mo kaya sa akin. Tandaan mo mahal na mahal kita" sabay halik niya sa akin 

(okay hindi talaga ako kinikilig. Ang gay kayang ting--- pero puta para akong matatae na ewan sa ginawa nya)

"ehem--- Mahal na mahal din kita." sagot ko sa kanya  para di nya mahalatang kinikilig na ako.

---------

"Saan ba tayo pupunta nathan?" naiinip na tanong nito. Para naman tong bata ang bilis mainip.

"Malapit na tayo , wag ka nang mainis" paninigurado ko sa kanya.

Iniwan kase namin yung sasakyan namin  sa labas. Hindi namin alam na medyo malayo layo pa pala ang lalakarin namin bago makarating dito. Pero okay lang naman sakin na maglakad ng malayo, ang importante kasama ko sya.

"kanina pa yang malapit na yan eh " dagdag pa nito

"Ay ang daldal pa , ayan na oh" turo ko sa kanya

Napatingin ang babaeng kasama ko sa lugar na tinuro ko. Makikita dito ang labis na pagkamangha sa lugar. Para syang bata na binigyan mo ng paborito nyang tsokolate. 

The Time before my PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon