Chapter 4 : Memories

6 0 0
                                    

Nathan's POV

Umaasa pa rin ako na buhay sya. Ayokong tanggapin. Kanina lang masaya kami na nagkekwentuhan , naghaharutan at naglalambingan. Ang mga tawa nya , pagmumura nya, pananakit nya. Everything seems so perfect. Hindi ko kakayaning kalimutan yun.

Sa oras nang pagbagsak ng kamay ni Cheska, dumating ang ambulansya. Ganun ba talaga lagi? darating ang pulis pag tapos na. Darating ang mga doktor kapag wala na.

Wait. Hindi pa sya patay. Natutulog lang sya.

Binuhat ko ang babaeng duguan. Dinala ko sya sa ambulansya. May chance pa. Kakayanin nya ito. Ilalaban ko pa.

"Miss --"

" Sir ! Ang lalimg ng sugat nyo ! " gulat na sabu ng nurse matapos makita ang kalagayan ko

"Okay lang ako, itong babaeng hawak ko ang gamutin nyo " tipid na sabi ko sa kanya

" Sir , unahin nyo muna ang sarili nyo . Ikaw ang gagamutin namin " mahinahong sabi ng nurse sa akin 

"Miss kaya ko. Unahin mo ang babaeng ito. N-nagmamakaawa ako"  puno na ng dugo, pawis at luha ang mukha ko. Maging ang sariling dugo ko ay nalalasahan ko na rin

" Malalim na ang sugat mo dahil sa pagkakabaril , kailangang maagapan yan" dagdag ng nurse na abala pa din sa paghahanda ng first aid kit.

" K-kaya kong tiisin. M-malayo naman to sa Bituka eh, kaya u-unahin mo ang babaeng buhat ko please " naluluhang sabi ko.  Mahina na kung titingnan pero hindi ko mapigilan yung pag Iyak.

" Sir , Baka lalong lumala ang sugat mo. Kailangan mong magamot . Tinawagan na rin namin ang family mo at papunta na sila di---" 

" Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko ?! Ilang beses a-akong n-nagsabi sayo na u-unahin mo s-siya! Mahirap pang intindihin yun ?!" sigaw ko sa babaeng nurse. Wala na akong pake kung pagtinginan kami ng mga tao.

"Sir, hindi mo ba nakikita ang realidad? Patay na ang babaeng buhat mo. Kahit anong gamot ang ang gamitin namin sa kanya, Hindi na sya mabubuhay. " Sagot niya sakin na parang may awa at inis.

Dere deretso nang nagbagsagsakan ang luha ko. Tulog si Cheska pero kailanman ay hindi na sya gigising. Hindi ko na masisilayan ang mga ngiti nya. Hindi ko na maririnig ang mga tawa nya. Hindi ko na sya mayayakap at mahahalikan.

Nakakainis lang na hindi ko na maramdaman yung sakit ng katawan ko dahil unti unti na ring namamatay ang puso ko.

Wala akong magawa. Kung kaya ko lang ipalit ang buhay ko para sya lang ang mabuhay ay gagawin ko.

Dumating na ang ilang nurse at staff para kunin ang katawan ni Cheska. Parang dinudurog ako ng  paulit ulit dahil sa nakikita ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka kung ano lang ang magawa ko. Ayoko pero kailangan. Binigay ko si Cheska sa kanila.

Agad na dumating ang mga magulang ko. 

Hindi na sila nagsalita. Tanging yakap lang ang ginawa nila na lalong nagpaluha sa akin.

---

Nagising akong basang basa ang mukha. Napanaginipan ko na naman sya.

Siguro nga ,mas magandang gumawa na ako ng pader sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko .  Mahirap mapalapit ng sobra . Masakit lalo na kung maiiwanan ka

Hinanda ko na ang damit ko para sa meeting ngayon. Kailangan kong makuha ang  matamis na "oo" nila . Umakto ako na parang masaya para hindi naman sila makahalata.

Pagkatapos kong maligo agad kong sinuot ng Business attire para kagalang galang naman akong tingnan sa harap ng mga magiging kapartner ko.

(A/N: hindi ka nagbrief?)

The Time before my PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon