" Cheskaaaa !"
Nanginginig akong nagising. Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa pawis at hingal na nararamdaman ko. Limang taon na ang nakalipas. Pero siya pa rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Para akong pinapatay ng paulit ulit sa tuwing naaalala ko ang pangyayari. Masakit. Sobra.
Ang daming sana. Sana Hindi na lang ako lumabas ng sasakyan. Sana nakinig na lang ako. Sana hindi ko na lang iniligtas ang batang babae.
Napatingin ako sa gilid ng aking kama. Ang ganda ng ngiti nya. Sana masaya sya sa taas.
Patawarin mo ako Cheska. Pero hindi ko kayang palayain ang sarili ko.
Masak----
Habang lumuluha bigla na lamang may kumatok sa aking pinto.
" Ser ? Woke up na po kayo! May trabaho pa kayo. Yung mga paseswelduhin nyo inaantay na po kayo ! " nagmamadaling sabi ni nanay Mercy
Hindi ako sumasagot sa katok ni Nanay Mercy. Hindi pa ko makagalaw masyado sa naalala ko.
" Ser !? Huwag po kayong magpapakamatay !!!! Sir buksan nyo ang pinto ! Sir !" naiiyak na sabi nito.
" nanay mercy ! Im okay ! Besides hindi nakalock ang door knob ko. Wag kang OA" natatawang sagot ko kasabay nang pagpunas ng mga luha sa aking pisngi.
" Sige po ser ! Baba na kayo. Magbrik past na po kayo " paalala nito sakin.
Tumayo na ako at naghanda ng damit. Hindi naman ako dependent na tao kaya hangga't kaya ko gagawin ko.
Pagkaligo , agad akong bumaba para pumunta sa kusina namin. Hindi ko pala nasabi
Ako na ngayon ang namamahala sa mansion namin at sa mga company na pinaghirapan ni papa. Ang mga magulang ko ay namumuhay ng simple sa hacienda namin sa may Nueva Ecija.
Malungkot ang mga ito sa nangyari sa akin. Nguni' t natanggap naman nila. Maging ang mga magulang ni Cheska
Agad na inihanda nila nanay mercy ang aking almusal. Bacon and ham. Puta.
Naiiyak na naman ako. Yan ang huli nyang niluto sakin.
" sir ? ba--"
" Palitan nyo ang almusal ngayon din "
Dagdag ni nanay mercy.Alam ni Nanay mercy ang nangyari sa akin dahil simula bata pa lang ako ay nasa serbisyo na si nanay. Sobrang pinagkakatiwalaan namin sya ng aking pamilya kaya sya na rin ang namumuno sa mga bagong trabahador sa mansion.
" It's okay nanay ! Kakainin ko yan para hindi sayang besides luto mo naman yan." nakangiting sabi ko sa matanda.
Iba iba ang variety ng almusal ko. Parang fiesta. Samantalang ako lng naman ang kakain
" Samahan nyo ako sa pagkain. Malungkot kumain na magisa." nakangiting sabi ko sa kanila.
Nag-aalangan man sila. Alam kong nararamdaman nila ang lungkot ko kaya agad na umupo ang mga trabahador.
Nandito sila nanay Mercy , tatay Ador, nanay Flor , ate Mae at marami pang iba. Puro masasayang kuwentuhan . Masaya pero may kulang.
---
" Sir Nathan , gising na po. Nandito na tayo sa Global Technologies " gising ni tatay Ador sa akin .
Nakatulog na naman ako.
" Salamat tatay Ador " niyakap ko sya. Parang tatay ko na rin kase to. Isa sa mga nakasama ko simula nung bata ako. Mas matanda lang ng kaunti si nanay mercy sa kanya
BINABASA MO ANG
The Time before my Present
RomanceOnce upon a time, there was a couple who really love each other. But this is not a fairy tale. The girl died literally and he died emotionally. Their "happily ever after" doesn't exist anymore. After some years, he met a girl who can make him happy...