Chapter 11: Bonding

10 0 0
                                    

Nathan's POV

Maganda ang panahon ngayon, maganda para sa date -- este sa meeting namin ni Zyx.

Ang number 1 rule namin everytime na may papasok na bago sa company namin ay magkaroon ng bonding. Need ng interaction kumbaga.

Napili ko na mamasyal sa EK. Wala lang. Para in case na matakot si Zyx, may pagkakapitan dyang braso mwuehehe.

Naiready na ang mga gagamitin ko. May dala rin kaming adobo, fried chicken, chicken curry, at sinigang na Hipon.

Nasabi ko na rin sa secretary si zyx ang plano namin ngayon. So nakahanda na rin sila. Excited na ko sa yaka--- sa bonding ng board members

Pagkadating sa Global Company, lahat sila nakatingin sakin. Teka ano meron??

"Napakaaga para bukas?!" bungad ni Zyx.

"Huh? Mag si-6 pa lang ah" tanggol ko sa sarili ko.

"Matalino ka sana kaso OBOB ka pala.  Check mo relos mo" bored na sabi ni Angel.

"6 pa nga-- Oh shit 9 na pala" Ang tanga kooooo. Baliktad yung relos ko.

"Sorry na guy--" dinaanan lang ako ni Zyx.

"Tsk, yari ka Sir. Ayaw pa naman ni Ma'am Zyx ng late dahil para sa kanya, mahalaga ang oras" pangaasar nung babaeng espasol.

"Aww, hindi makakatabi si Ma'am hoho" pangbubwisit nitong nerd na to

Ughhh!! Ang tanga tanga mo talaga Nathan!

Dumeretso na lang ako sa sasakyan. Uupo sana ako sa tabi ni Zyx kaso nakakatakot yung aura nya. Mamaya na lang pala hehe.

Habang tahimik ako, naririnig kong nagtatawanan sila. Maging si zyx napapatawa nung nerd na yun.

"Tingnan mo to o, bubuka (bobo ka)" sabi ni nerd kay espasol habang nakaturo sa relos.

"Hindi naman bumubuka eh! Ginogoyo mo ata ako e." bwisit na sagot ni espasol.

"Tingnan mo nga to, bubuka kase" seryosong sabi ni nerd

Tinitigan ulit ito ni espasol

"Inggit ka sa kanila no?" singit ng katabi ko

"Hind-----" di ko na natuloy yung sasabihin ko nang humagalpak sa tawa si Zyx

" HAHAAHHA, BUBUKA NGA KASE." tawang tawa si zyx. Nakahawak pa sa tyan na.

Awww ang cute ng be- wala nvm.

"Ma'am, asan po ba kase yung bubuka? Di ko talaga kayo magets, leche!" reklamo ni secretary

"Di mo mag-gets kase b-bubuka nga haha"  natatawa pa ring sabi nito.

Teka! bubuka? Meaning Bobo ka. Nagets ko rin

"HAHAHA BOBO KA DAW" singit ko

Pero imbes na matawa sila ay parang hangin lang ako na dumaan.

"Tutulog na muna ako, may biglang nagsasalita e." asar na sabi ni Zyx

"Ma'am, bobo ako?" 'di makamove on na sabi nung secretary

Galit pa rin sya sa'kin. Ano ba gagawin ko?

(A/N: ayusin mo relos mo)

Nakarating kami ng 11:00 am sa EK. Agad akong bumaba at dumeretso para kunin ang mga entrance ticket namin.

Medyo naiinis na rin ako kase ang cold ng pakikitungo nila sa akin. Pwera lang kay Zyx syempre.

Bago ako bumalik, naghanap hanap muna ako ng pwedeng ibigay sa kanya para mabawasan man lang ang inis nya. Sad to say pero wala.

The Time before my PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon