chapter 10: His past

12 0 0
                                    

Zyx POV

Napatingin na lamang ako sa kanya habang naglalakad palayo. Tumahimik rin ang kaninang mga makukulit na nasa loob ng kwarto.

" Ikaw kase eh!" bulyaw ng medyo may edad na babae doon sa nagbanggit ng pangalan nung Cheska.

" Nanay Mercy, akala ko po kase okay na kay sir na wala si ma'am. Akala ko tanggap na nya" katuwiran nito.

" May kasalanan din tayo. Ipapakilala lang satin yung kasama nyang babae, naghiyawan na tayo"

"Ngayon lang ulit kase tayo may nakitang kasama si Sir Nathan tapos maganda pa "

Nakalimutan ata nilang nasa loob ako ng kwarto.

" Ahh eh Adore, nandito po yung babaen-- "  sabi ni Nanay Mercy ba yon?

" Oo na maganda naman kase talaga yung babae. Maamo ang mukha tapos iba yung---- aray ! "

Hindi na natuloy ni tatay Ador ang sasabihin  dahil sa paghampas ng kanyang katabi.

Napatingin sakin si tatay. Ngumiti at nagpatay malisya.

" Magandang Araw po. Pasensya na po  at narinig nyo pa ang pinaguusapan namin. " paghingi nila ng dispensa

" Okay lang po" nginitian ko sila para hindi maging awkwward " kumusta na po kayo? "

" Okay naman kami Iha. Nga pala ano ang pangalan mo? "

" Zyx po, kapartner ni Nathan " sabay lahad ng kamay ko.

" For life  ? " tanong ni Nanay
" sa Kumpanya po hehe"

Nagpakilala rin sila sa akin. Si Nanay Mercy , Tatay Ador, Nanay Rosa, Ailyn at Toto.

Napagkwentuhan namin na talaga palang na food poison sila dahil napagkamalan ni Nathan na harina ang Gawgaw.

" Nga pala , aling Rosa sino po ba si Cheska ? " pagiiba ko ng usapan

" Iha ganito kase yan , hindi ko na papahabain dahil ayokong magalit si Sir Nathan sa akin. Si cheska ang Fiance ni Sir Nathan , 5 years ago. Pero sa kasamaang palad, namatay ito dahil sa h------ "

Agad na iniba ni Tatay Ador ang usapan nang mapansing papasok na si Nathan sa Kwarto.

" Dahil sa Hapunan na niluto  ni Sir Nathan kaya kami nalason haha "

" Sabi ko nga Huwag na magluto kaso mapilit yun tuloy ,ang aming tyan ay namilipit diba sir ?" natatawa ngunit nagaalalang sabi ni Nanay Mercy.

Ngumiti lamang si Nathan. Halata sa kanyang mga mata ang lungkot na nadarama. Ganoon ba talaga nya kamahal si Cheska ?

---

Dahil sa nangyari , minabuti na lamang namin na umalis.

"pasensya ka na sa nangyari kanina. Rule ko kase sa kanila na wag nang babanggitin si Cheska " matamlay na sabi nito habang nagmamaneho.

Gusto ko sana na itanong kung sino si Cheska kaso hindi pa ito ang tamang oras.

" Alam mo ba napakabuting tao nun. Si cheska ? Yun yung mapapangasawa ko dapat. 5 yrs ago nagpropose ako sa kanya. Sobrang saya namin noong oras na yun. Yun nga lang, dahil sa katangahan ko at dahil sa hos----- " habang nagkukwento ito , hindi namin namalayan na may truck na palang paparating.

Malakas na busina ang narinig namin. Tila tulala si Nathan sa nangyayari

" Nathan ! Itabi mo babangga na tayo ! " sigaw ko sa kanya para bumalik sya sa wisyo.

Naiiwas naman nya ang sasakyan  pero dala ng gulat at kaba, naiyak na lang ako

" A-Akala ko m-mamatay na tayo " nanginginig na sabi ko sa kanya.

The Time before my PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon