Chapter 5: Rejection.

2 0 0
                                    

Nathan's POV

Naririnig ko ang kabog sa dibdib ko. Masyado akong nagiisip . OA man pero isa kase ito sa makakatulong sa kompanya namin.

"Uhmmm sir Nathan?" tawag sa akin ng sekretarya ko. Nabalik ako sa wisyo pero hanggang ngayon ay  pinagpapawisan pa rin ako.

"S-sorry. Dont mind me. " nauutal na sabi ko.

Agad siyang pumwesto sa uupuan nya at inihanda ang mga papeles na hindi ko alam kung ano ang nilalaman. Boss na boss talaga sya kung titingnan kahit na masyado syang bata para sa posisyon nya.

" So--" magsasalita pa lamang ako pero sumabat na agad sya.

" What do you want ? Alam ko naman na ang tungkol sa kompanya nyo. No need for an explanation. Pero ano ang kailangan nyo sa TOP company? " deretsong sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

Parang binabasa nya ang nasa isip ko dahil sa titig na ginawa nya sa akin.

" Kailangan namin ang kompanya niyo dahil sa ganda ng serbisyong binibigay nyo , mapa transportation man ang usapan or communication.  TOP company ang nangunguna sa Asya pagdating sa ganitong bagay kaya sigurado ako na malaki ang magiging impact nito sa industriya kapag magkasama tayo " tanging sabi ko sa kanya.

Ang seryoso naman nito

" Ano naman ang mapapakinabangan ko sa inyo" nakangiting sabi nya sakin. Habang nakapangalumbabang nagoobserba sa paligid.

" Sabihin na nating nangunguna din ang kompanya ko pagdating sa teknolohiya. Sigurado akong kailangan ng kompanya nyo ng mga teknolohiya na magpapalago ng transportasyon at komunikasyon, bukod dito pwede akong magsupply sa inyo ng mga teknolohiya ng libre" Paliwanag ko sa kanya .

"Yun lang ?" simpleng sagot nito sakin.

" Bukod dito , malaki ang kinikita namin kaya pwede tayong magtulungan financially lalo na  kung kailangan natin maginvest ng malaking pera "  dagdag ko .

Kailangan kong makuha ang matamis nyang OO . Ayoko na dito lang sa Asya kilala ang Global Technologies. Gusto rin namin na makatulong sa iba . Lalo na sa mahihirap na bansa.

" Maggagamitan tayo? Tama ba ? Pakikinabangan natin ang isa isa " paninigurado nya.

" Oo" tipid na sagot ko

"Very well said ." maikling sagot nya sakin. Napakatipid naman nitong magsalita.

"Then I guess pumapayag ka na makisosyo sakin tama ba ?" confident na sabi ko sa kanya sabay  lahad ng kamay ko para makipagshake hands

Nakatingin lang ang board members ko at umaasa na mapapayag ko siya dahil sa mga sinabi ko.

" Not so fast Mr. Nathan" sabay tayo sa kanyang inuupuan. Hindi nya tinanggap ang kamay ko kaya parang napahiya ako sa lahat ng kasama namin.

Tinalikuran nya ako at naglakad
papalapit sa pinto. Muli syang tumingin sakin at saka ngumiti ng pagka tamis tamis

" Bago mo tulungan ang iba . Tulungan mo muna ang sarili  mo para  maging mabuting tao " aniya saka kinuha ang kontrata at pinunit sa harapan ko.

" Learn some respect "  huli nyang sinabi sa akin bago tuluyang lumisan .

Putang Ina ngayon lang ako nareject . Anong gagawin ko. Try kong maghanap ng ibang kompanya.

" Mico , bukod sa TOP Company, may iba pa bang pwedeng maging kapartner natin?" mabilis na tanong ko sa kanya.

" Sir , may iba pa naman pong existing company , ang problema lang ay hindi maganda ang mga komento ng tao sa kanila. Puro TOP Company ang gusto nila dahil nalalagpasan nito ang expectations ng mga consumer" paliwanag sakin ni Mico .

The Time before my PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon