Nathan's POV
Pauwi na ako ngayon galing sa charity. Ang sarap pala sa feeling na tumulong sa mga nangangailangan.
Ang una gusto ko lang makuha yung oo ni Zyx pero yung ginawa ko kanina , hindi lang pala para maging kapartner ko si zyx sa company. Nung makita ko yung mga ngiti nila , sobrang nakakagaan ng kalooban. Matagal din bago ko maramdaman ito.
Habang nagmamaneho pauwi agad akong tumawag kila nanay Mercy Para matulungan nila ako sa problema ko.
Ipinarada ko na ang sasakyan at dumeretso sa kysina para malutas ang problema ko.
" Buti naman at dumating ka na Sir Nathan !!! Ito na ang mga kailangan mo "
Agad kong nakita ang lahat ng mga rekados na gagamitin ko sa pagluluto.
Yes tama kayo ng hinala , magpapractice akong magluto para sa mga bata. Hindi naman ako kagaya ng iba na sinusunog na ang kusina sa tuwing nagluluto. Sadyang naging busy lang ako kaya di ko naimprove ang pagluluto .
Naghiwa ako ng mga gulay , isda at kung ano ano sa para sa mga lulutuin ko ngayong gabi.
Una kong niluto ang sinigang na hipon pangalawa ang adobo tapos ay chopseuy.
Pinaghalo halo ko lahat ng rekados. Pinrito ko pa nga yung hipon bago isigang nagmukha tuloy sinigang na okoy.
Tapos yung chopsuey naman nilagyan ko ng harina para lumapot.
Yung adobo naman pinirito ko yung manok at saka ako gumawa ng sauce then pinagsama. Dinidikdikan ko ito ng bawang at sili then nilagyan ko ng asukal para maglaban ang asim alat at tamis.
" Hala sir lantakan na natin yan !!! " sabi nila sa akin habang naghahanda ng mga pinggan.
Oo pinggan lang kakamayin kase namin ung sabaw haha.
Sabay sabay kaming kumain , ang sarap nga ng hipon pati ung ulo nito nakapakamalinamnam ,sinipsip ko pa nga eh.
Maraming kumain ng chopsuey , naubusan nila ako kaya di ko na natikman , yung adobo ko masasabi ko na masarap talaga.
Pagtayo ko dederetso na sana ako sa cr ng magunahan ang mga kasambahay
Puta marami namang cr samin pero bakit sa cr na pupuntahan ko sila pupunta
" Sir puta sumakit yung tyan ko " mura nung isang maid. Nakalimutan nya atang amo ako
" Sir nathan yung Chospuey mo bakit ganun ?! " pasigaw naman na sabi nito.
Puro reklamo sila sa chopsuey ko , samantalang masarap naman.
"ahhhh , nilagyan ko po nung harina malapit dun " sabay turo ko dun sa pink bottle na malapit sa oven.
" ang sarap diba ? " nakangiting sabi ko
" Sir Hindi po harina yun ! " agad na sabi nung hardenero namin.
" Ano ! ? Kung ganun ano yon ????? Nathan nako , Hwag na hwag ka na ulit magluluto ---" pahabol ni nanay mercy bago isara ng malakas ang pintuan ng Cr .
Teka ano ba ginawa ko ?
----
Kinaumagahan agad kong inihanda ang mga dadalhin ko sa charity. Remember 1 week akong servant dun. Magpapaalam na sana ako sa mga kasama ko kaso napansin kong walang tao sa sala o sa kahit saan . Mukhang nasa kwarto pa rin sila.
Agad akong nagtungo sa kwarto nila para alamin kung ano ang ginagawa nila. Puta bes lahat sila namimilipit sa sakit ng tyan.
Ano ba kaseng kinain nila ? Masarap naman yung ulam na ginawa ko?
BINABASA MO ANG
The Time before my Present
RomanceOnce upon a time, there was a couple who really love each other. But this is not a fairy tale. The girl died literally and he died emotionally. Their "happily ever after" doesn't exist anymore. After some years, he met a girl who can make him happy...