BM 1: AKO?

8.9K 272 15
                                    

Lia's POV

"ATEEEEE! ANONG ORAS NA BUMANGON KANA!"

Haist! Ang aga naman mambulabog nitong kapatid ko.

"Anong oras naba?". Tanong ko.
"8 am na! Si nanay kailangan na niya ng katulong para magbuhat ng mga paninda papunta sa palengke!" Sagot niya.
Napabangon naman ako at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili, pinuntahan ko na si nanay. Nasa sala na siya at handang-handa na.

"Tara na anak, para makarami tayo ng benta." Sabi ni nanay kaya tumango nalang ako. Tinulungan ko siyang buhatin ang ibang mga gulay. "Jose, ikaw muna ang bahala dito sa bahay at ang kapatid mo wag mong pababayaan" Utos ni nanay sa pangalawa kong kapatid.

"Opo,nay." Sagot naman nito kaya umalis na kami ni nanay. Dumaan muna kami sa karinderya ni Aling Bobay para kumain ng lugaw bago dumeretso sa tindahan. Maghapon lang kami doon, tawag ng Customers, asikaso ng paninda, paulit-ulit lang.

"Nay, ayos ka lang?"
Nag aalala akong lumapit sa kanya ng maupo siya habang sapo ang kanyang ulo.
"Medyo anak, nahilo lang ako."

"Umuwi nalang tayo ng maaga nay para makapagpahinga ka na."
Inabutan ko siya ng bottled water.

"Nako hindi anak, kailangan nating kumita para sa lunes makapasok ka na. Mag iisang linggo kanang absent"
Sagot niya na nauubo pa.

"Nay, wag niyo na po akong alalahanin. Sa sabado po maghahanap na ulit ako ng trabaho." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Pasensya kana anak ha, mas humirap ang buhay natin ng mamatay ang tatay niyo." Agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Ano ka ba nay, ayos lang no. Sanay naman na ako sa hirap." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. Hanggat maaari ayaw kong ipakita sa kanya na nahihirapan narin ako. Tumango naman siya at tumayo na.

"Tara na, ipagpatuloy na natin ang pagtitinda."

"Siguradong kaya mo na, nay?"
Paninigurado ko pa. Tumango naman siya.

"Para sa inyo lahat kakayanin ko."
Sabay kindat niya. Ihh! Yan ang nanay ko! Matapang!

7pm palang ng maisipan na naming magsarado ni nanay para umuwi.
Naglalakad na kami malapit sa bahay ng makita naming nagkakagulo ang mga tao.

"Anong nangyayari? Bakit ang daming tao?" Nagtataka kong tanong na sinagot lang ni nanay ng kibit balikat.
"Halika magtanong tayo."
Sabi pa niya kaya lumapit kami kay Aling bobay na isa sa mga nakikiusyoso.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon