BM 20: BUHAY SIYA?!

2.2K 73 4
                                    


Eve's POV

"Simulan na natin ang totoong laban"
Sambit ko. Ngumisi naman siya at nauna ng sumugod.

Habang pasugod siya sakin ay unti-unti siyang dumadami. Isa, dalawa, Tatlo, apat, Lima. Limang Veronica ang lumabas sa katawan niya na may hawak-hawak na latigong nag aapoy gaya niya. Pinalibutan nila ako at Isa-isang sumugod.

Inihampas sa akin ng isa ang kanyang latigo na agad ko namang naiwasan. Mabalis akong nawala sa harap niya at sumulpot ng mas malapit sa mukha niya  at agad siyang sinalubong ng sakal. Piniga ko ang leeg niya hanggang sa maramdaman ko ang pagkaputol ng ugat sa leeg niya. Natumba siya sa lapag ng nakatirik ang mata.

Naramdaman ko naman sa likod ko na may nakaamba sa aking latigo kaya mabilis akong naglaho at sumulpot sa likod siya. Buong lakas kong hinila ang Buhok niya hanggang sa makapantay ko ang mukha niya. Mabilis kong siniko ang leeg niya dahilan para mabali ito at bumagsak din siya sa sahig. Hindi pa ako nakontento at tinapakan ko ng malakas ang mukha niya bago binalingan ng tingin ang tatlo na nakatingin lang sakin na nanlalaki ang mga mata.

Naglakad ako palapit sa kanila at napangisi ng makita silang umatras ng kaunti.

"Bakit? Natatakot na ba kayo?"
Panunuya ko sa kanila.

"Asa ka!"
Sigaw ng isa sa kanila at mabilis akong sinugod.

Iniamba niya rin sa akin ang hawak niyang latigo at imbis na iwasan iyon ay mabilis kong hinawakan ang dulo at buong lakas na hinila dahilan para mapalapit siya sakin.

"Goodbye"
Sambit ko at malakas kong ibinaon sa mukha niya ang kamao ko. Bumabsak siya sa sahig at naiwan sa kamay ko ang latigo niya.

Hinarap ko naman ang dalawa pang natitira.
Inihampos ko sa hangin ang latigong hawak ko para ipamukha sa kanila na ito ang gagamitin ko sa kanila.

"Aaaaah!"
Sigaw nila at sabay na sumugod sa akin.
Paulit-ulit nilang inihampas sa akin ang hawak nilang latigo na mabilis ko lang na iniiwasan.

Napahinto ako sandali ng makaramdam ako ng bigat sa loob ko.

'Kailangan ko ng tapusin ito'

_______

Third person's Pov

Napansin naman ng dalawa ang paghinto ni Eve kaya ginamit nila ang pagkakataon para muli itong paulanan ng latigo pero bago pa man ito lumapat sa babae ay mabilis itong nawala.  Napahinto naman ang dalawa at naging alerto. Nagpalinga linga ang mga ito sa paligid, pinakikiramdaman kung saan ito susulpot.

Ngunit natigilan ang tunay na Veronica na nagkukubli sa isang tabi ng may maramdaman siyang mabigat na presensya sa kanyang likuran.

"You can't fool me"
Malamig na sambit ni Eve at mabilis na binigwasan sa likod si Veronica gamit ang latigong hawak bago pa man ito maka aksyon.

Napa inda si Veronica ng sumalampak ito sa sahig pero agad din itong bumangon at hinarap si Eve.

"I know. Gusto lang kitang pag laruan bago kita patayin at syempre pasalamatan narin dahil sa ginawa mo, hindi na ako mahihirapang lipunin silang lahat."
Sagot ni Veronica na bakas ang pagkatuwa pero hindi non naapektuhan si Eve.

"Walang anuman, pero wag ka munang mag saya dahil nandito pa ako."
Sagot ni Eve na nananatiling seryoso.

Ngumisi lang si veronica at mabilis na sinugod ang dalaga. Nag labas siya ng latigo sa magkabilang kamay at iwinasiwas ito sa hangin na parang nag yayabang.

Palit palitan niya itong inihampas kay Eve na mabilis na nawala sa harap niya at biglang sumulpot sa gilid niya.

"I can't wait to see you die"
Natigilan naman si Veronica ng maramdaman ang palad ni Eve na nasa dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon