BM 19: STUPID!

2.2K 72 3
                                    


Third person's POV

Pagkarating ng Grupo nila Veronica sa Darkside ay wala ng nagawa ang mga Darksidian. Ni hindi magawang tignan ni Astro ang mga kasamahan na unti-unting hinihigop ang mga kaluluwa tulad ng nangyari sa mga wolfians.

"A-astro"
Tawag pansin ni Heiler sa lalaki na wala paring imik.

Parehas silang nakagapos pero magkahiwalay sa isa't-isa. Isinama nila si Heiler para gamiting panakot kay astro na talaga namang matalab.

"S-sorry, kung dahil sakin wala kang magawa"
Hindi na napigilan ni Heiler ang maluha.

"Don't cry. Alam mo namang kaya kong gawin ang lahat para sayo."
Sagot ni Astro ng hindi manlang nililingon ang dalaga.
"Kahit pa matinding maghihirap ang danasin ko"
Dugtong pa nito na mas lalong nagpaiyak sa dalaga.

"P-pero bakit nagawa mo akong saktan? B-bakit mo ako iniwan?"
Puno ng hinanakit nitong tanong pero hindi na muling sumagot ang binata.

"Nice view."
Napalingon si Heiler kay Veronica na kararating lang.

"Nasaan na sila Anna?!"
Galit na sigaw ni Heiler.

"Kailangan mo pabang hanapin ang patay na?"
Natatawang balik tanong ni Veronica.

"Hayop kayo! Mga demonyo!"
Singhal pa ng dalaga pero natawa lang si veronica.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, wala na kayong magagawa!"
-Veronica

"Nasaan na sila?"
Tanong ni Eve na bigla nalang sumulpot.

"Nasa Center Crown tulad ng sinabi mo"
Sagot ni Veronica.

"Tumungo na tayo doon"
Sagot lang ni Eve ng walang ka gana gana.

'Parang may kakaiba sa kanya'
Sa isip ni Heiler habang pinag mamasdan si Eve na naglalakad na palayo.

"Dalhin ang mga 'yan"
Utos ni Veronica sa kanyang mga alagad. Agad namang Kinaladkad sina Astro at Heiler ng mga ito patungo sa Center Crown.

______ CENTER CROWN

Nagkakagulo na ang lahat ng mabalitaan ang nangyari sa tatlong Rehiyon. Ngunit sa kabila non ay mayroon paring malalakas ang loob na handang lumaban. Nagtipon tipon ang mga ito sa Crown Mansion kung saan naninirahan ang dati nilang pinuno na si Evelia. Umaasa na muling magbabalik ang babae para iligtas sila.

"Shou! Anak!"
Salubong sa kanya ng mom niya pero natigilan ang mga ito ng makita kung sino ang buhat-buhat ng binata.

"A-anna"
Sambit ng dad niya at agad na tinakbo ng mga ito si Shou.

"Shou! A-anong nangyari sa kapatid mo?!"
Galit na sigaw ng mom ni Shou na naluluha na.
Halos hindi makasagot si shou dahil tulala lang ito at panay tulo ng luha. Tuluyan ng napahagulgol ang mag asawa ng makumpirmang patay na ang kanilang anak.

"Anna!"
Palahaw ng mga ito. Maging sila Creya ay naiyak narin.

"P-patawad m-mom, Dad. W-wala akong nagawa"
Puno ng hinanakit na sambit ni shou na mas lalong nakapag paiyak sa mga magulang niya.

"A-ano bang nangyari?"
Naguguluhang tanong ni Crey.

"Ilang sandali lang nandirito na ang mga Helliusan. Tayo ang huli nilang sasakupin"
Wala sa sariling sagot ni Sastria na tulad ni shou ay tulala rin. Nakaalalay sa kanya si Flinn dahil hirap ito sa pag galaw.

"S-sasakupin?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Oria kaya tumango lang ito.

"Paano na? Anong gagawin natin?"
-Gavin.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon