BM 23: Double Kill (wala me maisip eh😂)

2.3K 66 4
                                    

Evelia's POV

"Shou"
Tawag pansin ko kay shou na nakahiga sa kanyang kama. Nakatakip ang braso niya sa kanyang mga mata pero ramdam ko na gising pa siya kaya naglakad ako palapit sa kanya at nahiga sa tabi niya.

"Namiss kita mahal ko"
Sambit ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Bakit ang tagal mong nawala? Bakit hindi mo sinabi sa aking may kambal ka?"
Tanong nito at tinanggal ang braso sa pagkakatakip bago naupo. Napaupo narin ako at hinarap siya.

"Wala kaba kanina sa party? Pinaliwanag ko na iyon"
Sagot ko na may inis sa tono.

"Magkamukhang magkamukha kayo to the point na napagkamalan ko pa siyang ikaw!"
Nagulat ako ng magtaas ito ng boses.

"Kaya hindi ko siya pinakilala sa inyo dahil ayaw ko siyang mapahamak! Pwede siyang gamitin ng mga kalaban ko sakin."
Dahilan ko na medyo nilihis ang sagot.

"Bakit mo siya pinatay?"
Tanong pa niya kaya mas lalo akong naiinis.

"Dahil masama siya! Ginamit niya sa kasamaan ang kapangyarihan na ibinigay ko sa kanya!"
Hindi ko narin napigilang magtaas ng boses.
"Bakit tungkol nalang sa kanya ang tinatanong mo? Hindi mo manlang ba ako kukumustahin? Hindi ka manlang ba nag alala sa akin?"
Tanong ko na puno ng hinanakit dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Hindi ko lang maiwasang isipin"
Sandali itong tumigil para titigan ako ng seryoso. Ako naman ay hinihintay lang ang sasabihin niya.

"Kalimutan mo na"
Sabi nalamang nito at muling humiga.

"Hindi mo na ba ako mahal?"
Tanong ko na alam kong ikinatigil niya.
"Sagutin mo ako. Mahal mo paba ako?"

Napatingin siya sakin pero wala paring expression ang mukha niya.

"Hayaan mo muna ako"
Sagot nito sa malamig na tono.

No way! Akin ka lang Shou. Akin kalang.

______ Kinabukasan

Shou's POV

Narito ako ngayon sa verandah ng kwarto ko. Sikat na sikat ang araw at napakagandang tignan ng paligid pero hindi ko magawang mag relax.

Paulit-ulit, paulit-ulit kong nakikita sa isip ko ang mukha ni Eve (everlia). Dapat masaya na akong bumalik na si Evelia pero bakit hindi?

Ano nabang nangyayari sakin? Ano ba itong nararamdaman ko?

Narinig kong may kumatok sa pinto pero hindi ko iyon pinansin. Narinig ko pang bumukas iyon.

"Shou"
Tawag sakin. I know it's Flinn.

"We need to talk"
Sabi pa nito at naglakad palapit sakin kaya nilingon ko siya.

"I'm not in the mood--"

"It's important."
Putol niya sa sagot ko.

"Then get straight to the point"
Sagot ko pa na deretso lang ang tingin sa kanya. May dinukot siya sa kanyang bulsa pagkatapos ay inilahad sa harap ko ang palad niya.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita kung anong nasa palad niya.

It was the ring that i gave to eve 10 years ago.
May bakas pa ng dugo iyon.

"Where did you get that?!"
Gulat kong tanong.

_________

Evelia's POV

Naglalakad ako sa garden ng may masalubong akong babae. Purong puti ang mga mata niya na parang isang bulag, mag isa lang siya.

"Binibini, anong ginagawa mo dito ng mag isa?"
Tanong ko sa kanya sa malambing na tono.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon