BM 6: MY WIFE.

5.3K 144 6
                                    

Anna's POV

"Kuya"
Tawag pansin ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon samin.

Siguro siya ang may pakana nito, hindi naman iyon gagawin ni Kuya Jax kung hindi niya iuutos!

"Gising kana pala"
Sabay ngiti nito ng mapalad.

^_________^ <---- kuya

O.O <--- me

What the? He smiled? Seriously?

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit paba sayo?"
Tanong niya na may halong pag aalala.

May sakit ba ang kuya ko? O.o

"K-kuya, dapat naba kitang isugod kay Heiler?"
Hindi ko maiwasang tanong. Kanina lang kasi ang seryoso niya nung kaharap niya si Ate eve tapos ngayon makangiti siya wagas!

Kay Heiler ko paba siya dadalhin o deretso na sa mental?

At ang ikinagulat ko pa lumingon siya sakin ng nakangiti parin. Lagi kasi yang seryoso kahit ako pa ang kausap niya, hindi mo nga agad malalaman na nagjo-joke na pala siya kasi seryoso parin yung mukha niya -_-

Pero in fairness! Ang pogi ng kuya ko!!! ♡.♡

"Please guide her to dining area, Anna. Hintayin niyo nalang ako doon."
bumalik na ito sa ginagawa at hindi manlang pinansin ang sinabi ko.

What the heck! Please?
Sinapian ba itong kuya ko?!!!

"Go, Anna"
Napansin niya yatang nandito pa kami. Tsk, nadi-distract kasi ako sa mga kinikilos at pinagsasabi niya! Maloloka yata ako.

"Tara na sa dining area ate"
Hinawakan ko na siya sa braso pero nagulat ako ng tanggalin niya iyon.

"Ate"
Hindi ko maiwasang mag alala.

"S-sino kayo? Nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?!. S-sino ba ako?"
Maluha-luha niyang tanong habang papalit palit ang tingin niya samin ni kuya.

Napalunok naman ako at nilingon si kuya na nakatingin na pala samin.

Siya ang dapat na magpaliwanag dahil siya naman ang may kagagawan nito! Ano naman kayang idadahilan niya? Hindi naman niya pwedeng sabihin na 'binura ko ang alaala mo' dahil paniguradong mag wawala itong si Ate Eve. Sino ba namang hindi diba? Bukod sa binura ang alaala niya sinong normal na tao ang gagawa non?

"You're Eve and you're my wife."
For the second time nanlalaking mata ko siyang nilingon. Feeling ko talaga luluwa na yung mata ko sa panlalaki eh. Lalo na ng makita ko ang lungkot sa mukha niya.

"W-wife?"
Hindi makapaniwalang tanong ni ate eve kaya napalingon ako sa kanya.

Titig na titig siya kay kuya at si kuya ganon din sa kanya. This time ako naman ang Palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Yes, Honey. Naaksidente ka kaya nakalimutan mo lahat......pati ako"
Dama ko ang paglungkot ng boses niya Kahit naka poker face siya.

Ano nanaman 'tong drama ng kuya ko? Atsaka kelan pa siya naging actor? -_^

"I-im sorry"
Pati si Ate Eve ang lungkot na din. So naaapektuhan siya sa sinasabi ni kuya na puro naman kasinungalingan? Tsk. Naaawa ako kay Ate eve.

"It's okay honey, we can make a new memories together. Mas masaya kumpara noon. "
Sabay ngiti niya ng mapait. Bakit pakiramdam ko may pinag huhugutan siya?
Bakit ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya?

Napatingin ako kay ate eve ng magsimula siyang humakbang hanggang sa naging takbo na iyon, palapit kay kuya at bigla nalang itong niyakap.

"I'm really s-sorry."
Sabi nito na umiiyak na.

"Shhh. It's okay."

__________

Matapos ang dramahan nila sa kitchen pumunta na kami sa Dining at talagang nakakagulat si kuya, akalain mo siya lahat naghain ng pagkain sa mesa tapos pinag sandukan pa niya si Ate Eve ng pagkain. Si ate eve naman ayun namumula.

Kung hindi ko lang alam na kasinungalingan lahat ng sinabi ni kuya malamang mamatay matay nako dito sa kilig! Kaso hindi eh, kalokohan lang lahat. :(

Nakatingin lang ako sa kanila buong hapunan. Nasa center si kuya, sa right side niya si ate while me nasa left niya.
Sila lang ang nag uusap ni ate eve, tahimik ko lang silang pinagmamasdan at nakikinig sa mga kasinungalingan ni kuya.

Nagi-guilty ako pero wala akong karapatang magsabi ng totoo. Dapat si kuya mismo ang umamin sa mga kasinungalingan niya once na dumating na ang panahon na 'yon. Dahil sabi nga nila walang lihim na hindi nabubunyag so hindi habang buhay maitatago niya kay ate Eve ang ginawa niya.

Matapos naming mag hapunan ay umakyat na ulit sa kwarto si ate eve kaya kaming dalawa ang narito ngayon sa kitchen.

"Why did you do that?"
Seryoso kong tanong sa kanya. Busy siya sa paghuhugas kaya hindi manlang niya ako nilingon.

"Binura niyo na ang alaala niya tapos pinaniwala mo pa siya sa isang kasinungalingan."
Hindi ko mapigilan ang inis ko. Babae rin ako kaya alam ko ang pakiramdam ng paniwalain sa isang kasinungalingan.

"Just go with the flow"
Kalmado niyang sagot ng hindi parin ako nililingon.

"What flow? Ano ba talagang dahilan at nandito siya? Hindi ako nagtanong ng kahit ano ng dalhin niyo siya dito, pero hindi na ako mananahimik pagkatapos ng ginawa niyo sa kanya!"

"Paano kung malaman ito nila mom? Sa tingin mo matutuwa sila? Isang mortal ang dinala mo dito kuya!"
Singhal ko pa sa kanya dahilan para matigil siya sa ginagawa niya.

Huminga siya ng malalim bago ako hinarap.

"Listen, Anna. Huwag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko."
Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Umiwas na siya ng tingin tsaka tuluyang umalis ng kitchen.

Tama ba ang narinig ko?

Anong ibig niyang sabihin?

_____

PLEASE VOTE AND COMMENT <3

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon