BM 27: WAR!

2.5K 63 1
                                    


Third person's POV

Natigilan ang lahat ng makita ang unti-unting pagbabago ng kalangitan, nagmistulan itong dugo sa sobrang pula.

"Ano na kayang mangyayari?"
Nag aalalang tanong ng ama ni Ron.

"Hindi ko lubos akalain na magagawa iyon ni Master Evelia. Tama si Viola, kung sino pa ang inaasahan nating magliligtas sa atin ay siya pang magdudulot ng malagim na katapusan"
Dugtong pa nito kaya muling natigilan ang lahat.

____

Samantala, sa mundo ng mga mortal ay nasa ilalim ng hukay si Viola. Nakapikit ito na tila mahimbing na natutulog

____

Naglabas ng apoy sa kanang kamay si Evelia at kuryente naman sa kaliwang kamay.

Napangisi naman si Everlia at ginaya ang ginawa ng kakambal dahilan para mainis ito.

Itinira niya ang apoy sa kaliwang kamay na agad ding sinalubong ni Everlia ng apoy.
Sinunod naman ni Evelia ang kuryente at tulad ng apoy ay nagharap din ang dalawang kuryente.

Patigasan ang dalawa, walang bumibitaw.
Mas lalong idiniin ni Evelia ang kamay para lamunin ang kapangyarihan ni Everlia pero ganon din ang ginawa nito.

"Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko!"
Sa sobrang galit ay bigla nalang itong nawala kaya agad na naalerto si Everlia.
Pinakiramdaman niya ang paligid hanggang sa mapaharap siya sa kanyang likuran pero huli na dahil mabilis na tumama sa kanya ang apoy at ang kuryente.

Tumalsik siya sa isang bato dahilan para mapaungol siya sa sakit.
Halos masunog ang itim niyang bistida dahilan para lumamtad ang kalahati ng dibidb niya at bewang.

"Sexy"
Sambit ni evelia ng makita ang itsura ng kambal.

"I know right"
Sagot ni everlia ng makatayo siya.
Pinunasan niya ng braso ang dugo na tumulo sa bibig niya.

"Everlia!"
Napalingon ang dalawa kay shou at sa mga kaibigan nitong nasa tabi niya.

Tumakbo ang mga ito sa dereksyon ni Everlia at tumabi sa dalaga. Meron ding nagsulputang wolf at Vampire sa tabi ni Everlia.

"Lalaban din kami tulad mo"
Sambit ni Sastria.
Umalulong ng malakas ang mga wolf bilang pag sang ayon at mas lalo namang tumingkad sa pula ang mga mata ng Vampires senyales na handang handa ang mga ito sa laban.

Napangiti si Everlia at nakakalokong tinignan ang kakambal niya na sobrang sama ng tingin sa kanila.

"Mga walang utang na loob! Kung hindi dahil sakin, wala kayong maayos na lugar ngayon!"
Sigaw ni evelia na puno ng galit.

"Hindi namin kailangan ang lugar na ito kung katulad mo lang din ang mamumuno sa amin!"
Ganting sigaw ni Creya.

"Pinagsisisihan namin na isang tulad mo ang tinuring naming tagapagligtas!"
Sabi din ng isang wolf.

"Mga walang kwenta! Kahit mag sama-sama pa kayong lahat!"
Sagot nito at humalakhak ng pagkalakas lakas dahilan para kumidlat rin ng malakas.

Kung saan-saan tumama ang kidlat, sa Wolf Mountain, Vampire Camp, Darkside at Hellius. Unti-unting nilalamon ng sunog ang kagubatan ng Wolf Mountain, pinababagsak ng kidlat ang mga naglalakihang kweba sa Hellius, maging ang matataas na kaharian sa Vampire Camp at mga mansion sa Darkside at Center Crown.

"Mga alagad ko! Magsilabasan kayong lahat!"
Sigaw nito at halos matigilan ang lahat ng halos sandamakmak na Helliusans ang naglitawan.

"Sugudin sila!!!".
Utos nito na agad namang sinunod ng mga alagad niya. Halos mga butil ng buhangin sa dami ng mga ito at halos kalahati lang ng mga kalaban ang grupo nila Everlia.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon