EPILOGUE

4.9K 143 13
                                    


1 year later.

Shou's POV

Isang taon na ang lumipas ng matapos ang laban sa pagitan ni Evelia at Everlia. Bumalik na sa ayos ang buong Crown, bumalik na ang saya sa lahat at magkakasundo na ulit ang lahat. Pero hindi ko magawang magdiwang dahil hanggang ngayon hindi ko parin siya natatagpuan, hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya pero naniniwala ako na buhay siya kaya sa loob ng isang taon pabalik balik ako sa mundo ng mga mortal para hanapin siya at kahit kailan hindi ako mapapagod na gawin 'yun.

Tulad ng sinabi niya bago siya mawala. Kasa-kasama ko si Jax at Sastria, paminsan minsan ay si Anna at Ron at ngayon ako lang mag isa ang nandito. Hawak ko ang isang phone na gamit ko rin noon. Binabantayan ko ang account na gamit niya noong mag post siya pero isang taon narin mahigit na hindi nag oopen ang user nito.

Napabuntong hininga ako.

"Makikita mo rin siya shou. Wag kang susuko sa paghihintay at paghahanap."
Pagpapalakas ko sa sarili ko bago bumalik sa Crown.

"May balita kana ba sa kanya?"
Salubong sakin ni mom at dad kaya agad akong napailing.

"Wag kanang malungkot kuya, sigurado akong magpapakita rin sayo si Ate Eve. Baka nagpapahinga lang sya o nagpapalakas"
Sabi pa ni Anna kaya tumango ako at ngumiti.

"Pero bakit kaya siya biglang naglaho? Maging si Evelia ay nawala rin."
Nagtatakang tanong ni Dad.

"Wala rin akong ediya,Dad." Sagot ko na lamang at nagtungo na sa kwarto.

Ganon lang ng paulit-ulit. Nakakaramdam na ako ng pagod pero wala akong balak na sumuko.

_______ isang buwan pa ang lumipas at hindi ko parin siya nahahanap. Walang gana akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa sala pero wala akong nadatnan ni isa sa kanila. Kadalasan kasi maabutan ko sila nanonood ng Tv o kaya kumakain sa sala.

"Mom? Dad? Anna?"
Tawag ko sa kanila pero walang sumasagot kaya nag umpisa na akong kabahan.

Mabilis akong napatakbo palabas ng mansion.

"HAPPY BIRTHDAY SHOU!!!!"
Sigaw nilang lahat kaya agad na nawala ang kaba ko at napalitan ng ngiti.

Masayang masaya silang lahat, kung sana isa siya sa mga nakikita kong masaya ngayon.

"Happy birthday sa pinakagwapo at pinakamabait kong kuya!!!"
Sigaw pa ni anna at sinugod ako ng mahigpit na yakap.

"Salamat sa maganda pero matigas ang ulo kong kapatid!" Sagot ko na natatawa dahilan para napasimangot siya.

"Heh! Binabawe ko na! Gwapo kalang pero dika mabait!!"
Pagsusungit niya at mabilis na humiwalay sakin.

"Parang bata"
Sambit ni Ron na rinig na rinig namin kaya napaharap sa kanya si anna.

"Mahal mo naman!"
Sigaw niya kaya mas lalo kaming nag tawanan.

"Oh shou anak, blow your candle na"
Sabi ni mom at hinila ako palapit sa isang cake.

"Para naman akong bata nito mom"
Sagot ko na napapakamot ng ulo.

"Nako, baby kaparin naman sa paningin namin ng dad mo eh. Diba hon?"
Tanong pa niya kay dad na agad namang tumango kaya wala na akong nagawa.

"Mag wish ka muna pre!"
Natatawang sabi ni Crey kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya mas lalo niya pa akong tinawanan.

Natawa na lang rin ako at ipinikit ang mga mata ko.

Isa lang naman ang hiling ko, yun ay ang makita siya.

Idinilat ko na ang mga mata ko at handa ng hipan ang kandila ng may---

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon