BM 4: You're in the right place

6.1K 173 3
                                    

Lia's POV

"I will get you!"

"Come here."

"Please come back, we need you!"

Napabalikwas ako ng bangon habang habol ang aking hininga. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Shoot! 'Yun nanaman yung panaginip nayon pero this time tatlo ng babae ang gustong umabot sakin. Napakaklaro ng mga mukha nila sa panaginip ko pero pag gising ko hindi ko na maalala ang mga mukha nila.

Omg?! Anong oras naba?

Mabilis kong tinignan ang relo sa kamay ko.
9:00 a.m na. oh shit! Bakit hindi nanaman nila ako ginising? Dali-dali akong tumayo sa malambot na kama para pumunta na sa banyo ng matigilan ako.

Malambot na kama? Sa pagkakaalam ko wala kaming kama! Mabilis kong nilingon yung kama at nanlaki ang mga mata ko.

"Anak ka ng tinapa! Kama nga! Paano naman kami nagkaroon ng kama? Haaist! Nanaginip kalang siguro lia!"
Paulit-ulit kong tinampal yung mukha ko at umaasa na magigising ako mula sa pagkakatulog pero wala...wala paring nangyayari, nakatayo parin ako dito at nasa harapan ko parin yung kama.

"Naghahallucinate na yata ako!"
Hindi ko nalang pinansin yung kama at dumeretso na sa banyo pero natigilan ulit ko ng mahawakan ko na yung door knob.

"Kelan pa nagkaroon ng banyo sa kwarto namin?" Halos hindi na maipinta yung mukha ko sa sobrang pagtataka. Lumingon ako sa kama at sa pinto ng banyo.

"Hindi"
Hindi ko maiwasang kabahan ng mapagtanto ko na wala ako sa amin. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto.

Puting dingding, itim na kisame na may malaking chandelier. Merong malaking flat screen TV na nakakabit sa dingding na nakaharap sa malaking kama. Meron pang tatlong pinto bukod sa pintong nasa likod ko.

"Nasaan ako?"
Napatingin ako sa isang pinto ng marinig ko iyong bumukas.

"Gising kana pala. Good morning"
Halos magkislapan ang mga ngipin niya sa sobrang puti. May dala siyang tray at inilapag yun sa isang maliit na table sa gilid ng kama.

Teka, parang familiar siya sakin?

"It seems that, you don't remember me"

His voice. ay charing napa English ako ng di oras.

"Jax"
Sambit ko. Pero bakit ibang iba ang itsura niya ngayon? Ang itim na buhok niya ay parang pinaghalong green at blue na namay highlight pang Pink at violet na ngayon nakatali pa ang kabilang side non. At ang mga mata niya mas naging dark na blue.

Bigla naman siyang ngumisi.

"I know you're wondering, but before that kumain ka muna dahil maya-maya lang ay nandito na siya"
Sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto kung saan siya pumasok kanina.
Mukhang plano na niya akong iwan dito. Pero marami pa akong gustong itanong at malaman!

"Teka! Paano ako napunta dito? Nasaan ba tayo? Sila nanay! Ano ng nangyari sa kanila?" Sunod-sunod kong tanong at muli nanamang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

"Sabi ko na nga ba matatadtad nanaman ako ng tanong eh! Kainis naman kasi 'tong si shou, ako pa talaga ang inutusan!" Bulong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Anong sabi mo?"

"I mean mamaya ko na ipapaliwanag. Kumain kana diyan"
Pinigilan ko pa siya pero tuluyan na siyang lumabas ng kwarto! Aist! Hindi ako pwedeng tumunganga nalang dito, baka hinahanap na ako ni nanay...pero....hindi niya nga pala ako maalala.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon