BM 2: Finally, pagmamay-ari na kita

7.1K 245 4
                                    

Lia's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay. Tahimik lang akong nakaupo dito sa tabi ganon din yung lalaki samantalang si nanay hindi mapakali, palakad lakad.

"Mawalang galang na Sir. Pero Lia po ang pangalan ng anak ko, hindi Eve. Eirlia!"
May diin sa bawat salita ni nanay lalo na sa totoo kong pangalan. Yari talaga ako nito kay nanay (T.T). Sana naman tsaka niya na ako sermunan pag alis ni Pogi para naman hindi ako mapahiya.

"I'm sorry, Madam but i'm 100% sure na siya ang hinahanap ko." Sagot naman nung lalaki na napatingin pa sa akin.

"Paano ka naman nakakasigurado?"
Paghahamon ni nanay. Inilabas naman ng lalaki yung phone niya at maykinalikot saglit bago iniharap kay nanay.

Ano naman kaya iyon?

Napalingon naman ako kay nanay na masama ang tingin sa akin. Pero saglit lang iyon dahil binalingan niya ulit yung lalaki.

"Sabihin na nating siya nga yung Eve na hinahanap mo. Ano naman ang kailangan mo sa anak ko?"

Omg! Ihanda mo na ang sarili mo Lia! (>.<)
Nagkasalubong pa kami ng tingin nung lalaki. Bigla nalang siyang ngumisi, malamang Kitang-kita niya kung paano ako kabahan dito sa kinauupuan ko.

"May job na kasing naghihintay sa kanya simula pa kagabi"
Sagot nito sabay ngiti kay nanay. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at kinindatan niya lang ako.

Anong ibig sabihin non? I mean yung mga sinabi niya?

"Job?" Napalingon naman sa akin si nanay kaya napatingin din ako sa kanya.
"Akala ko ba sa sabado kapa mag a-apply?" Tanong niya sakin. Napalunok naman ako at sandaling sinulyapan yung lalaki. Tumango naman siya na parang sinasabing sakyan ko nalang ang sinabi niya.

"Ah eh, k-kasi nay gusto ko sana kayong i- surprise." Kinakabahan kong sagot.

"Ganon ba? Bakit naman Eve ang pangalan na ginamit mo? Tapos hindi mo pa agad sinabi kanina."
Naguguluhan pa niyang tanong. Tsk. Mahaba-habang paliwanagan pa ito.

"E kasi nay kailangan may code kami sa company nila. Tsaka nakalimutan ko kasi na eve nga pala yung code ko at isa pa hindi ko siya nakilala kanina kasi hindi naman siya yung nag interview sa akin."
Palusot ko ulit. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag ngisi nung lalaki kaya diko mapigilang mainis. Hindi lang naman ako ang nagsisinungaling dito no! Siya rin!

Tumango naman si nanay at naupo na sa isang tabi.

"Pasensya kana sir. Nabigla lang kasi ako kanina, akala ko kasi may nagawang kasalanan itong anak ko kaya pinaghahanap na siya."
Natawa naman yung lalaki sa sinabi ni nanay. Ang exagge naman kasi niya eh hahaha.

Pero wew talaga eh! Akala ko talaga malalaman na ni nanay. Pero teka? Anong job naman kaya ang naghihintay sakin?
Tumingin ako sa lalaki habang nakakunot ang noo. Mukhang naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sakin.

"By the way, pinapasabi ng boss ko na you only have 1 day para mag prepare. Tomorrow night, babalik ako dito para sunduin ka."

What?! Maging si nanay ay nagulat din.

"Bukas na agad ang alis niya? Saan ba siya mag tatrabaho? Ilang weeks o months siya magi-stay doon?"
Nag aalalang tanong ni nanay. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

"Yes, Madame. For now hindi ko muna masasagot ang mga tanong mo but i assure you na hindi namin pababayaan ang anak niyo." Sagot nito kay nanay bago bumaling sa akin. "Here's the debit card, nandiyan narin ang password. Nai-transfer na sa pangalan ng mother mo ang lahat and pinapasabi pala niya  Finally, pagmamay-ari na kita." Sabi niya sabay smirk.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa huli niyang sinabi. Pabulong lang iyon kaya siguradong hindi iyon narinig ni nanay.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon