BM 17: Anna and Ron's Death

2.2K 72 3
                                    

Anna's POV

Mabilis kong hinarap ang nanipa sakin.

"Kailangan talaga sa likuran ako sipain?! Kaimbyerna ka ha!"
Bulyaw ko sa lalaking nasa harapan ko.
Meron siyang tattoo sa mukha na bungo gaya ng kay Veronica. Hmmp!

"Ang dami mong satsat!"
Sagot niya at mabilis akong sinugod. Katulad ko ay may kapangyarihan din siyang speed.
Ginamit ko rin ito para makaiwas sa kanya. Mabilis akong tumayo at agad na ipinangsangga ang mga braso ko ang atakihin niya ako ng suntok.

Hindi marunong magpatawad ng babae ang isang to! Siya na yata ang pinaka UNGENTLEMAN na nakasalamuha ko. -_-

"By the way, I'm Markius"
Pakilala nito ng naka poker face parin. Tsk! May gana pa siyang magpakilala?

"Hindi ako interisado!"
Sigaw ko at buong lakas na tinabig paalis ang kamao niya.

Bigla naman siyang napangisi.

"I like you"
Sabi pa niya na kinainisan ko. I like your ass! Wala ka namang binatbat sa mukha ni Ron ko no!

What? Ron ko? -_-' my gosh!

"Like your ass!"
At mabilis siyang sinugod. Ako naman ang nagpaulan ng suntok at sipa na mabilis niya ring iniiwasan. Nagulat ako ng mahuli niya ang kamay ko at ipinilipit papunta sa likuran ko.

"Aargh!"
Ungol ko sa sakit. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong dinilaan niya ang leeg ko.

F-f*ck!

"Sweet"
Halos kilabutan ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.

"Disgusting!"
Sigaw ko at tinapakan siya ng malakas sa paa at iniuntog ko pa ang ulo ko sa mukha niya dahilan para mabitawan niya ako. Hindi rin ako nag aksaya ng pagkakataon at nag labas ng kuryente sa kamay ko at itinira sa kanya!

"Aargh!"
Ungol niya ng matamaan siya sa dibdib.
Napaluhod pa ito.

"Dapat lang 'yan sayo pervert!"
Singhal ko pa sa kanya at muli siyang tinira, this time mas tinagalan ko pa para mas damang dama niya!

Grrr! Ginigigil niya ako!

"Aaargh!"
Ungol ko ng biglang may humampas sa batok ko dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

"Tsk. Ikaw nanaman pala!"
Napalingon ako sa pamilyar na boses. Naka pamewang siya habang prenteng nakatayo.

"Veronica!"
Sambit ko.

"Ano kaba naman Markius! Matatalo kalang ng babaeng 'yan?"
Dismayadong tanong niya doon sa lalaki na nakakatayo na.

Tumingin siya sakin ng masama.

"Hindi pa ako tapos Veronica, akin lang siya"
Parang baliw nitong sagot at naglakad palapit sakin. Naalerto naman ako at mabilis na tumayo.

"No!"
Pigil niya kay Markius kaya tinignan siya nito ng matalim.
"I mean, mamaya na. Siguradong mag eenjoy ka sa kanya mamaya kapag natulala na siya"
Sabi pa nito dahilan para maikuyom ko ang kamao ko.

Ano nanamang pinag sasabi niya. Nag simula na siyang maglakad palapit sakin.

"Wag kang lalapit sakin!"
Banta ko sa kanya at napaatras pa ako ng konti.
Ngumisi lang siya.

"As if namang susunod ako sayo."
Sagot niya kaya hindi na ako nag dalawang isip na tirahin siya ng electricity ko. Mukhang hindi niya inaasahan 'yon kaya natamaan ko siya sa braso.

"B*tch!"
Galit niyang sigaw at mabilis ako sinakal.

F*ck! Ang bilis niya!

"A-aaak!"
Hindi na ako makahinga!

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon